Chapter 5

23.1K 288 29
                                    

Chapter 5

“Ay ultra feeler! Naasar na talaga ako sa kanya Ylaine, alam mo yon? Maasar ka din para pantay tayo! What are friends are for diba?!”

Oh diba? Tinuruan pa ko mainis sa iba? -__- Ang BI din nito masyado minsan. Pero di naman na nya ako dapat diktahan mainis dahil surang sura na ako.

Dumating yung next teacher namin tapos sabi nya hindi daw makakapasok si Diana kasi masakit daw yung ulo. Labo, pano yun? Diba dapat gumanti na lang sya kay Mike at pinaguidance? Mga ganon.

“Ylaine.” Bulong sakin ni Mike habang nakatalikod yung teacher namin at may sinusulat sa board.

“Hm?”

“Nalusutan daw nung apat yung nangyari kay Diana. Sila yung nagpaalam kay Mam. Wew! Text sakin ni Zero. Sabi na patay na patay sakin yon at may number nya ako. Hahaha!”

At napatingin sakanya yung ibang malapit sa upuan namin. Kung titingnan siguro sa point of view ng iba, mukhang naposses na tong si Mike. Muntanga kase. Sobrang saya. Ewan ko ba ang kinasasaya nito kung yung nakalusot sya sa guidance o dahil may number sya ni Zero or… both? Pwedeng yun nga!

Napatingin ako bigla kay Prince sa likod. Okay! Sinadya kong tumingin. Ang pogi nya talaga. Syempre kung may inspirasyon si Mike, dapat ako din mainspire ngayon. Damay damay na to. What are friends are for sabi nya nga! Haha!

Napatingin naman sya bigla sakin tapos… Waah! Nakakahiya yon nahuli nya akong tumingin. Feeling ko pulang pula na ako right now tapos nabibingi pa ako sa boom boom ng puso ko! Wahaha! Inlove na yata ako sakanya! Astig!

“Anyare sayo?” Tanong ni Mike sakin.

“Wala!” Iiling iling ako pero hindi ko mapigilang ngumiti. Inirapan naman nya ako.

“Whatever! Mukha kang napoposses!”

“Haha! Wala nga!”

x---

“Luh! Ano yan? Ba’t ka may boom boom?” Bungad kagad sakin ni Mike ngayong umaga na may pagturo pa sa kaliwa kong pisngi. Tss. Anong boom boom? Eh tagiyawat naman to. Ulul.

Nilagpasan ko sya. Ito yung pinakaayaw ko sa lahat tapos nasa pisngi pa. Kase diba may tendency to magpeklat. Ayoko nito. Huhu.

“Naibig ka na no?! Naaapreciate mo na ba si Eris kasi dumating si Diana at natatakot kang maagawan ka nya sa puso ni Eris?! OHMYGOD! Sasabihin ko to sa kanya! Ohmygoood! Erraine forever!”

Shet. Ayan nanaman po yung Erraine. Nakakaumay na yon nabuhay pa ulit. Yon daw eh Ylaine plus Eris mga pauso nya karume. Matagal na yon eh naalala pa. Kung kailang badtrip na badtrip ako.

“Tss. Hindi. Asa na naman!”

“Weh? Ganyan kaya yong mga napapanood at nababasa ko. Hahaha! Hindi mo ako malilinlang!”

“Psh.”

Hindi nya ako tinantanan at tinutusok nya naman ang tagiliran ko. Mejo masarap ng mamugot ng ulo ng bestfriend.

“Utang na loob! Tantanan ako!”

“Eeee! Umamin ka muna!”

“Shet. Oo na may crush na ako!”

“Sabi-------“

“HINDI SI ERIS, UTANG NA LOOB!”

“Highblood agad?! Di naman kita aasarin basta aminin mo lang. Wahaha!”

“Iba nga sabi. Si Eris lang yung lalaki sa mundo, yong totoo?”

“Weh? Eh sino?”

“Wag na. Alam ko namang malaki yang bunganga mo. Tikom mo din minsan kase. Tss.”

“See! Wala ka lang maidahilan!”

“Si Prince nga kase!”

Aish! Buti na lang wala pang tao masyado sa room. Kung meron man yun yung mga walang pakialam sa buhay. Buti na lang talaga.

“HALA BAKIT YON!? WAG YON!!”

“Ouch!” Nganganga din kase ako para magsalita kaso pumutok yung boom boom ko. Nabanat siguro kakasalita ko. Huhuhu. Kadiri naman. Peks!

Kinuha ko naman na yung panyo ko. Nakakahiya naman kase kay Mike diring diri akala mo naman wala syang ganito. Wala naman talaga puro lang blackheads. XD

Pagkatapos kong linisin ang kalat ko sa pisngi, hindi na ako tinantanan ni Mike kakakompronta. Nakakahalata na ako dito eh, masyadong bias. Maya maya yung mga 10 minutes na lang bago mag-time, papuno na ng papuno yung classroom. Sayang saya naman ako kasi pumasok na si Prince. Wehehe.

Agang pabadtrip lang ng buhay kasi pumasok na si Diana na may grand entrance. Pinagtitinginan kase sya ng mga kaklase namin kahit na nung mga hindi ko kilalang estudyante, kita ko kasi sa pintuan bago sya pumasok napapalingon sa kanya ang mga tao. Well, syempre stunning kasi sya! Wahaha joke. Agaw pansin lang yung blackeye nya.

Isa ko pang napansin, nakakuha agad sya ng mga uutuin nya. Aba’t may tropa agad na halata namang nagpaplastikan at nagpapagandahan lang ng mga bag at sapatos. Yong totoo? Tumingin sya sa part ng inuupuan namin ni Mike at inirapan kami. Hahaha.

“Ganda, ah! Blooming ka ata ngayon Diana.” -Mike

“Whatever!” Inirapan nya lang kami. Pikon na sya ganon? Bilis.

“San namang boutique ng paris mo nabili yang accessory mo? Ganda. Instant Dalmatian.” Kunyaring naaamaze pa ang tono ni Mike. Pang-asar na bakla talaga to.

“My gosh! Iniiwasan ko na nga makipag-fight sa inyo kasi sabi nina Eris KO! You are--- you are--- Inuubos nyo ang pasensya ko!”

Katangahan pa ni Mike, nginitian lang si Diana ng pang-asar. Kaya kita kong halos mapaiyak na si Diana sa inis. Kung ako naman kasi, maiinis talaga. Nakakainis kasi talaga yung pang-asar na ngiti ni Mike. Sarap batukan kung hindi nga lang hindi nya inaasar si Diana ngayon.

“Don’t just you know… uhh… wait, ano ngang English don? Aish! Wag mo na lang silang pansinin, girl!”

“Yeah right!”

At sabay sabay kaming inirapan ni Mike ng mga “followers” ni Diana. Natatawa na lang kami ng sarilinan, dumating na kasi si Mam.

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon