Chapter 3

25.8K 348 15
                                    

Chapter 3

"Hayiee~!" May babaeng nakatayo sa harap ng aming klase. Hindi naman sya kagandahan, mukha lang mayaman. Ice na din patulan ng mga lalaking may matinding pangangailangan. Mayamanin nga kasi. Haha. Ginawa daw bang bangko? XD

Inikot ko naman ang paningin ko, halos lahat ng lalaki, naglalaway sa binti nung babae kasi maikli yung palda ng school. At oo, sa binti lang, wag ng titingin sa mukha. Mga hipon-type na babae ito ganun. Yung mga babae naman, mukhang wala namang pakelam yung kaunti pero yung mga karamihan mga nakangibit at mukhang sinusuring maiigi itong bago.


Ewan. Siguro nasesence din nilang maarte yung babae. Kagaya ko na may mga senses din (Ano daw? XD) eh nasense ko nga na isa sya sa mga kakasurahan ko sa school na ito. Syempre, marami din akong kinasusurahan. Bale apat ang kinasusurahan ko (Yung Feeling F4) at number one syempre si Eris Peter Seonwoo, wag ng magtaka.

"Err, I'm Dianna Barrameda, as you can see, I'm not gorgeous, I'm a goddess.” Sabi nya pa habang finiflip yung dulo ng buhok nyang halatang artificial kulot (kinulot lang). At nabalot ng madilim na aura ang mga babae, mukhang nainis. But come to think of it, nakakainis talaga at ang sarap nyang isilid sa aquarium. Mukha kasi syang tilapiang coca-cola ang body.

"Uhh, hehe. Uhm, pwede ka ng maupo. Hehehe." Wari ko'y na-speechless yung adviser namin na nakalimutan ko nanaman ang pangalan. Naks, lakas ko naman daw dun maka-Wari.

"Duh, I'm not yet done pa kaya with my introww!" Sabi nya ng nakanguso habang nakataas ang kilay at patuloy parin sa pagflip ng tip ng buhok nya. Medyo nababadtrip na ako sa kanya kasi basta! Nakakabadtrip lang. Mukha syang calculator. Wala lang, yun yung unang pumasok sa isip ko eh, calculator.

"Ah. Hehe, go ahead. Ituloy mo lang. Hehe." Teacher.

"As you can see girls, hindi ko naman maiwasan magkaroon ako ng err.. basta allergic talaga ako sa mga insecures and such. So please, paki down naman ng mga eyebrows nyo, as if ikakagaganda nyo yan. As if mapapantayan nyo ang kagandahan ko. Hmp!"

Hindi na nga sila nakataas ang kilay pero nakangibit naman na parang asar na asar sa kanya tapos sya, ngingiti ngiti pa. Hindi makaramdam ano? Pang-asar talaga. Well, gumagana ang isasalvage-kita-pag-di-ako-nakapagtimpi hormones ko. At opo, nagiging brutal na ako simula ng guluhin ang pagkatao ko ni Eris. Juju. Wala ng kapayapaan ang life ko. Isisi nyo sakanya ang lahat. :(

Pero mabait po ako. Itanong nyo pa sa mga teachers ko nung kinder. Swear!

"And oh, don't dare to mess up with me, even you my dear teacher. Bukod sa pamangkin ako ng may ari ng University, fiancee ko pa si Eris Seonwoo. You know him right? Nakakainggit diba? Sobrang ganda ko! Sakin ang transferee na pinagkakaguluhan nyo kagad. Ang cheap nyo lang. Asa namang papatulan kayo non.”

"Ah. Hehe, uhh.. tapos ka na? Hehehe." Sabi naman ni teacher na mukhang natataeng ewan.

"Why? You want me out na here in front?!" Ugh, why so conyo?!

"Di naman. Hehehe."

"Tch. I'm through. San ba ako uupo?"

"Sa likod na lang kasi yung vacant eh."

"So? Ibig mong sabihin yung ibibigay mo saking seat ay yung tira-tirahan?! Oh come on! Tito ko nagpapasweldo sayo!"

"No offense ha. Pamangkin ka lang ng may ari, wag mo kaming artehan ng ganyan."

Ahh, sht sht. Naghahanap pa yata ng away si Mike! Ayaw ko naman talagang nakikipag-away kami pero bakit masaya ako?! Icrimate ng buhay si Diana!

Napatawa naman yung iba tapos mukhang napahiya naman si Diana.

"No offense din ha, hindi ako kumakausap sa alipin!" Dina

"Wow, parehas lang naman tayo eh. Buti nga kinakausap pa kita." Mike

Yung teacher namin mukhang di alam ang gagawin. Mukhang tense na tennse sya. Mukhang wala syang magawa.

"You!" Dina

"Mikaella Fernandez, ang iyong kamahalan. Wahahaha!!" Boom! Nakakahiya. Tapos nagtawanan naman ang mga kaklase namin. Kahit korni. >3<

"Alam mo Dianna, maupo ka na lang dun sa bakante. Nagbayad kami ng tuition para mag aral hindi para sambahin yang kaartehan mo. Leche lang. Feelingerang may ari ng school."

At ayun, padabog namang lumakad si Dianna sa likod na mukhang walang nagawa. At, naupo. At nagsimula na ang klase. Pero nakakainggit lang kasi katabi nya si Prince. Huhu. Tas mukhang type pa ni Prince kasi naman nakatingin lang sya kay Diana ng pasimple, and it hurts. <///3

Sa kalagitnaan ng klase, parang napapatawang ewan si Mikaella. Pagtingin ko sa kanya, may hawak hawak syang papel. Siniko ko naman sya at napatingin sya sakin. Tingingnan ko sya sabay tingin sa kapirasong papel na hawak nya. Napa 'pfft' naman sya at binigay sakin yung hawak nya.

Sa color yellow na sticky note, na may pink na tinta ng ballpen nakasulat ang:

"You're so yabang! You look like a hampas lupa naman eh! What's your ipagmamalaki ba?! You better watch out dear, I'm on the 13th rank on the gangster world. -DianaGoddess."

Uhhh. Kdot. (Speechless Forever)

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon