SPECIAL CHAPTER: M-I-K-E

55.9K 587 28
                                    

This chapter is dedicated to missaffection. Thankyou sa pagpm sakin dear, super natuwa akong nakausap kita. Pakisabi din sa ate Trixie mo, salamat sa pagbabasa ng story ko. I love you! Godbless! :*

~~

SPECIAL CHAPTER: M-I-K-E

Family means putting your arms around each other and being there.

Gab's POV:

"Hi kuya!" Masayang bati ko sakanya, tumango lang sya at hindi man lang ngumiti, "Ang sungit naman ng kapatid ko!"

"Gab, I'm busy" Sagot nya.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya, pinatong ko lang sa working table nya yung paper bag na dala ko. "Let's eat?"

Tinignan nya lang ako sabay balik ulit sa ginagawa nya. Napaupo na lang ako sa couch at tahimik na pinagmasdan sya.

Kuya, nagbago ka na talaga. Ano na bang nangyayari sayo?

Simula kasi ng umalis si Sena nag-iba na ang ugali nya, palagi na lang subsob sa trabaho, hindi ngumingiti, tahimik tapos bihira na din magsalita. Sa totoo lang, nag-aalala na talaga ako sakanya, kaso wala naman akong magawa.

"Why?" Naputol ang malalim na iniisip ko nang magtanong sya.

"Kuya, I'm here. Nandito lang ako, para sayo." Sabi ko saka ako tumayo at lumakad palabas ng pinto, ni hindi man lang sya sumagot.

Sana bumalik na yung dati kong kuya :(

Nalulungkot akong sumakay ng elevator, tulala at parang lutang. Iniisip ko kasi si kuya e. Nalulungkot ako dahil nagkakaganun sya.

"Gab pwede ba tayong mag-usap?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa gilid ko.

"Kyle?" Gulat na tawag ko sa pangalan nya. Napangiti lang sya.

"Kelan ka pa dumating?" Ang alam ko kasi nasa France sya e.

"Last month lang, answer my question Mrs. Tan." Sabi nya habang nakangiting nakatitig sakin.

"Sure" Lumabas kami ng elevator at napagkasunduan naming sa coffee shop na lang mag-usap malapit sa building.

"Kamusta ka na?" Tanong nya. Magkatapat kaming nakaupo sa isang table sa tabi ng salamin at kasalukuyang hinihintay ang order namin.

"Ayos naman, ganun pa din. Ikaw kamusta? Ang tagal mong nawala ah. Halos dalawang taon din yun.." Nakangiting sabi ko.

"Lalo kang gumaganda.." Napangiti ako lalo sa sinabi nya. Pero teka, wala man lang syang sinagot kahit isa sa mga tanong ko ah?

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon