Chapter 6

22.1K 274 62
                                    

Chapter 6

 

 

Yung totoo? Ang issue ko talaga ngayon ay ang mga peste kong tagihawat. Oo, MGA tagihawat. Dalawa na po sya. Yung isa sa ilong. Huhuhuhu! Hindi ko kasi maiwasang hindi muna imaginin si Prince sa gabi bago matulog. Huhuhu bakit ba?! Teenager na nagkakacrush lang naman ako. Huhu.

“Ewww!” Sinimangutan ko lang si Mike tapos hihipuin ko na sana ang tagihawat ko pero tinapik nya ang kamay ko.

“Lalo yang lalala. Yuck, ayusin mo nga yang mukha mo Ylaine.”

“MI LOVE!” Napalingon naman kami ni Mike sa left side. Dahil nasa left yung isa kong bundok na tagihawat, naaaninag ko sya ng konti. Ba’t ganon?! Ganon ba talaga yon kalaki? HUHU.

“Ay Ylaine! Magtago ka! Hindi ka pwedeng makitang ganyan ni Eris. Baka maturn-off!”

“TALAGA?!” Nagliwanag naman ang mood ko. Chance ko ng maturn-off sakin si Eris.

Palapit na dito sa direksyon namin si Eris. Ngiting ngiti pa ako. Sa totoo, walang halong biro, ngayon lang ako naexcite makita si Eris sa tangang buhay ko. Sasalubungin ko pa sana si Eris with all my heart exposing mg boom-boom nang bigla naman akong hatakin ni Mike papuntang likod nya para takpan ako! Huhu. Ang unfair! Dati pinupush nya ako kay Eris tas ngayon inilalayo nya ako? Unfair! Huhu.

“Mikaela, si love? Nakita ko sya eh.” –Eris na ramdam kong ngiting ngiti. Lagi naman. LOL.

“Wala. Haha umalis.” –Mike.

“ERIS NANDITO AKO!”

Lumabas naman ako sa likod ni Mike at wala syang nagawa. Gulat pa yong mga kasama nya kase parang ako yung habol. Asa. Ngiting ngiti naman sakin si Eris at ako din. Sumide-view pa ako ng pakaliwa para makita talaga yung pimples ko.

Nagblush naman si Eris. Akala yata nagpapacute ako sa kanya. LULMO. Umasa ka!

“Aish! Why do you have to be so beautiful all the times?” Sabi nya sakin. Ewan ko din. Lahian lang yon eh. Wahaha! Atsaka bakit ba sya English ng English? Porket graduate sya ng school ng englishan ng englishan ang tao nong kinder? Opo, kinder pa yon. Sinabi kasi sakin nina Zero yon eh hindi ko naman tinatanong kase wala naman akong pake.

Nagkibit balikat na lang ako habang nakangiti pa din. Ang tagal naman nyang mapansin ang pimples ko ng maturnoff naman sya sakin. Maya maya eh bumaba ang tingin nya sa pisngi ko. Tapos mas lalo syang ngumiti. Pagtatawanan nya na ba ako tapos marerealize nyang ayaw na nya sakin? Waha!

“Pimples? You keep on thinking me all the times?” –Eris na ngiting ngiti.

“Sabi sayo kase pare eh! Nagwork yung plano ko!” –Jacob

“Oo nga! Galing! Namiss ka na din ni Ylaine sa wakas!” –Kristopher

Tapos naghigh-five pa silang tatlo habang ngiting ngiti. Si Zero naman nakatingin lang sakin na nahahalatang hindi naman talaga ganon yung ibig kong sabihin. Ako naman napafacepalm habang iniiwasan ko din masagi yung pimples ko. Kadiri kase talaga pag pumutok yun.

“Ice yan. Para maturn-off si Eris? Alam mo Ylaine, wala ka talagang alam sa nararamdaman nya. Hindi mo alam kung gano ng kalalim ang pagkagusto sayo nun. Wala na atang bagay na makakapagpabago ng isip nya sa nararamdaman nya para sayo.” Sabi ni Zero na ewan at kinilabutan ako.

Napatingin naman ako sa tatlo lalo na kay Eris na saying-saya sa pimples ko. Nakakaulol lang.

“Ylaine, wala talaga kahit konting alam mo na? Kahit semi-crush? Hindi ka man lang nakapakiramdam ng ganon? Tss. Babae talaga, mga manhid.” Napatingin naman sya kay Mike na napaiwas ng tingin. Ahh, ano ba talagang meron sa dalawang to.

“Drama mo!” Tamo yung babaeng yon. Nakuha pa talaga mang-asar kahit na alam naman nyang pinatatamaan sya ni Zero. Feeling ko lang naman yong patama. Magulo naman kasi silang dalawa. Sila lang naman nagkakaintindihang dalawa. Bahala na sila. Malaki na sila.

“YLAINE.” Sabi ni Zero para sabihing ako yung kinakausap nya at hindi si Mike. Medyo napahiya don si Mike tas namula. Gusto ko sanang tumawa kasi hindi bagay sa kanya mamula. Para syang babae. Hahaha. Babae naman talaga sya hindi lang bagay kasi para syang hindi babae. Hahaha. Basta ewan magulo. Gustong gusto ko na tumawa kung hindi lang ako manhid na alam kong may tension na sa dalawa. Lakas lang maka pang serious-kwento ng word na tension.LOL.

“Hoy Zero! Ano kaya tara magcelebrate! Tara magcutting!” –Kris.

“Tara, tara na lang tambay quantum madami din don chix eh.” –Jacob.

“Pass ako.” Sabi ni Zero sabay alis na papalakad sa malayo pero sinulyapan muna si Mike na pokerface.

“Hala, ayoko nga. Pinagmumukha nyo naman akong hindi mabuting tao sa harap ni Love. Wag ganon. Pass din ako.” Sabi naman ni Eris na lumapit sakin sabay akbay. Argh. Inalis ko naman agad yung akbay nya.

“Hindi daw masamang tao pero hindi naman sinuway yung mga kaibigan magcutting.” Sabi ko sa kanya. Namula naman sya na parang narealize na tama ako at the same time nahihiya sakin dahil palpak sya at baka maturnoff ako. Ganon yung itsura nya at natatawa ako pero hindi ako makatawa kasi baka isipin nyang napapasaya nya ako. Yuck.

“Hala! Kri----“ Pinutol ko na yung pagtawag nya sa dalwang kaibigan nya para mapigilan.

“Joke. Uto-uto.” Sabi ko sa kanya. Baka sa ganong pang-aasar ko sa kanya maturnoff naman sya. Lalo naman syang namula. Galing ko. Hahaha! Suko na yan sakin!

“Hala, mi love. Ang saya ko lang. Inaasar mo na ako. Ibig sabihin, may improvement. May pagasa ako!” Laki naman ng ngisi. Yong totoo?! HUHUHU. Feeling ko namolestya ako kahit hindi. T^T

“Aish tara na nga Mike!” Sabay hila ko sa kanya pero natatawa lang sya at hindi nagalit sa pagtawag ko sa kanya ng Mike. Tawa tawa ka dyan akala mo naman hindi sya mukhang nakakatawa kanina.

Lumingon pa ako kay Eris na nadon parin sa pwesto nya at ngiting ngiti.

“AYIIIE Ylaine! Nagkakaron na ba ng konting realization dyan, huh?” Naasar lang ako kay Mike at iniwan ko syang tumatawa. Seriously, walang nakakatawa.

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon