Chapter 8

20.2K 241 21
                                    

Chapter 8

“Eh bat ganon, di naman nagbabago ang mga pimples ko?” Hinawakan ko yung isa at napangiwi naman ako sa hapdi, isa pa, nakapa kong malaki. HUHU.

“Bobo. Syempre di agad yun mawawala!” Sinimangutan ko naman sya. Alam ko naman yon kaso eh naghahanap lang ako ng butas. Ayoko lang talagang matuloy ang planong akitin si Prince na ligawan si Diana. HUHU. Wala na akong inspiration pag ganon tas sya may Zero? Unfair.

“Mi love.” Ngiting ngiti syang sumulpot sa gilid ko. Mukha pa ngang nagpagupit tapos nagpahighlight ng buhok tapos mukhang naligo pa sa pabango na nakakasuya amuyin sa sobrang dami parang nakakahilo.

Nangunot na lang ang noo ko. Naano ako sa mga particles ng pabango nya na pumapasok sa ilong ko eh. God!

“Wala ka bang napapansin, love?” Kanina ko pa nga napansin eh. Nakakasura lang.

“Meron. Lalo ka nagmukhang tanga.” Pagkasabi ko non eh sinamaan nya ng tingin sina Jacob at Kris. Mukhang alam ko na kung sino ang may idea ng kanyang new look. Nagpauto nanaman sya sa mga tropa nya.

“Ah.Ehh, ganon? Ahh. Haha. Papaltan ko na lang ulit tong ayos ko. Wait lang ah love.” Hinigit nya yung mga tropa nya ng may pumito.

Pitong galing sa disciplinarian.

“Mister Transferee!” Napalingon kami lahat kay Eris pabalik balik tingin dun sa disiplinarian.

“What?” Walang kamuang muang na tnong ni Eris sa D.

“Give me your ID.” Binigay nga naman ni Eris ang ID nya ng wala ulit muwang.

 “Well mister, according to our student’s handbook Roman Numeral 2 number 13, highschoolers are not allowed to dye their hair. Sigurado naman akong sa dati mong school ganon din, di’ba?”

“I don’t know, Im not aware of it.”

“Ngayon alam mo na. Hindi ko ibabalik ang ID mo kapag hindi mo yan binabalik sa natural hair color mo. Bumalik ka sakin pag kulay itim na yan at paguusapan pa natin ang iyong kaparusahan.”

Umalis na sya at iniwan kami. Nasakanya yung ID ni Eris na hindi sya makakapasok bukas pag wala yon. Mejo nagi-guilty naman daw ako don ng kaunti kasi para naman sakin yung pagpapapoging yon. Yong totoo?

Nahuli ko syang nakatingin sakin na pakamot kamot ng kilay isang sign na nahihiya sya. Mejo kabisado ko na nga din pala sya sa tagal ng pang-iistalk nya sakin, I mean panggugulo. LOL.

“Ayusin mo nga buhay mo.” Yun lang nasabi ko sakanya. Wala kasi akong masabi tapos parang nakatingin sakin ang lahat na nagiintay ng sasabihin ko. Seriously?

Maya mayang hapon, hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya basta ang alam ko lang, nakita ko syang nagpupulot ng kalat sa field tapos black na yung buhok nya. Better. I mean, mas pogi yung simpleng sya. Kasama nya din nagpupulot sina Kris at Jake. Tapos si Zero nakaupo lang. Yung totoo, akala ko ba si Eris yung ‘leader’ nila? Bakit petiks lang si Zero? Basta.. diba dapat ano…

“Hoy Mike, problema ni Zero?”

“Eww. How dare you to call me Mike? How could you?” Pinanliliitan nya pa ako ng mata.

“Sagutin mo na lang.”

“Aba malay ko. Mukha ba akong secretary ng ulul na yon? Alam lahat ng gawain nya?”

“Sorry ha!” Punong puno ng sarcasm.

“Okay lang! Maliit na bagay!”

At dahil walang kwentang kausap si Mike (nagsalita ang meron) di ko na kinausap.

“Ylaine ang dungis mo talaga tignan. Hahaha!” –Mike

Inirapan ko na lang.

“Ylaine, aayusan kita ng buhok?” Luh, anong nakain nito?

“Hoy makatingin ha! Wala lang. Gusto ko lang ayusan ang buhok mo. Masama? Tara dun sa bleachers.” At hinila na nya ako dun bago makareact tapos pinaupo nya ako sa pangalawang hagdan sya sa pangatlo para nga naman maayusan nya ang buhok ko.

“Seriously? Uwian na tsaka mo naisipang ayusin ang buhok ko?”

“Gusto mo din naman!” De, sa totoo kasi gustong gusto ko talaga magpa-ayos ng buhok ko sa kanya lalo na nung grade 4 to 6. Parati nya akong sinasalapidan. (Braids) Tapos feeling ko ang ganda ganda ko na pagkatapos nya akong salapidan dati.

“Eh ba’t mo nga naisipan bigla?”

“Wala. Haha namiss ko lang.”

“Weh?”

“Oo nga! Kulit.” Hindi eh, mukha kasi syang may ibang motibo. Itsura nito, hinayaan ko na lang. Baka pala birthday ko ngayon tapos nakalimutan ko tapos may surprise pala sya sakin na hindi pa tapos kaya para malibang ako, inaayusan nya ang buhok ko. Hahaha okay, ang layo ng narating ng isip ko. Haha!

Tumunog yung cellphone nya tapos pinahawak nya sakin yung buhok ko kasi hindi pa tapos ayusan eh. Tapos nireplyan nya pa yata yung nagtext kaya antagal ko ng hinahawakan ang buhok ko.

“Tagal ah, Mike. Chix ka ganon?”

“Kailan ka mawawalan ng side comments Ylaine. Yung totoo?”

“I don’t know. Baka pag tumigil na ng pagfafunction ang utak ko.”

“Edi patay ka na non.”

“Yep, yun ang point. So ibig sabihin mabibwisit ka habang buhay sa mga side comments ko.”

“Tarantado ka talaga eh no?”

“Di ah. Sakto lang.” Tapos tinawanan ko sya.

“Wag ka ngang magulo, patapos na ang buhok mo. Tsss.”

Naramdaman ko naman na tinatalian nya na ang buhok ko. Binigyan nya ako ng salamin. Okay lang naman. Pinicturan nya ang likod ng buhok ko. Maganda. Side braid lang na maarte. Nagagalingan ako pero di ko sinasabi sa kanya. Asa pa sya. Hahahaha!

“Hoy, sinong pagpapagandahan ko pag-uwi? Yung unan at kumot ko?”

“Sinong may sabing uuwi ka na?”

“What do you mean?”

“Gumaganti lang sa pambwisit na side comments mo. May date kayo… ni Prince.” Ngiting ngiti nyang sabi.

Oh my god! Ang ganda nya gumanti. Si Prince yon eh. Si Princeeee!

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon