Chapter 10

906 54 27
                                    

            "Hey son, I'll be there by the following week. I wish to see the girl. See you." Nag-text si Dad. Good news, kasi finally ma-eexamine na rin niya si Mia, but quite a bad news kasi mapupuno nanaman ng chemicals o kalat dito sa bahay. Tapos 'pag araw na ng departure niya, mag-iiwan lang siya ng lilinisin ko.

Pag-uwi ko, may naaamoy nanaman akong niluluto sa loob. Si Mia nanaman, at 'yung mga pagkain kanina, mukhang pinapainit na niya.

"Andito ka na pala... gutom ka na yata mahal, kain na tayo." Halata sa boses niya na hindi siya masaya, pero gawa na rin siguro ng chip, napipilit pa din nitong ngumiti at umintindi.

"Kumain na kasi ako bago umuwi."

"Ah... ikaw lang mag-isa?"

"Kasama ko naman si Alice." Sagot ko at napatigil ito sa ginagawa.

"Ganun ba, hindi pa kasi ako kumakain e... sabayan mo naman ako." Pakiusap nito.

Umupo na lang ako at kumuha ng plato. Hindi ko na kaya 'tong ginagawa ko sa kanya, but somehow I have to be aware.

"Bakit naman hindi ka pa kumakain?"

"Gusto ko kasi sabay tayo."

"Anong ginawa mo buong maghapon?"

Natagalan ito bago makasagot. "Nasa bath tub ako..."

Kaya pala parang namumutla na siya. Nagbabad yata sa tubig.

"Ako na, kaya ko na." Sabi ko bago pa man niya lagyan ng pagkain 'yung plato ko. Hindi pa rin naman ako masyadong gutom kaya onti lang 'yung kinuha ko.

"Ano namang ginagawa mo du'n?"

"Wala lang, hindi ko din alam e. Kain ka na." Masaya pa nitong sabi.

Tahimik lang kaming kumakain, hanggang sa nagvibrate 'yung phone ko. Nag-text si Chris.

"Pre, you wouldn't believe this. 'Headline: Daughter of scientist who invented 'mercy killing' chip commits suicide'. 2 days ago 'tong balita sa probinsya, nakakapagtakang hindi umabot sa Manila. Aurora Villegas is Mia. Ang sabi sa article, she used the chip for herself. Sabi sa'yo dapat patay na 'yan e. Send ko sa'yo 'yung copy ng newspaper para maniwala ka."

Halos mabitawan ko 'yung phone pagkabasa nito. Hindi na'ko makatingin kay Mia sa takot na nararamdaman ko. Agad akong tumayo at dumeretso sa kwarto, ni-lock 'yung pintuan para hindi muna siya makapasok.

I turned on my laptop and immediately PM-ed Chris.

"Babe? Okay ka lang? May nangyari ba?" Naririnig kong tanong ni Mia mula sa labas.

Chris Ferrer is typing...

"Eto 'yung scanned." Sabi nito habang hinihintay kong mag-load 'yung picture.

Ewan ko kung sa'n niya nahanap 'yung newspaper pero ayon sa article, Aurora Villegas, who happened to be Mia as seen in the picture, injected herself with the chip invented by her Dad. Isang scientist daw kasi ang kanyang Tatay, na napadala sa ibang bansa matapos maka-imbento ng gamot na maglalast hanggang dalawa o tatlong araw bago tuluyang maka-experience 'yung tao ng painless death. Ginawa ito para daw magkaro'n pa ng quality time 'yung taong nag-consume sa mga gusto pa niyang makasama.

This is insane. Maybe the chip didn't work for Mia... but why would she commit suicide? Ang sabi pa sa article, may sira na daw talaga siya sa ulo kaya niya nagawa iyon. But she looks fine to me... or epekto na lang ng love chip?

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now