Chapter 13

18.7K 211 17
                                    

Chapter 13

Ahh, ako talaga yung taong tinatamad magkwento pero nasasarapan lang makinig sa kwento ng iba. Nakakatamad kasi magsayang din ng laway minsan. Pero dahil napaka kulit nitong si Eris at medyo naoverwhelm naman ako sa kanya, okay. Ikukwento ko na lang din. Dami ko pang satsat, ganon.

“Uy?”

“Atat na atat ka?”

“H-hindi naman.”

“Tss.”

“Ganto kasi yon. Noong bata ako, maldita ako. Dati lang. Maldita ako nung bata kasi masarap magtaray. Lalo na dun sa mga kaklase ko dating feeling maganda na masama makatingin sakin kasi kuya ko ang kuya ko. Imaginin mong pagselosan ako ng mga kaklase ko sa kuya ko. Swerte ko daw kasi nakakahalik ako at nakakayakap sa kuya ko. Pero diba, yuck. Kapatid ko yun eh. Hindi naman ako incest. Ahhh, nakakakilabot talaga balikan yung ganong kwento.”

Humigop muna ako ng zagu. Tapos pagtingin ko naman sa kanya, nag-aabang lang sya ng sunod na kwento. Actually, tinitignan ko lang naman talaga kung interesado talaga sya kasi pag hindi naman talaga, di ko na itutuloy. Mahaba kasi at tinatamad akong magsalita. Pero nakikinig naman sya, ice na din. Itutuloy ko na lang.

“Tapos nung tumuntong ako nung grade 5, hinatid ako ni kuya sa school whick is ayaw na ayaw ko kasi nakakairita lang yung mga school mates ko. Imaginin mong alam na agad lumandi bata palang. No choice kasi nagkasakit yung driver namin. Badtrip na badtrip ako lalo na nung nasa school na yung kotse nung kuya ko. Sabi ko naman sa kanya na wag syang bababa para hindi na magingay pero bumaba sya para sya na yung magbuhat nung mabigat kong bagpack papuntang classroom. Sobrang asar ako nun kasi andami nanamang lumalapit sakin para humingi ng picture ng kuya ko para ilalagay daw nila sa ID nila and such. Tapos may isang lalaki naman na kaklase ko na sabi nya napaka pasikat lang daw ng kuya ko. Naasar ako syempre. Yun kasing kaklase kong yun, feeling pogi at gustong gusto nyang sya lang ang kababaliwan ng mga babae. Natapakan siguro sya kaya naasar sa kuya ko. Basta ang dami nyang pinagsasabing hindi naman totoo tungkol sa kuya ko kaya hindi ko napigilan at sinuntok ko sya. Hindi ko nga akalain na malakas ako sumuntok kasi first time kong sumuntok. Siguro naipon dun sa kamao ko yung inis kaya nahimatay sya at nagkablack eye ng 1 month. Pagkatapos nun, Malaya na ulit akong maihahatid ni Kuya kasi takot nang lumapit sakin ang mga babae para kulitin ako tungkol kay Kuya. Kumalat yung pagsuntok ko sa kaklase ko. Alam mo na, madali talaga kumalat ang chismis.”

“Huh? Eh nasan dun yung part na naging gangster ka?”

“Hindi naman talaga ako gangster, para sakin hindi talaga. Nung first year, isinama ako nung kaklase ko sa CORE kasi nabalitaan nya yung nangyari sakin nung grade 5 ako. Sumama ako kasi wala lang. Naki-minggle lang ako kasi bagong school diba, kailangan ko din ng kaibigan. Yun palang CORE na yun e kuta ng gangster. Nalaman kong feeling-gangster sya at ayaw syang pasalihin dun kasi hindi sya magaling masyado. Ang kasunduan daw, pag may nadala daw sya ng malakas eh pasok na sya at pwede na syang lumusot. Dun ko nalaman na ginamit nya lang ako kaya sinuntok ko sya ng malakas. Siguro naipon ulit yung inis ko sa kamao ko. Ayoko pa naman ng ginagamit ako. Kaya nga hindi ako masyadong nakikipagkaibigan noon sa school ko na yun kasi nga gagamitin lang nila ako para mapalapit sa kuya ko. Tapos yun na nga, Nahimatay yung kaklase ko sa suntok ko at nagulat yung lalaking ewan. Baka dun magpaparegister? Kung may registration nga. Basta bago ako umalis. Sinabi ko na ibigay na nila ang gusto ng gago kong kaklase kaya yata kinabukasan kahit may blackeye sya eh pumasok sya sa school at pinasalamatan ako kasi tanggap na daw sya. Hindi naman din pala sya nahihiya magkablackeye kasi daw ‘cool’ TSSS.”

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon