Chapter 18

983 46 47
                                    

            Kung magmamahal na lang din ako, bakit sa komplikadong tao pa.

Halos isang linggo na ang nakalipas mula ng umalis si Mia at lumipad si Daddy pabalik ng States. Bumalik na din ako sa bahay ko... hindi na pumapasok sa university at buong magdamag lang nakakulong.

Sobrang hirap pala ng ganitong pakiramdam. 'Yung babaeng pilit mong pinrotektahan, mawawala din sa'yo sa isang iglap. Hindi ko na nga alam kung paano ako kikilos sa sarili kong bahay e. Masyado lang siguro akong naaliw at nasanay nuong mga panahong kasama ko siya.

Oh how I wish she'll come back. How I wish anytime by now she'll be knocking at the door.

I miss you... Mia.

Alas singko na ng hapon nang may nag-doorbell. Muli akong ginanahan. All this time I realized I was only waiting for her. Madali kong inayos ang bangag kong sarili at tumakbo palabas para buksan ang gate.

It was not her. It was Alice.

"Levi!" Naiiyak nitong sigaw at biglang yumakap sa'kin.

"A-alice... paanong?" Nagtataka kong tanong. Hindi pa kasi kami nagkakausap ni Richard simula nu'ng nangyari sa apartment kaya wala na'kong balita tungkol sa kanya. Kung sa bagay, hindi na kasi ako nagchecheck ng email o phone calls. I am totally broken.

"Anong paano? Pinakawalan din ako ni Richard. Bumalik na din kasi si Mia... este, Aurora pala. Ikaw? Kumusta ka? May ginawa ba siya sa'yo? I heard she's a psycho!"

Agad ko siyang tinulak palayo sa'kin. Pati ba naman si Alice, alam na 'yung false accusations kay Mia?

"She's not a psycho." Matipid kong sagot at pumasok sa loob. Sumunod naman ito sa'kin ngunit dumeretso lang ulit ako sa sala para ipagpatuloy ang panonood ko.

Umupo din ito sa sofa katabi ko. "Levi, nangangayayat ka na." Pagpuna nito at hahawakan sana ako sa braso ngunit agad ko itong iniwas.

I'm certainly not in the mood to speak unless it's Mia beside me.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Levi? Nalaman ko na ang lahat. Dito mo pinatira si Mia, kaya siguro nalason na niya ang utak mo."

Hindi ako makapaniwala sa nagiging asal ni Alice. Why would she say that against Mia? And then I realized, paano nangyaring halos wala man lang siyang galos o parang hindi man lang siya natakot matapos siyang i-pain ni Richard? It's not that I want her to experience such things, pero nakakapagtaka lang e.

"Alice, kailangan ka pinakawalan ni Richard?" Tanong ko.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Kung makapagsalita ka parang nagsisisi kang nakita ako e." Naiinis niyang sabi at tuluyang umiyak.

Gah. Tinanong ko lang naman.

"Hindi naman sa ganu'n... gusto ko lang malaman."

"Kahapon! Kahapon ako pinalabas ng halimaw na 'yun! Ngayon lang ako nakabisita sa'yo kasi buong araw akong may sakit at halos hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari! At ngayon pinuntahan kita agad kasi nag-aalala ako, pero mukhang ayaw mo naman!" Bulalas nito at tumayo mula sa kinauupuan. "Pero Levi Danes, hindi mo 'ko mapapa-alis dito. Magluluto na 'ko. Hindi puro frozen ang kinakain mo."

Padabog itong lumakad papuntang kusina. Etong si Alice talaga, kapag may gusto lahat ginagawa. Hindi mo mapigilan.

Sandali... did I just say, kapag may gusto lahat ginagawa?

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now