Chapter 16

17.6K 221 5
                                    

Chapter 16

(After ng pagkakahila ni Eris kay Ylaine para yayaing magfishballs…)

Mike’s POV

Rinig na rinig ko pa ang tunog ng takong ni Ylaine habang hinihila sya ni Eris na nagpapahila naman sya! Hahahaha! Gusto din eh, ayaw pa aminin. Asar. Hahahaha!

And yep, nagtatakong sya ng sapatos kahit papano. Alam nya din yun! Haha!

“Okay dogs, time to go home!” Sabi ni Zero dun sa dalawa, kina Jake at Kris

“Hoy!!!” React nung dalawa sa sinabi ni Zero

“BAKIT?! NAGREREKLAMO KAYO?!”

“HINDI! Kulang lang ng “it’s”yung sentence mo!” –Kris

“Ahhh, good! Akala ko nagrereklamo kayong tinatawag ko kayong dogs.”

“Di ah! Bakit naman kami magrereklamo?!” –Jake

“TSS! Una na nga ako sa inyo!” At tumalikod na si Zero at lumakad palayo.

Ahhhh makauwi na din samin! Bakit ba ako natigil dito sa kanila at pinapanood sila eh wala nanaman akong business dito? Hayst—

“Sungit talaga non! Akala mo naman mas pogi sya sakin kung makaasta! Umbagan ko yun ng isa eh!” –Kris

“WEH?! Tawagin ko ha tas umabagan mo!” –Jake

“JOKE LANG! Siguro lang, kailangan na din nya ng lovelife kagaya ni pareng Eris!” –Kris

“Pwede rin! Teka—narealize ko lang, baka naman nagseselos sya kay Ylaine?!” –Jake

“Bakit? May gusto ba sya kay Ylaine? Oy kayo ha may inililihim na kayo saakin.” –Kris

“Tss! Ano ba yan?! Bakla ka ba? Dumistansya ka nga sakin! Ang tunay na lalaki, hindi chismoso!” –Jake

“Hindi nga! Chismoso agad?! Ang tunay na lalaki, hindi nambibintang ng kapwa bagkus inaalam nya ang katotohanan sa pamamagitan ng obserbasyon!” –Kris

Utang na loob! Sige magtalastasan pa kayo dyan! Kairita. Amp! Pati ako nahahawa dun sa nakakairitang deep-tagalog ni Kris!

Aalis na talaga ako! Bakit ba kasi ako nakikinig ng usapan tungkol kay Zero? Ew, ha!

“Oy Mike!” Nagpantig naman ang tenga ko sa pagtawag nila non sakin. Wala silang karapatan!

Napatigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanila ng narealize ko na hindi pala ako yung “Mike” na tinatawag nila kasi may papunta sa direksyon nilang isang lalaki na sa tingin ko ay siya si Mike na tinatawag nila. Nakakaasar kasi si Ylaine nasanay na tuloy ako sa Mike! Huhuhu Eww! Ako kaya si Mikaela, Ella for short! Huhuhu!

“Oh? Tinitingin-tingin mo?” –Kris. Tapos narealize ko na din na ako na yung tinatarayan niya. Watda? Bakla nga ata talaga to. Ew, gaylords.

“Pake mo?” Pagtataray ko rin sa kanya ng mas mataray pa sa usual kong pagtataray. Namutla naman sya eh. Ultragay.

“W-wala!” At inirapan ko na sya at tumalikod.

Che, kahit pa may itsura sya, hindi sapat na basehan yon para hindi ako mairita sa hitad na baklang yon. Mahilig lang ako sa pogi pero pag yung feeling F4 na ang pinaguusapan, (Excluding Eris, boto kasi ako sa kanya para kay YLaine.) nangingilabot ako na parang gusto ko ipaghahagis sa kung saan man lupalop ng mundo ang mga taong napopogian sa kanila. Eww kaya!

