Chapter 19

16.6K 221 13
                                    

Chapter 19

Mike’s POV

(Sorry, pinilit ko naman talagang si Ylaine lang dapat yung POV kaso wala eh. Hahaha!)

“Duh, lunukin nyang number nya. Kabadtrip na kalbong teacher yon.”

Wala lang, nababadtrip lang ako. Badtrip na nga ako kagabi, badtrip pa ako ngayon lalo, yung totoo baka patay na ako bukas sa highblood.

- - - “Anong ginagawa mo dito?”

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Komportableng komportable pa naman ako sa sofa ng mga Mendez tapos aarte sya ng ganyan sakin? Eh bakit nag-inarte din ang body system ko? Ba’t ako kinakabahan?

Si Zero lang naman yan!

Ex ko lang yan! Tch.

“Pakiaalam ka pa?” –Tinarayan ko sya. Syempre. Dapat malaman nyang di sya kawalan

“This is my house.” –Mayabang nyang sabi.

“This is your parents’ house.” –Pagtatama ko sa kanya.

“Anak ako.” –Pakikipag gigilan nya pa saakin.

“So? Ikaw ba naging pambayad para magawa ang bahay nyo?” –Ahh, wala na akong maisip sabihin. Pero ayokong matalo kahit waley yung pambara ko sa kanya. Mukha nyang panget!

“No. Pero ako naman ang magmamana nyan.” –Sya.

“Seriously? Pwede ka pang itakwil sa future. Hindi pa huli ang lahat.” –Ako.

“Whatever.” –Sya. Talo ko sya. Knockout.

Inirapan ko na lang ang likod nya kasi nakatalikod na sya at umaakyat pataas ng bahay nila. Edi sila na maganda hagdan, pumangit lang at may lecheng gagong umaapak dun paakyat.

“Ate Ella, handa na po ang pagkain.”

“Uhh Minchi, eh kasi ano . . . masama yung pakiramdam ko. Parang gusto ko nalang mag pahinga at matulog samin. Hindi ko na kaya eh. Uwi na ako.” Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at hindi ko na hinayaan pa sya magexplain. Basta ayoko na sa lugar na to. Di na ko babalik sa bahay na magmamana ng gago. - - -

Fraday. Balak ko sanang tumakas pero naalala kong last subject ko nga pala ang TLE at sya ang teacher ko kaya wala akong takas.Aish, nakakainis. Ba’t ba ako nababakla pag pinaguusapan ang grades ko. Ano ba yan

Kasalanan ko din naman, nakakatamad kasi ngayon. Basta parang nakakatamad unlike nung mga nakaraang school ko sinisipag pa naman ako. Ah ewan. Baka talagang di ko lang type ang ambiance. Ewan.

Habang nakasunod ako kay sir papalabas ng classroom, tingin tingin sakin ang mga kaklase ko. Leche, siguro pinagtatawanan na nila ako kasi sa ganda kong to wala akong shota. Leche talaga. Hindi ko makakalimutan sa tanang buhay kong ipinahiya ako ng teacher na kalbong to. Peste talaga.

Nandito nga kami pumasok sa faculty room. Kita ko yung mga tingin ng ibang teacher sa loob. Mga meaningful smiles. Sarap laslasin ng bunganga. Feeling ko pinagtirtripan lang kami ng mga teacher dito eh. Langya.

Tinignan ko ang mga candidates. Tangina, candidates talaga. Maganda sila pero ako parin talaga yung pinaka maganda. Nagpakilala silang Andy at Tin kahit hindi ko naman tinatanong. Pweh! Tapos may isang cute. Chinito type. Mga type ko. Tas yung isa Ice lang. Mukhang amerikano kahit hindi. Basta ganun. Nakakabadtrip tuloy, wala lang basta nakakabadtrip!

Oo na, ako na talaga ang OA, wala namang kinalaman yung dalawa sinasali ko sa kabadtripan ko. Leche talaga.May mapagbuntonan lang ng inis eh, no?

“Kulang pa tayo ng isa pa.” –Teacher

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon