Chapter 11

880 53 27
                                    

            Patuloy siya sa paghikbi, hanggang sa unti-unti nitong nilublob ang sarili sa tubig. Naalala ko 'yung sinabi niya, madalas niya daw gawin 'to sa sarili—pinipilit na malunod kahit hindi naman niya kaya.

Pero pa'no kung this time matuluyan na siya?

Kinuha ko 'yung twalyang nakasampay at hinila siya pataas. Agad ko siyang binalutan ng twalya. Umuubo itong umahon, as if sinadya niya talagang inumin 'yung tubig.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Bakit ba gustong-gusto mong mamatay ha?" Nagagalit kong sabi. Nakakagalit kasi e. Ilang beses na siyang nagtangkang mamatay. Kalat na pati sa dyaryo na nagsuicide siya.

Hindi ko na alam kung anong kwento ang paniniwalaan ko e.

"Mia!" Sigaw ko nang bigla siyang mahimatay.

Binuhat ko siya palabas at hiniga sa kama. Palagi na lang ganito ang scenario. May mangyayari sa kanya, tapos mahihimatay, pero kinabukasan parang nakalimutan lang niya lahat ng 'to.

Napaubo ito at lumabas 'yung tubig na nainom niya. Pagkadilat niya, napatingin lang siya sa'kin. Sobrang putla na niya.

"Levi, 'wag mo na'kong awayin please... bati na tayo..." Matamlay niyang sabi kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

Parang nadurog ang puso ko sa narinig ko. All this time I was only thinking for myself. Inisip ko 'yung sarili kong kapakanan, without considering her feelings. Kahit naka-program na 'yung emotions niya, I still caused her another deeper pain.

Sinaktan mo siya, Levi. Nagpadala ka sa takot mo.

"I'm sorry, Mia..." Sabi ko pero mukhang nakatulog nanaman yata siya.

Kumuha ako ng damit ko at sinuot muna ito sa kanya para hindi siya lamigin. Inayos ko na din 'yung kumot. Epekto ba talaga ng chip na palagi siyang nakakatulog o nahihimatay?

Well, kasalanan ko din naman talaga na nagkaganito siya.

Dinala ko 'yung laptop ko sa kwarto ni Mia, gusto ko kasi muna siyang bantayan at baka kung ano pa'ng mangyari. I checked my email and Facebook na rin. Si Chris, may message nanaman sa'kin.

"Bro, I contacted Aurora's boyfriend, pinakiusapan niya 'kong isoli na siya sa kanya if nakita ko ulit. I didn't tell him the truth na my friend actually has the girl. Sinabi ko lang parang nakita ko. Pero I swear, Levi, 'pag hindi mo pa 'yan sinoli ako na mismo magbibigay ng address mo. Baka mapahamak ka pa sa babaeng 'yan. Concerned friend here dude."

Parehong sa FB at email niya 'to sinend. Agad naman akong nagtype para replyan siya.

"You know what, stop researching about her. She's not Aurora, she's Mia. She's my girlfriend at kung sino mang nagsasabi niyan sa'yo might be a scam o sinisiraan lang siya. Sorry kung naabala pa kita pero ayoko ng makarinig pa ng paninira tungkol sa kanya. She's not crazy, she's not a criminal. She's my girl."

I pressed enter and send the message. Hindi ko akalaing nagpabulag ako sa mga paratang tungkol kay Mia. It's true na palaging accurate 'yung nire-research ni Chris, pero this time, I know something is off. Something isn't right.

"Oh, so in love ka na pala ngayon." Reply ni Chris. "Bahala ka, ilang beses na kitang sinabihan. Anyway, I'll still find out more. It gets interesting kasi e."

"Whatever bro." Sagot ko na lang at nag-sign off na muna.

Nilapag ko 'yung laptop sa table. Napansin kong pinagpapawisan si Mia kahit naka-on naman 'yung aircon. Nananaginip yata siya.

Humiga ako sa tabi niya at sinandal ang kanyang ulo sa braso ko.

"Mia..." Bulong ko habang hinahaplos ang mukha niya. Dahan-dahan naman siyang kumalma na para bang naramdaman niyang nasa tabi niya lamang ako.

Hinila ko pa siya palapit sa'kin at niyakap so she'd feel much assured na kasama niya lang ako. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na poprotektahan ko siya, aalagaan, pero I failed her again. This time I really promise to make her happy to the point that she will forget every painful memory.

Wala na'kong pakialam kung programmed man ang pag-iisip niya ngayon, ang mahalaga magkasama kami at masaya siya.

I can't believe I fell madly in love with her.

***

Nagising akong katabi si Mia at nasa chest ko 'yung isang kamay niya. Napatingin lang ako sa kanya habang nakatulala ito. Tahimik lang siya, hindi nakatitig sa'kin at nakangiti gaya ng palagi niyang ginagawa.

Nakakatuwa siyang pagmasdan, ang ganda pa rin kasi niya kahit na parang may lungkot sa mukha niya.

"Mia..." Sabi ko at hinarap siya sa'kin.

"Bakit ka andito? Bakit katabi kita?" Tanong niya. Ang tamlay pa din niya.

"Nag-aalala kasi ako sa'yo kagabi, sorry for hurting you..." Sagot ko at muling hinawakan siya sa pisngi. "Kumusta pakiramdam mo? Okay ka lang ba? You look pale..."

Pinilit pa din niyang ngumiti kahit na alam kong may dinaramdam pa siya.

"Okay lang ako... hindi ka ba papasok?"

"Maaga pa naman e, ikaw? Kaya mo ba?"

"Oo naman, gusto ko kasama kita."

Hanggang ngayon ako pa rin iniisip niya. I gently kissed her forehead. Gusto ko kasing ma-feel niya na nirerespeto ko siya.

Umurong ako ng onti palapit sa kanya nang may maramdaman akong basa sa bandang baba.

"Babe..." Sabi nito at napakagat sa kanyang labi as if may nagawa siyang mali. "Meron pa kasi ako... wala akong napkin..." Nahihiya pa niyang sabi.

Wala nga pala siyang suot kagabi kundi twalya lang. Malamang hindi ko naman alam kung pa'no isuot 'yun sa kanya. Gah. Ang awkward.

Agad naman akong tumayo mula sa kama. Hindi ko alam kung ano'ng magiging expression ko pagkakita ko sa shorts kong may stain ng dugo. Nakakadiri na ewan.

"Sorry talaga... gusto kong gisingin ka kaya lang ayoko kasing maistorbo kita sa pagtulog tsaka gusto kasi kitang katabi e..." Sabi niya at umupo sa kama.

Halata sa mukha niyang nahihiya din siya, pero ano pa nga bang magagawa namin, magkasama naman kami sa iisang bahay.

"Normal lang naman 'yan sa babae, I understand Mia. Maghugas ka na rin, ipa-laundry na lang natin 'yung bed sheet. Magluluto na'ko sa baba ha."

"Okay..." Nag-aalala pa rin nitong sabi.

Palabas na sana ako nang muli akong lumingon sa kanya. Ewan ko kung ano bang pumasok sa isip ko, pero lumakad ako pabalik at hinalikan siya sa labi. She didn't say anything and just kissed me back.

"I want you, Mia." I said between our kiss.

Tinulak ko siya pahiga and kissed her deeper. I was about to pull her shirt when she held my hand and stopped me.

"Meron ako...'wag ngayon..."

Natawa naman ako sa sinabi niya. So she really wants this, it's just that she can't right now and here I am, going really crazy about her.

"Sorry... hintayin na lang kita sa baba." Sabi ko na lang at muli siyang hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto. 

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now