Chapter 14

18.2K 208 15
                                    

Chapter 14

 

Umagang-umaga nakasalubong ko kaagad sina Prince at Diana na naglalampungan sa gitna ng hallway. Sa gitna nga, totoo dun sila nakatigil. Promise.

Mukha silang tangang dalawa na nag-ngingitian ng wagas dun na feeling ata nila nasa gitna sila ng schooting na madaming kinikilig sa kanilang ‘fans’ kahit na ang totoo, kanina pa sila pinagtitinginan ng mga estudyante ng may pandidiri. Mukha kasi silang tanga talaga don.

Utang na loob! Nakakadiri talaga. Ahh! Bakit ngayon ko lang narealize na nakakadiri talaga ang mga PDA? Lalo na pag silang dalawa kulang na lang mgakaroon ng live porn sa hallway. Jusko. Nakakabadtrip.

Anyway, hindi ko alam kung may anong magic pero hindi na ako nahuhurt makitang magkasama silang dalawa. Napalitan na ng pandidiri. As in, ew! Bat di pa sila tumigil ng pag-aaral at maglampungan na lang sa bawat sulok ng mundo. Namnamin nila ang isa’t isa sa gitna ng damuhan, pagulong gulong forever. Basta! Sakit sila sa bangs!

Napansin ko naman na may kanya-kanyang hawak na portfolio ang mga estudyante pati si Mike na papalapit sakin. Haha, meron din naman palang ganun yung school na to eh. Damal! (Dami Alam)

“Abaaa, glowing!” Ngiting ngiti na sabi sakin ni Mike.

“Glowing?” Dang, ano ko si Edward? Magliliwanag? Duh.

“Yung maganda kasi inlove!”

“Lul, baka blooming. Tss.”

“OO YUN NGA! Baket?! Magkatunog naman ah!”

“Ingay mo, may bagong bili akong stapler baka gusto mo itry ko sa bibig mo.”

“Gusto mo lang mapabinyagan yang stapler mo sa isang magandang kagaya ko pero no thanks.”

“Pero Ylaine, blooming ka nga. Tapos nagdidisapearing act na ang yong mga boom-boom!”

Ay oo, napapansin ko nga eh. Pero meron pa naman kaso maliliit na lang.

“Naks, galing talaga ni pareng Eris!”

“Kinalaman ng siraulong yun?”

“Azez! Siraulo daw pero inlove naman dun. DUH.”

Para akong nakuryente sa sinabi ni Mike. HALA! Porket nasarapan lang sa halik sa noo inlove na agad?! Di pwedeng semi-crush muna?

“Ew, ultragay.”

“Whatever, Ylaine!” Tapos inirapan pa ako.

Naglalakad na kami papuntang classroom. Duga talaga ni Mike, sya pabasa basa na lang nung portfolio nung school tapos ako may malaki pang bagpack sa likod. Kung hindi nya kasi ako hinarang sa gitna edi sana nasa room muna kami at dun nalang nakipag kwentuhan.

“Luh, Ylaine, nainform ka ba dito?” sabi nya sabay pakita nung picture ko sa portfolio. Nasa gitna sya at page 125. Hindi ako nainform dyan! Diba stealing yan? Pero ang ganda ko dyan kaya oks, pero san ba nila nakuha yan?

“Hindi eh, ano bang nakalagay?”

“Face of the sem SY 2011. Nuks!” Luuh? Hahaha nakakatawa naman yon. Ganda ko eh.

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon