Chapter 9

19.9K 240 47
                                    

Chapter 9

Hindi ko alam kung paano o kung anumang sinabi ni Mike pero totoo. Papalapit dito samin si Prince tapos suot suot nya parin yung malaki nyang eyeglasses na nakakapag-pakilig lalo sakin. Ohmygod.

“Hoy Ylaine, goodluck. Sana maturn-off ka na ha. Last na kasi yan diba sunod aakitin na natin sya para ligawan si Diana. Wahaha!” Sabi nya tapos sya na yung sumalubong kay Prince at inalalayan papalapit sakin.

Parang sa altar lang pero baligtad.

“Prince, si Ylaine. Ylaine, si Prince. Okay, shakehands.”

“Kilala ko naman sya eh, classmates kami.” Sabi ko pero nakipagshakehands ako. Sayang din ang opurtunidad na mahawakan ang kamay nya diba.

“O-oo.” Sabi naman ni Prince.

“Prince, ito yung promise ko. Napakabait talaga nitong si Ylaine para maisipang tulungan ka kay Diana kahit na napaka sama ng turing nya samin. Hayys. Ang bait namin no?” Sabi ni Mike na hindi ko alam kung anong ipinapahiwatig.

“Anyway Prince, si Ylaine ang magiging instructor mo. Diba Ylaine?” What the….? Hindi ko nga alam ang gagawin ko nakakaasar talaga si Mike!

“Y-yeaah.”

“So Prince, goodluck!” Umalis na sya sa landas namin.

Tumunog bigla ang cellphone ko.

From: Mike

Alam ko, mukha kang tuod today kasi hindi mo alam ang gagawin mo. Hahahaha! Kaya ang dapat mong gawin muna, sabihin mong ang step1 ay mag-ayos muna sya. Imakeover mo. Utang na loob paalisin mo yung salamin nyang makapal. Alam ko namang kaya mo lang sya crush dahil don. Pumunta kayong mall. Mayaman naman sya. Pag walang dalang pera yan, mayaman ka naman din. Hahahaha! Goodluck! :D

Aish Mike! =__=

“Prince.” Tinatry ko talaga ang lahat ng makakaya ko para hindi mautal.

“B-bakit?”

“May pera kang dala?”
“W-wala.”

“Rule number 1, wag kang mautal utal sa harap ni Diana. Kaya nababaklaan sayo yon at di ka magustuhan eh. Tss.” Ohmygod. Gusto kong sungalngalan ang sarili kong bibig sa pag-aalipusta ko sa kanya sa harap nya mismo. Minus points na ba? Huhu.

“O-okay.”

“Try it with me. Isipin mong ako si Diana. Kapag nautal ka, magpapabayad ako sayo.” For free kasi ang make-over kuno na ito. Tsss.

“Okay, Ylaine.” Sht. Ang pogi nya lalo pag di nauutal.

“Very good! Now, balik tayo sa topic kanina. May pera ka?”

“Akala ko ba wala tong bayad.” Ahhh, nakakanosebleed ang di nya pag-utal. Ohmygod!!

“Okay, dahil mukhang successful ang Rule no. 1, punta na tayo sa rule no. 2. Make-over. Kilala mo si Eris?”

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon