Chapter 7 - Descendants of the Moon

7.4K 312 95
                                    

~• Seven•~
Descendants of the Moon

When the pair of grand doors before me was opened by Apollo, my jaw almost dropped. Tama nga akong parang may kaharian sa ilalim ng eskwelahan.

"This is the Dark Clandestine, the underground kingdom of Hollow Midlands."

Unti-unti ko pa ring ina-absorb ang sinabi ni Dreyxin habang hinihila na niya ako papasok. Napakalawak ng bilugang hall na may mga nakapalibot na haligi na hugis cylinder. Mistulang yari sa marmol ang mga ito. Sa bawat haligi ay mayroong torch. Ang sahig naman ay walang pinagbago na sementong tila nabudburan ng manipis na sand surface. Pero ito ay natatabunan ngayon ng malawak na carpet sa malaking bulwagan.

Sa magkabilang gilid ko rin na lagpas sa mga haligi ay ang paikot na mahabang hanay ng mga double doors. Kung tama ako ng mabilis na pagbibilang ay nasa tig-dalawampu ang double doors sa kaliwa't kanan. Saan kaya patungo ang bawat pintong iyon?

Sa gitnang dulo ay may elevated stairs patungo sa isang trono. May nag-iisang magarang upuan doon. Sa likuran no'n ay tatambad sa'yo ang napakalaking bilog na logo na hindi pamilyar sa akin. Hindi naman iyon ang logo ng Westwing. Anong simbolo kaya iyon? Basta't ang tanging salitang mababasa ko sa ilalim ng simbolo ay ang salitang Gemlack.

What's that? Ibang lenggwahe? Pangalan?

Pagtingala ko ay nakakatindig balahibo ang mga nakaukit na ahas sa ceiling. Ang mga ahas na iyon ay may kanya-kanyang yakap na diyamante. Walang chandeliers dahil siguro sa ang ibabaw nito ay lupain nga ng buong bayan kaya hindi nila sinasabitan ng kung anu-ano. Akala ko ay ilalim lamang ito ng Westwing Academy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ang ibabaw nito ay buong Hollow Midlands?" I asked while still roaming my eyes around the grand hall, ignoring the coldness of his hand against mine.

"Why do you always want me to repeat my words? Hindi ba sapat sa'yo ang isang beses?" Hinarap ko na siya at tinignan ko ang aking kamay na hawak pa rin niya.

Mukhang napansin niya iyon kaya bumitaw siyang agad. "Dahil gusto ko laging sigurado..."

Naputol lamang ang tinginan namin nang umubo si Apollo at sinuotan ng coat si Dreyxin. Haring hari ah? "Supremo, handa na ang Battle Arena."

Nanliit ang mata ko sa kanya. "Anong gagawin doon?"

Pero bumagsak lang ang tingin niya sa paa ko. "Nasaan ang isa mong sapatos?"

Napakagat ako ng labi. "Nakuha ng isang wolf kanina." Nahihiya kong itinago ang paa ko sa likuran ng isa pa para 'wag na niyang tignan pa.

Biglang may nagbukas na isang double doors at iniluwa no'n si Odette na may kasama pang dalawang babae. Nakabihis sila ng ibang kasuotan na parang mga babaeng mandirigma. Wow!

"Ode, bihisan siya at bigyan ng sandata. Dalhin siya sa arena pagkaraan ng sampung minuto. Ngayon na!" Utos iyon ni Dreyxin na agad tinanguan ni Odette.

Hinawakan nila ako sa braso at iginiya papasok sa isang silid. Nagbukas ang double doors ng nilabasan nina Odette kanina.

"Anong gagawin niyo sa'kin? Paki-explain!"

Nang makita ko ang loob ng silid ay namangha nanaman ako. Ang kahabaan ng silid na ito ay napupuno ng mga kasuotan. Mukhang ito ang main dressing room ng lahat.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now