Chapter 17 - Fog Prince

5.4K 242 75
                                    

~• Seventeen •~
Fog Prince

Isang nakakayanig na pagsabog sa loob ang nangyari kagabi.

Iyon ang dahilan kung bakit ako nahimatay.

Pinagmasdan ko ang aking damit na duguan. Namilog ang mata ko at rumagasa ang agarang kaba't takot. I hate blood. Ayoko ng kulay pula.

Bakit nga kaya kulay pula ang dugo?

Umiling-iling ako't sinapo ang ulo. Sa lahat ng dapat problemahin, 'yun pa talaga ng naisip kong unahin.

It was only then I realized I'm not in my husband's mansion anymore. Nilibot ko ang aking mga mata sa silid na ito at napagtantong nasa secret chamber ako ni Dreyxin sa Dark Clandestine. Amoy pa lang ng makalumang mga aklat at sinaunang mga kagamitan, alam ko na kung nasaan ako.

"Anong nangyari?"

"Nagtalik tayo." Nagitla ako sa biglang pagsulpot ni Dreyxin sa dilim. Nandito pala siya!

Ano daw? Bakit hindi ko man lang matandaan?! Nakakadismaya ah!

"Ano nga kasi?"

"Does it matter to you?" Umupo siya sa kanyang table at humarap na sa kanyang aklat.

Natulala na lang ako sa kanya. Mukhang hindi niya talaga sasabihin. "An explosion made by some idiot culprits ended the ritual last night." He turned his book to the next page.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa pagpukaw ng aking interes ay tumayo ako't lumapit na sa kanya. "Sinu-sinong salarin? Nahuli ba sila?"

"Of course, Lupe. No one can escape from me."

"Eh bakit si Lolo Huson nakatakas sa'yo at hanggang ngayon 'di mo pa rin mahanap?" Napalingon tuloy siya sa'kin at dumila ako sa kanya.

"He should be thankful for I'm delaying his death. Because the moment I will lay my eyes on him, blood bath, Lupe. Pipigain ko ang lahat ng dugo sa kanya hanggang sa maubos 'yon sa kanyang katawan." His chilling voice sent me shivers. Parang napakakalmado niya magsalita gayong kamatayan ang pinag-uusapan.

"Nasaan sila ngayon? Nakakulong ba? Bakit daw sila nagpasabog? Anong motibo nila? Sinabi ba nila ang totoo? May mga alibi ba sila?"

Padabog na binaba ni Dreyxin ang libro sa mesa niyang kalat ang mga papel at libro. "Are you a detective? Bakit ang dami mong tanong?"

Humalukipkip ako, "Eh bakit 'di mo na lang kasi sagutin?"

"I have no more interest in dead people." Natigilan ako sa pagrereact. So patay na pala ang mga may sala kagabi. I wonder if they're Huson's people.

Mga tauhan marahil ng Black Legion ang pumaslang sa mga kalaban. Umangat ulit ang tingin ko kay Dreyxin, to confirm what I'm thinking.

"Yes Lupe. I killed them all."

Kahit dapat ay hindi na ako magulat pa, hindi ko pa rin maiwasan. I don't want to think that way about him. Pero wala naman akong magagawa dahil makapangyarihan siyang nilalang. He controls life, healing, death, and suffering in this town.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now