Sorry... Chapter 22

7K 81 34
                                    

 

Chapter 22

 

Clarice POV

 

I wonder bakit niya ako pinayagang i-add siya sa Facebook. Actually siya pa nga ang nagbigay ng idea sa kin para i-add siya.

But for now I just want to stop wondering why. Okay na sa kin kasi atleast kahit sa Facebook masasabi kong friends na kami! :)

Pakiramdam ko ang swerte ko lang! Haha. Kasi sa dinami dami ng readers at fans niya, isa ako sa nakakausap niya at nakaalam ng Facebook niya at nakakaalam ng true identity niya. (Eh di ako na talaga) Haha.

After ko siyang i-add siyempre eto na naman yung pagiging stalker ko. Chineck ko yung pictures niya, yung mga posts niya, posts ng friends niya sa wall niya, at kung ano pang pwede kong makita sa Facebook niya!

Wala naman ako masyadong nakita sa account niya, pero marami din siyang pictures. Nakakatuwa lang kasi pati highschool pictures niya nandun din.

Masasabi kong malaki na yung changes niya since then at ngayon. Pogi kasi siya dati! Haha. Ngayon cute na siya! :)

Message: 1

Sino pa ba ang magtetext sa kin kundi siya lang naman! Tsk.

From: Andrea

-Huy, nagiging stalker ka na naman. Masyado mo ng tinitignan yung account ko! -___-

 

(Feeling din talaga to eh! Pero sabagay totoo nga naman, nagstalk ako sa account niya. Malamang antagal ko din hinanap tong account niya, syempre lulubusin ko na! Haha)

Dahil as usual tinatamad na naman akong magtext, tinawagan ko na lang siya.

Tulad ng dati, kung ano ano lang ang napagkukwentuhan namin. At kung ano anong bagay lang ang tinatanong ko sa kanya.

Kahit naman may pagka-oneliner siyang kausap madalas okay lang, kasi gusto ko rin naman malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya.

Pero sa kalagitnaan ng pag-uusap namin…

“Fudge! Birthday nga pala ng kapatid ko ngayon! I almost forgot!”

 

“Huh?” Yan ang sagot ko kasi halos hindi ko naintindihan yung sinabi niya kanina.

“Wait lang, I have to go bye!”

 

Bago pa ko makapagsalita, naibaba na niya. Sayang naman gusto ko pa siyang kulitin eh! Tsk.

Pagkatapos naming magusap nagwattpad muna ko, nakakatuwa lang kasi dumadami na yung reads netong story ko! At dahil yun kay Andrea!

Saglit pa lang ang nakakalipas pagkatapos ang paguusap namin ni Andrea, bigla na naman siyang pumasok sa isip ko. Kaya bumalik na naman ako sa Facebook niya. (Wala ba akong kasawa sawa?)

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon