Chapter 10

19.3K 230 22
                                    

Chapter 10

Kinabukasan, hindi na ako magtatakang sya ang bagong pinaguusapan ng mga babae sa school. Sya na ang bagong hot issue at natapakan ang popularity nina Eris… Hayst, girls…

Kung makapagsalita ako akala mo naman hindi ako isa din sa kanila. Haha.

“Grabe ka Ylaine! Paano mo sya nagawang tao?! OHMYGOD! Ang pogi nya pala talaga!” Yan agad ang salubong sakin ni Mike. Buti na lang walang nabanggit na pangalan kasi sabi nya isecret ko na lang daw na kami ang nagmakeover sa kanya. Baka daw magselos si Diana sa future. Shet, ang caring nya naman! Huhuhu.

“Ang galing galing mo talaga! Ako kaya magpamake-over sayo?”

“Wala namang magbabago sa itsura mo eh. Sadya lang talaga syang pogi.”

“Hard ah.”

“Whatever. Tinubuan ako ng dalawang tagihawat dahil sayo.” Inirapan ko sya.

“M-mi love.” Napalingon ako sa nagsalita at… WHAT THE HELL?!

Nerd version Eris?!

Natatawa naman yung mga katropa nya sa likod.

“Nakita kita kahapon kasama yung nerd na yon. Ako din, imakeover mo din ako.” Inirapan ko na lang sya.

“Please?” Sabi nya at naki-please din ang tatlo nyang tropa.

Tiningnan ko si Mike at tawa lang ng tawa. Wala man lang maitulong. Tsss.

“Fine. Nakakairita ka kasi lalo pag ganyan.” Ang nasabi ko na lang.

“YES!!” Sigaw nya at nakipag-apiran sa tatlo.

“Mamaya love, susunduin kita ng uwian sa classroom nyo ah. Intayin mo ko ha?” Ngiting ngiti nyang sabi sabay umalis na ngiting ngiti din. Time na kasi.

Napailing na lang ako. Ang kulit kasi.

“Ylaine, wag mong injanin yun ha. Malakas na talaga ang gatok nun sa utak. Baka bigla yun magwala sige ka. Hahahaha!” Inirapan ko na lang si Mike.

Pagpasok namin ng room, halos maglaway na literally ang mga kaklase kong babae habang nakatitig kay Prince. Yung totoo? Parang dati ako lang gumagawa nun ah.

Kita ko naman si Diana na may hawak na rose na feeling ko galing kay Prince. Halos mangintab yung mata nya. Sabi na, mukha lang tong pogi. Hindi nya naman ata talaga gustong gusto si Eris eh.Napogian lang. Hindi na ako magtataka mamaya kung sila na ni Prince.

Aw, sakit non.

Wala nalang akong nagawa kundi makinig sa klase at makinig at panoorin ang mga kalandian ni Diana kay Prince. Oo, sila na ata eh. Ewan ang gulo nila. Kanina lang naman kasi eh. Bilis naman. </3

Anyway, labasan na at kani-kanya kaming labas ng pulbo. (Bawal ibang make-up sa Highschool!) Nagsuklay ako ng buhok habang kita ko nanaman ang mga kakaibang kalandian nina Diana at Prince.

Aba tingnan mo nga naman, kanina si Diana lang ang gumagawa ng kalandian pati na rin si Prince pero halata mo namang baguhan kasi pulang pula sya.

At ang first kalandian nya: Pagbubuhat ng bag ni Diana. Seriously? Baldado?!

Second kalandian nya: Hinawakan nya ang kamay ni Diana. Ohmygod! Parang kapahon ako ang nakahawak dyan dahil nung shakehands! Omygoood!! I felt betrayed! Charot.

Third kalandian: Holding hands while walking and swaying. Shet. Porn.

Ang sakit lang sa mata ano baaa. Stop torturing me guys! <///3 Charot.

“HOY! Wag ka ngang madrama! Mamaya ikaw na ang may kaholding hands.” Sabi naman ni Mike.

“HUH?” Di ko kasi magets. Yung totoo? Anong ginawa sakin ni Prince para magkaganito? Nagiging slow na ako. Huhu.

“Ayan na si Eris. Sinusundo ka na!” Nilaksan talaga ni Mike para marinig nung iba naming kaklase. Ohmygodd.

HUHU.

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon