Chapter 8 - Alis in Wonderland

6.6K 309 109
                                    

~• Eight •~
Alis in Wonderland

Black Legion. Iyon pala ang samahang matagal ko nang gustong alamin. And now I'm a part of it.

"Ipinadala ka ba ng walang hiya mong lolo dito?" Pumaikot sa akin sina Apollo.

"Patay na ang lolo ko kaya paano niya ako ipapadala dito?"

Humalakhak ang mga unggoy. "Sinungaling!" Bintang ni Amadeus.

"Matagal mamatay ang masamang damo! Saan nagtatago ang mga lapastangang iyon?" Bigla akong hinawakan sa batok ni Amadeus at pinaluhod. Mahigpit niya pang hinawakan ang buhok ko para mapatingala ako.

I'm still absorbing their words... "Buhay si lolo?" Pakiramdam ko'y nanigas ako. How can that be? Dinukot sila ni lola ng masasamang tao!

"Buhay pa sila?" Pinilit kong tumayo pero hindi ako hinahayaan ni Amadeus.

"Sumagot kayo! At paano niyo sila kilala?! Anong ginawa niyo sa kanila?" Nanginginig ang labi ko. Gumuhit na ang kaba sa puso ko.

"Hindi niya ba talaga alam o nagmamaang-maangan siya?" Haka ni Lemuel.

Halos matawa ako. "Mga semplang pala talaga kayo eh! Kung buhay sila, bakit pa ako mag-aaksaya ng panahong hanapin sila dito? Bakit pa ako magpapakahirap sa bayang ito na puro karahasan gayong sa labas eh malayang-malaya ako kahit mag-isa na lang ako sa buhay?! Sige nga! Kung totoong magaling kayo, umisip kayo ng katanggap-tanggap na katwiran!" Pumapalya na ang boses ko pero hindi ko pa rin magawang maiyak. Maybe I was really born with eyes that can't cry.

"Huson Regalla is an ex-citizen of this town. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan namin at isa sa mga pinakaunang miyembro ng Black Legion. He's the former dean of Westwing!" Bunyag ni Romeo.

"Pero anong ginawa ni Huson? Isa siyang traydor! At ang mga traydor, pinapatay." Gigil na sambit ni Amadeus habang ako ay pilit pa ring inuunawa ang lahat.

Dito nga nakatira dati si lolo! At kasapi siya ng samahang ito! Pero, paano siyang naging traydor? Anong ginawa niya? At higit sa lahat, nasaan sila ni lola kung totoong buhay pa sila?!

"Paano siya naging traydor?! Ano bang sinasabi niyo?!"

"Ninakaw niya lang naman ang isang bagay na mas mahalaga pa sa buhay niya. At ngayon ay kinakalaban niya ang isang tulad ko. He wants to be king when he's nothing but dust! Isang malaking hangal!" Humalakhak nang mala-demonyo si Dreyxin. It sent shivers down my spine. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa, tapos pang-kontrabida pa talaga.

Lumapit siya sa akin at madiin na hinawakan ako sa aking baba. "Kaya ito ang tandaan mo... Oras na malaman kong isa ka ring traydor, ako mismo ang hahatol ng uri ng kamatayang nababagay sa'yo."

Lumilipay sa hangin ang pag-iisip ko. Kung buhay ang mga taong kumupkop sa'kin, bakit hindi na nila ako binalikan?

At ano ang bagay na ninakaw daw ni lolo? Sa mga sinabi niya, pinagmumukha niyang masama si lolo sa harapan ko. Is he expecting me to believe him that easy? No way. I have to find them... But how?

Sa Main Hall ako namalagi matapos ang match namin ni Ethel. Pagkahatid sa akin nina Odette ay iniwan muna nila ako ditong mag-isa.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now