Chapter 12

19.1K 212 18
                                    

Chapter 12

“Ylaine, nasa isip mo na ba ang pagboboyfriend?” Muntik ko na mabitawan yung hawak kong zagu. Nasa mall parin kami at hindi ko alam kung bakit uminit. Sobrang init ng pisngi ko. Hindi naman siguro sira ang aircon ng mall diba?

“Sang sulok naman ng utak mo yan naisip? Tss.” Sinamaan ko sya ng tingin.

“Ah ehh, wala lang. Ahhh, may nakaporma na bang iba sayo?” Ngiting ngiti nyang tanong.

“Seryoso ka?” Tanong ko sa kanya at pinanliitan ko sya ng mata.

Seryoso tinatanong nya yan?! Simula second year highschool ng mapansin nya ako. (Naks) Wala ng ibang lumalapit saaking lalaking pumuporma. Nalaman na lang ni Mike sa nagchichismisan na may binugbog daw yung grupo nina Eris sa likod na school. Dali dali naman syang nagpunta don sa likod at nakita nyang totoong may binubugbog sila at ang biktima nila eh yung nakapartner ko lang sa groupings. Rinig na rinig nya daw na binantaan nina Eris yung kagroup ko na wag na wag lalapit at poporma sakin dahil kung hindi, mas malala pa daw ang aabutin nya.

“A-alam mo?” Shock na shock pa sya nun na alam ko.

“Oo, alam ko na noon pa na patay na patay ka na sakin. HAHAHA!” Opo, tama po. Tumawa po ako at nagjoke sa kanya (Joke na totoo naman talaga. LOL) Kesa naman ma-awkwardan ako, naisip ko lang kanina na magpaka friendly na sakanya ngayong araw lang. Nakakapagod din tumakbo ng tumakbo at mainis sa kanya.

Ngayong araw lang naman eh. Tsss.

Kita ko naman syang namumula na parang hindi makalunok.

“Hoy, jinojoke lang kita.” Sabi ko.

“H-hindi. Sorry ha. Nangangailam ako.”

“Bakit ba kasi ngayon mo lang narealize edi sana matagal na akong may boyfriend. Hahaha!”

“Edi nasa isip mo na nga yung ganong bagay?”

“LUL.” Eto nanaman po ang biglaang pag init ng temperatura.

Nakakahiya kasi. Oo naman, nasa isip ko rin yun eh kasi naman! Nagkalat ang mga palabas sa tv at mga babasahin dyan tungkol sa love kaya parang nakaka engganyo. Tsaka ako pa, eh marami akong naging crush! Epokrita naman ako kung sasabihin kong ni minsan hindi ko inimagine na magiging kami nung mga crush ko. Wala din naman maniniwala.

“Ahhh Ylaine. May favor ako wag kang magagalit ha.”
“Oo nalang.”

“Pwedeng ano… kasi… wag mo na akong ano… sungitan… ano, babawasan ko na ang pagiging makulit. Promise! Wag mo lang akong sungitan.”

Nakikipag-kaibigan ba to? Baduy naman. Hahahaha!

“Ayoko nga.”

“Sige nanaman oh!”

“Inuutusan mo na ako eh.” Hahaha niloloko ko lang naman sya.

Narealize ko din naman. Ayos lang naman sya. Masama lang talaga ang timpla ko dati kapag nakikita ko sya kasi sobrang kulit nya at yun agad ang tumatak sa isip ko. Na makulit sya at nakakairita at di na yun magbabago. Kaya nasura na ako sa kanya simula non.

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon