Chapter 21

15.9K 172 9
                                    

Chapter 21

Medyo mabilis ang mga pangyayari, Obtober na agad-agad. Sports fest na din. Lalaban na Mr. Intramurals si Eris. Hahahaha! Akalain nyo yun? Eh pangit naman sya. Syempre siguro nauto nanaman sya nung tatlo nyang tropa. May pagka uto-uto nga kasi. Alam nyo na, abnormal. Haha!

“And for the 2011 Mr Intramurals goes to . . .” Sabay patugtog nung sound na drumroll para daw may thrill na halata nanaman nating lahat kung sino ang mananalo. LOL.

“Eris Peter Seonwoo of 4-A!” At nagtatalon sa tuwa yung mga tao at nagsisisigaw na parang worth it nga naman ang kanilang pagchicheer kanina.

Pumunta si Eris sa unahan na ngiting ngiti, feeling siguro nyan sobrang pogi na nya. Kahit uhhh, totoo naman? LOL.

Kinabitan na sya ng kung anu-anong kinakabit kapag nanalo sa mga ganyang pacontest. Pinahawak din sa kanya ang picture nya nung nagpictorial sila para sa contest at sabay pinicturan kasama ang Ms Intrams na 2nd year highschool.

Todo kapit naman si Ate, medyo asar. Sarap hilahin nung peke nyang pilik-mata.Huhuz.

Napatingin naman sakin si Eris, inirapan ko lang sya kahit super ngiti sya. Dyan ka na sa kapartner mong salagubang. Mukha naman syang nag-eenjoy eh.

Ahh bakit ba? Hindi naman nya ako girlfriend. Crush ko lang sya tapos mahal(?) nya ako sabi nya. Hahahaha wala lang. Sarap nun iparinig sa kapartner nyang todo kapit parin eh tapos na ang picturan at nililinis na ang kalat sa stage. Sana pati sya walisin na total mukha naman syang ano. Basta. (Medyo wala ng maisip na panlait. Haha)

“I won, mi love!” Sabay pakita sakin nung mga prizes nya na super ngiti na papalapit sa direksyon ko. Nakakalibadbad lalo pa at nakakapit parin yung partner nya sa kanya. Hindi ba sila uuwi ng parents nitong babaeng to para magcelebrate dahil panalo sila? Bakit nandito pa to? Itapon na to!

“K.” Wala akong masabi dahil ni ate, nakaka speechless.


“Ehh hehe ate Ylaine pwede papicture?” Sabay pacute sakin nung babae. Ohmygod! Gagawin pa akong photographer? Di pa ba sapat ang picture nila kanina ni Eris? Para ano? Mahalay nya ulit?

“Akin na yung cam.” Wala kong buhay na sabi. Ayoko ipahalataang nakakairita, baka matuwa si Eris malaman nya pang crush ko sya.

Nagtaka naman sya dun pero ibinigay nya kay Eris yung cam nya.

“Papicture nga po kaming dalawa ni Ate. Hihi.” Sabi nya kay Eris na ako naman ang nagtaka.

Uhh, ako ba talaga yung gusto nya makasama sa picture? Di ba sya nabibigla dun? Ohmygod, ang sama ko naman pala. <---LOL

Ngumiti ako. Ang awkward. Ewan, first time na may magpapicture sakin at hindi rin ako maalam ngumiti talaga sa pictures kasi hindi ako mahilig magpicture lalo pa at si Eris ang kumukuha ng picture. Tuwang tuwa naman sya at humiling pa ng  wacky. Pano ba yun? So… nag-peace sign na lang ako, yun lang alam ko eh. Huhu.

Pinakita nya sakin ang picture namin. Todo puri pa nga sya eh halata namang super scripted ang ngiti ko dun. Huhu. Gusto ko ipabura kaso baka ulitin ang picturan eh nangangalay na ako ngumiti. Huhu.

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon