Chapter 5

1.1K 55 38
                                    

            Halos dalawang araw lang nadeliver na agad 'yung mga pinaprocess kong papers. Pinagawa ko lang sa kaibigan ko, malakas kasi kapit nu'n sa mga ganitong bagay. 'Yung mga requirements na para sa school, okay na din. Ni-rush na din kasi niya, nangako kasi akong babayaran ko ng doble. Hindi naman sa'kin manggagaling 'yung pera syempre, kundi sa allowance ko na ipapadala ni Daddy. Kaya malamang kailangan ko magtipid ngayong buwan.

Mia Fernandez. 18 years old. September 16 pinanganak sa Manila. Lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya, fake identity lang. Ako lang ang gumawa. Maging ang edad at kaarawan niya ay gawa-gawa ko lang din.

"Baby! Ready ka na?" Masaya nitong tanong sa'kin. Suot na din niya 'yung uniform ng university na pinapasukan ko.

Hay, siya na yata ang pinakamagandang nagsuot nu'n.

Actually late na siya ng 3 weeks sa klase, and for sure hindi na siya tatanggapin ng mga professor.

Pinakiusapan ko na lang 'yung admin at dean para payagan pa siya, pero hindi naman ako masyadong nahirapan kasi mataas naman daw 'yung naging resulta ng exam ni Mia. Kinausap pa nga siya sa office mismo, pero hindi pa niya kinukwento kung anong nangyari talaga. Ang sabi niya lang tanggap na daw siya. Nakakapagtaka nga kung pano nangyari 'yun e. Naisip ko tuloy, hindi kaya engineering din ang course niya?

"O bakit nakatitig ka lang sa'kin? Halika na!" Sabi niya at hinila ako palabas.

Pagdating namin sa school, feeling ko isa akong bodyguard na may kasamang artista. Halos lahat kasi ng estudyante, lalo na mga lalaki, napapasunod ng tingin at napapabati ng 'hello', 'goodmorning, miss' at kulang na lang magpa-picture.

Todo ngiti naman si Mia at bumabati pa pabalik. Nakakainis tuloy, parang nawala na lang ako bigla. Ayoko namang maging selfish at kunin 'yung saya niya, nakakatuwa ngang makita na masaya siya sa labas at hindi lang sa loob ng bahay.

Tumingin ito sa'kin at hinawakan ang kamay ko, kaya parang nadismaya tuloy 'yung mga lalaking nakatingin sa kanya. Asa pa kasi kayo.

"Ang ganda pala dito... ang daming tao." Natutuwa niyang sabi.

"Syempre school 'to." Pabiro ko namang sagot. "Pero mas maganda ka."

Kitang-kitang namumula ang kanyang pisngi sa sinabi ko. "Ikaw talaga... ang sweet mo..." Sabi niya at gusto pa sana akong halikan pero pinigilan ko. Masyado nang PDA.

"Mia, bawal ang kiss sa school, okay? Okay lang holding hands, pero walang kiss."

"Walang kiss?" Bigla niyang tanong na may halong lungkot.

"Hmmm..." I kissed her forehead pagpasok namin sa elevator. Nakakaawa kasi na ang cute ng mukha niya. "Ayun, pwede. Bawal lang sa lips."

Muli siyang ngumiti at hinalikan naman ako sa pisngi. Ang kulit talaga. "Ayun, pwede?"

"Oo na... basta wag palagi ha." Nakangiti kong sagot.

***

"Levi Danes!" Sabay na sigaw ni Samantha at Alice pagkakita sa'kin. Bago pa man sila makalapit, agad na kumapit si Mia sa braso ko na para bang she's protecting me from any harm.

Natawa tuloy ako sa reaksyon nu'ng dalawa. Parang hindi makapaniwalang may babae akong kasama.

"Hi," Nahihiya kong sabi.

"Y-yung... paper natin, na-edit ko na." Ani Alice at dumeretso na lang sa kanyang upuan. Parang bigla itong nawalan ng gana.

"So, girlfriend mo, Levi?" Tanong pa ni Samantha. Napatingin din 'yung mga kaklase ko, especially kay Mia. Nakaka-agaw atensyon naman kasi talaga ang ganda niya.

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora