Chapter 16

706 46 20
                                    

            My Dad was a scientist, and he will do everything just to fulfill my Mom's wishes.

Isang linggo bago ang 18th birthday ko, anniversary ng aking mga magulang. Sinurpresa ni Daddy si Mommy ng kanyang bagong imbensyon—isang mercy killing chip.

Marami na rin akong natutunan sa larangan ng science. Kadalasan kasi, isa ako sa mga gamit na kailangan ni Daddy para sa kanyang experiment. Nakakatuwa naman, kaya lang madalas akong mahilo kapag may chemicals na sumasabog at nauusukan ako.

Itong mercy killing chip lang ang hindi ko nagustuhan.

My Mom wanted a REAL sleeping beauty. She was so crazy about the fictional character that she wanted me to be the Aurora in the storybook.

"Aurora darling, I found your prince charming!" Masigla nitong sabi.

Natuwa ako sa narinig ko. Bihira lang kasi akong lumabas ng bahay kaya madalas nalulungkot ako kasi wala akong prinsipe—'yung lalaking palaging kinukwento sa'kin ni Mommy.

"Talaga po? Sino siya? Kailan ko siya makikita?" Excited kong tanong.

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo e. Well, nasa sala na siya ngayon, hinihintay ka."

Agad akong nanalamin at inayos ang sarili. I was so happy kaya madali din akong sumunod kay Mommy palabas ng kwarto.

And there he was, my prince... talking to my Dad.

"O, andito na pala ang aming prinsesa." Masayang bati ni Daddy.

"Aurora, this is Richard, your fiancé." Pagpapakilala ni Mommy.

He was so handsome, at nakaramdam ako ng kilig nang hawakan niya ang kamay ko at halikan ito. Parang prinsipe lang talaga siya.

"Nice meeting you, Aurora." Sabi niya.

Naging malapit agad ang loob ko kay Richard. Siya din kasi ang naging escort ko sa aking bonggang debut. As expected, I was the Princess Aurora on that day.

Tuwang-tuwa si Mommy, lalo na nu'ng nalaman niyang nakatanggap pala ng award si Daddy dahil sa ginawa niyang kakaibang chip. It was my 21st birthday kaya naman sinabay na ang celebration.

Sa makalawa, lilipad na sila papuntang Australia at duon na maninirahan. Si Richard na daw kasi ang magiging pamilya ko. Sa bahay na niya 'ko titira, at kahit anong pag-iyak o pakiusap ko, hindi ko na sila napigilan.

"You'll be a living sleeping beauty pagbalik namin." Sabi ni Mommy bago sila tuluyang umalis. "You'll have your prince, you'll be in his house—a tower-like place. Hay, I'm very excited to see you again, Aurora." She kissed me and gave me a hug.

Back then, I thought my Mom was really sick. Masyado na siyang na-obsess kay Aurora para isiping maging katulad nito ang buhay ko.

Pero sa piling ni Richard, it was more than that.

"Richard, naisip ko lang, hindi pa'ko handa sa kasal natin next week... pwede ba next month na lang? Pag-uwi nila Mommy?" Tanong ko habang busy siyang nanonood ng football.

"Shut up and leave me." Seryoso nitong sabi.

Nagulat ako sa tono ng pananalita niya. That was the first time that he disrespected me.

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora