Chapter 14

773 50 27
                                    

            "Dad, we're staying in a small apartment in Cavite. I'll send you the address and the map to get here. Someone's after us so I really need your help; I need you to come here as soon as possible."

I sent the message through phone and also the map.

Sa isang maliit na apartment lang kami tumuloy at isang kwarto lang ang nirentahan namin. Mas mura kasi, at kulang na talaga ang budget ko para sa aming dalawa. 'Yung tuiton fee ko mukhang kailangan ko na din munang gamitin.

Tahimik na nag-aayos ng gamit si Mia sa kama. Malaki naman kahit papaano 'yung kwarto. Sapat para kama, TV, sofa, at isang maliit na lamesa. 'Yung CR ay nasa baba pa, at para sa lahat ng umupa din ng kwarto. Parang dorm lang ang set-up.

"Mia?" Umupo ako sa tabi niya at pinatigil muna siya sa pag-aayos. Hindi pa rin ito umiimik, at gaya ng dati, tila wala sa sarili, parang nu'ng una kaming magkita.

Bakit sa mga ganitong sitwasyon... hindi gumagana 'yung chip? Why does it not make her happy completely?

"Levi..." Mahina nitong sabi. "You should leave me. Madadamay ka lang 'pag kasama mo 'ko."

"No, we're in this together. Isa pa, nasabihan ko na si Dad na pumunta dito para matulungan tayo. Kaya 'wag ka mawalan ng pag-asa, Mia." Pakiusap ko.

Hindi kami pwedeng pumunta at humingi ng tulong sa pulis, kasi sa laki ng connection ni Richard, baka pati sila e maging kasabwat na din. Sa ngayon ang plano ko ay ilabas siya ng bansa. Whatever it takes.

"You don't understand... nahanap na niya tayo." Nagpapanic niyang sabi at napatayo sa kama. Kitang-kita ang pagkabahala sa mukha niya.

"Hindi na niya tayo titigilan... he wants me dead. D-dapat hindi na lang ako umalis... dapat hinayaan ko na lang...d-dapat..."

"Mia!" Bigla kong sigaw at hinawakan siya sa balikat. She's losing her mind. How much pain that guy has caused her, I have no idea. But he sure did leave an impact.

"Levi, iwan mo na'ko. Ngayon na habang may oras ka pa. Kahit sa'n tayo magpunta hahanapin niya tayo. I was crazy to ask help from you, but I shouldn't have... hindi ako dapat tumakas... hindi ako dapat tumakbo..."

Patuloy pa din siya sa pag-iyak at paninisi sa sarili, habang pinapakinggan ko lamang siya, iniisip kung paano ito muling mapakalma.

I realized the chip wasn't enough. It didn't make her happy at all. It didn't make her forget everything.

Staring at her troubled face, I kissed her lips passionately just to stop her from thinking anything. I want her to empty her mind, think nothing—nothing but me.

Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama at patuloy pa rin sa paghalik. I don't care about her past, I want MY Mia.

I love her, and right now, at this moment, it's just the two of us in this room.

***

Gabi na nang nagising ako. 7 pm pa lang, at sakto hindi pa pala kami kumakain. Mukhang napasarap din ng tulog si Mia habang nakahiga at nakayakap sa dibdib ko kaya hindi ko na muna siya ginising.

Inayos ko muna siya ng higa bago ako bumangon, pagkatapos ay kinumutan siya at hinalikan sa noo. Pakiramdam ko mas naging malapit ang loob ko sa kanya pagkatapos ng nangyari.

1 message from Dad, 3 messages and missed call from Alice.

Tinignan ko muna 'yung kay Dad. Okay daw, pina-advance na niya 'yung flight niya bukas. Hay salamat, kahit papaano mas gumaan ang pakiramdam ko.

Inopen ko naman 'yung text ni Alice. Puro pagtatanong kung nasa'an ako at bakit hindi na'ko pumapasok. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyari. Handa naman ako sa naging desisyon ko. Handa naman akong tumigil muna sa pag-aaral if it means saving a life.

Sa maliit na lamesa ng kwarto namin, inayos ko 'yung oven at pinainit 'yung frozen pizza and carbonara. Muli akong lumapit kay Mia at hinaplos ang kanyang mukha.

"Baby?" I uttered in my sweetest voice. "Gising na, kain na tayo..."

Bahagya naman nitong minulat ang mata. She smiled at the sight of me, at the scent of me.

Kinuha ko ang shirt niya at tinulungang isuot sa kanya. She really is beautiful.

"Buti na lang madami tayong pinamiling pagkain 'no?" Nakangiting sabi ni Mia at nagsimula nang kumain. Halatang nagutom, wala pa kasi kaming kain mula kaninang umaga.

"Oo nga e, thanks to you. Makaka-survive tayo." Sagot ko naman.

"Haha! May pagkain na tayo ng one month."

"Mia, hindi naman tayo titira dito habang buhay."

"Mas gusto ko nga 'to e, kasi tayong dalawa lang..." Sabi pa niya, and she's obviously blushing.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. Ugh. I just can't get rid of her.

"Yeah, just the two of us would be great. We'll leave this place Mia. We'll make a family, and then we'll live peacefully." I said, and I really promise her that.

"Wala nang hahabol sa'tin? Tayong dalawa lang?"

"Yes... yes. Hindi na nila tayo mahahanap. I'll take care of you... and everyday, you're my princess."

Kasabay ng pag-ngiti niya ay ang pagtulo ng luha niya. Sa unang pagkakataon, napaiyak ito dahil sa sayang ngayon ay naparamdam ko sa kanya.

"I love you, Mia."

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now