“Sungit talaga, parehas na parehas talaga sila ni Zero! Bakit kaya hindi naman silang dalawa ang ipagmatch-make natin kagaya nina Ylaine at Eris! Sigurado akong magki-click sila! HAHAHA!” –Hindi ko na tansya kung kanong boses iyon kasi nakatalikod na ako. Bahala sila sa buhay nila. Kung alam lang nila! Tss! Wag ko na ngang pansinin ang mga baklang yon! Kaurat!

Kalalabas ko palang ng gate ng…

“ATE ELLA!” Ohmygod! Yung boses na yun! Don’t look, Ella!

“HEY, HEY! ATE ELLA!”

Okay, nakagawa na din naman sya ng tawag pansin sa lahat ng tao, haharapin ko na lang.

“Minchi.” Kapatid sya ni Zero.

x—

“Buti na lang talaga ate Ella nakita kita kanina.” Sabi nya habang nakain ng icecream.

Sabi na nga ba, dito nya lang ako yayayain eh ayoko naman dito. May mga nakakairitang bata.

Pinagmasdan ko sya, maganda parin. Kamukha ni Zero na panget. Bagay na bagay sakanya yung uniform nya na uniform ko din dati nung di pa kami palipat lipat ng school ni Ylaine.

“Hmm ate Ella, bakit nga pala hindi ka na pumupunta samin? Ang tagal tagal na. Nagtatampo na ako sayo pati si Cha-cha.” Si chacha naman yung walang kwenta nyang Barbie doll. Hello? Second year highschool na sya ngayon at nag ba-barbie pa sya? Hello?!

Well, hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Ang sakin lang eh ayoko na magkaroon ng kahit anong connections kay Zero. Duh, nakakahiya lang isiping naging kami dati. Ay oo, naging kami dati. First year kami non. Kabwisit na past yan. Past is past na nga dapat hindi na iniisip sa present!

“Ahh, busy eh. Graduating.” LOL, at kailan pa ako naging maayos kausap at kailan pa ako naging concern sa grades ko?

“Okay, okay, sabihin mo lang sakin yung papasukan mong college mag-aapply din ako dun!” Ngiting ngiti nya pang sabi at ngumiti na lang din ako. Haayst, ewan ko din ba sa maganda kong sarili, bakit ba kailangan ko pang idamay dito si Minchi eh kaibigan ko naman sya. Ano ngayon kung kapatid nya si Zero? Ikapapangit ko ba yun? Syempre hindi. Hindi naman mawawala ang kagandahan ko. Hahaha!

“Ate Ella, tara na.” Hinigit nya naman ako.

x—

Hindi ko alam. Wala akong maalala. Alam nyo yung para kang tulog na gising tas nung nasa ulirat na ako, nasa bahay na ako ng mga Mendez. Wait, What the…? Ano ko, nahypnotize?

“Minchi, uwi na ako.”

“Luh, sabi ni mommy dito ka na nga daw maghapunan! Magtatampo na talaga yun sayo!” Luh, kailan pa yun sinabi ng nanay nya? Ba’t lutang ako? Yung totoo? Biglang naging tanga, ganern?

Napaupo na lang ako dahil gusto ko lang. Ganda ko talaga kahit anong gawin ko. Ge. De, ang totoo nyan kasi bigla ko lang naamoy yung niluluto ng nanay nila, si tita Emily. Iniikot ko ang tingin ko sa buong bahay, wala namang masyadong nagbago maliban lang sa mangilan-ngilang nadagdag na pandisplay sa bahay. Sabagay, almost 3 years pa lang naman akong hindi napapadpad dito eh.

Habang nagiikot ako ng tingin, nakita ko bigla yung picture frame na Mickey at Minnie mouse na nakalagay din dun ang picture namin dati ni Zero nung masaya at inlove na inlove pa kami sa isa’t isa. Buhay pa pala yon. Pakshet na picture frame ka.

Naaalala ko tuloy ang lahat dati…

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon