Chapter 1

2.8K 86 53
                                    


Alas tres ng madaling araw. Mabilis akong nagmamaneho sa malawak na kalsada. Wala na kasing mga sasakyan, tanging ang sariling headlights ko na lang ang nakikita ko. Medyo hilo pa 'ko sa onting alak na nainom ko. Reunion kasi naming magkakaklase nuong high school at nagkataong may inuman. Hindi naman ako heavy drinker kaya nagawa ko pa magdrive.

Bagamat ganito na nga ang sitwasyon ko, hindi maaaring guni-guni ko lang 'yung babaeng pumapara na para bang ako lang ang makakaligtas sa kanya sa oras na 'yun. Agad akong huminto at halos tumalsik na 'ko sa loob ng sasakyan sa sobrang bilis ng pagkaka-break.

Natumba 'yung babae. Ewan ko kung nahimatay o napaupo lang kaya lumabas na 'ko para tignan ito. Sira-sira ang damit niya, kulang na lang matanggal ito. Agad kong tinanggal ang suot kong jacket at ipinatong sa kanya.

"Tulong please... they're after me..." Nanghihina niyang sabi. Wala na siyang lakas pang tumayo kaya binuhat ko ito at sinakay sa front seat.

Sa mga oras na 'yun hindi ko na inisip kung anong consequence ang makukuha ko sa pagligtas nu'ng babae. Marahil gawa na lang ng kalasingan ko kaya ko siya tinulungan, but otherwise I still saved a life.

Pakiwari ko buong araw na siyang tumatakbo; buong araw na lumalaban para iligtas ang kanyang sarili. How relief she must have felt when a car passes by to save her. Kaya siguro, I will have no regrets.

Nakatulog ako sa couch, ang liwanag na kasi pag-gising ko, nakatapat lang sa'kin 'yung bintana. 7 am na pagtingin ko sa orasan. Shoot. May klase ako ng 7:30.

Madali akong bumangon nang mapansin ko 'yung babae. Nakasandal siya sa sofa na hinigaan ko at balot ng kumot ang sarili. Mahimbing ang tulog niya kahit nakaupo lamang ito sa sahig. Sa pagkakatanda ko, duon ko siya sa kama hiniga kaya ako dito natulog.

"Miss... miss..." Sabi ko para gisingin siya.

Minulat niya ang kanyang mga mata. Para siyang anghel kahit na may ilang sugat siya sa mukha, lalo pa't nasisilawan ito ng araw.

"Bakit ka andito? Du'n ka na muna sa kama, hindi muna kita maaasikaso, may pasok kasi ako."

"Aalis ka?" Marahan niyang tanong. Ang ganda ng boses niya. Ang ganda niya.

"Kailangan e, pero maaga naman akong uuwi..." Sagot ko. Ewan ko kung bakit parang naging obligasyon ko na siya ngayon. Halos wala pa ngang isang araw na magkakilala kami, pero parang gusto ko na siyang makasama, protektahan kung anong nakaraan man ang meron siya.

Nalungkot ito sa sagot ko. "Anong oras ka babalik?"

"10 am. Andito na'ko ng alas dyis." Oo na, sinungaling na 'ko, hanggang 4 pm pa 'ko talaga. Pero ngayong araw lang na'to, maaga akong uuwi.

"Okay..." Matipid niyang sagot.

Inalalayan ko siyang tumayo at pinaupo sa dining room. Marahil wala pa siyang kinakain kaya naghanda na 'ko ng breakfast. Bacon at egg ang madalas kong kainin kapag sinipag magluto, at ngayon eto na ang ginawa ko para sa kanya.

"Maliligo lang ako ha, kumain ka muna." Sabi ko habang nilalagyan ng kanin ang kanyang plato.

Hindi na 'to umimik pa at kumain na lang. Muli akong napangiti habang nakatitig sa kanya. Kahit kumakain, ang ganda pa rin kasi niya. Napatingin siya sa direksyon ko. Malamang napansin niya 'kong nahuhumaling dito. Hay, maliligo na nga ako.

***

"Levi Danes, nagawa mo na 'yung pina-assignment ni Ma'am Luce?" Tanong ni Samantha habang todo kapit sa'king braso. Hindi pa 'ko nasanay sa kanya. Lahat naman ng lalaki dinadaan niya sa landi para makuha ang gusto. Naisip ko nga, bakit hindi na lang siya mag-quit ng kursong 'to kung hindi rin naman pala niya kayang seryosohin?

"Hindi pa 'ko nagawa. Bukas pa 'yun." Sabi ko at dumeretso na sa upuan.

"Ang suplado mo naman... e iba pa din kung maaga ko makukuha 'diba?" Pagpupumilit pa niya, this time dinidikit naman ang kanyang binti.

"Ano ba Samantha ang aga aga lumalandi ka na." Naiiritang sabi ni Alice at tinulak siya palayo. "Levi, eto na 'yung mga related litt para sa research na din. Reviewhin mo muna bago natin ipasa." Sabi niya at nilapag 'yung papers sa table ko.

Si Alice nga pala ang research partner ko ngayon. Responsable din kasi siya kaya less hassle para sa'kin.

"Sumosobra ka na ha!" Pagsagot naman ni Samantha.

"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo 'di ba? Kita mo ba 'yung ginagawa mo? May pagdikit-dikit ka pa ng legs mong puro galis naman."

Napatawa ako sa sinabi niya. Loko-loko talaga 'tong si Alice. "Pabayaan mo na siya, maupo ka na lang diyan." Natatawa ko pa ring sabi.

Umupo naman siya at nag-advance reading na din. May pagka-nerdy si Alice, pero ewan, nababalance naman niya yata 'yung social life niya.

"Ang panget mo kasi." Dagdag pa ni Samantha at saka naghanap ng ibang lalaking mapagkukuhanan ng assignment.

"Oo nga pala, Levi, kailan tayo gagawa sa bahay niyo? Kailangan natin ma-practice 'yung sasabihin natin sa defense. Hindi kasi pwede sa'min e, alam mo na, lalaki ka." Sabi niya na parang ayos lang sa'king magdala ng babae, 'di gaya niya na off limits ang mga lalaki at baka kung ano pa ang isipin ng magulang.

Yeah, may babae na pala sa bahay; at malamang, hindi ko pwedeng dalhin si Alice duon unless siya naman paalisin ko. Hindi ko pa pala alam 'yung pangalan niya. Ni wala nga akong kaalam-alam tungkol sa kanya e.

"Uy, narinig mo ba sinabi ko?" Tanong niya.

"Ha? Ah, oo tignan natin." Alanganin kong sagot.

"Anong tignan? E malapit na 'yung defense. Bahala ka 'pag tayo ginisa ng panel ha, wala tayong masasagot." Naiinis pa niyang sabi.

"Opo, basta this week, don't worry." Sagot ko, habang ako naman ang nag-aalala. Ano na lang iisipin niya 'pag nakita niya 'yung babae 'di ba? Speaking of, kailangan ko nang umuwi ng 10 am.

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant