Chapter 15 - Harm Bodies

6.1K 293 83
                                    

~• Fifteen •~
Harm Bodies

I was dragged into an all glass room. Iyon ang huling rasyunal kong kaisipan bago ako magmulat na narito na lamang sa isang lugar na tila isang kathang-isip.

Halos lumuwa ang bibig ko nang masaksihan ang napakagandang tanawin. This is undoubtedly a different world! Napapaligiran ng bituin ang buong himpapawid. It's like a dream come true to witness a sky full of stars.

Above the whole place is also an extraordinaire. Hindi ko lubos maisip kung paano naging posibleng naghahati ang araw at buwan sa kalangitan. It's a perfect day and night at the same time. Ito na yata ang pinakanakakamanghang nakita ko sa buong buhay ko.

In both far sides of me are two kingdoms in separate domains floating in the same level from where I am standing.

The Black Realm of Gemlack Territory and the White Kingdom of Soverthell Domain, the community of Gemlacks and Soverthells.

Napalunok ako sa bahagyang pagkasurpresa at pagtataka. Tinitigan ko lang naman ang dalawang kaharian pero mistulang pumasok agad sa isip ko kung anong tawag sa mga 'yon.

Lalo pang nangatog ang tuhod ko nang mapansin ang aking inaapakan. Clouds lang naman, clouds! Grabe! Grabeng 'yan! Kaya pala ang lambot ng kinatatayuan ko. This is the Cloud Castle, the main entrance.

Mangha man ay takot pa rin ako dahil kaunting dungaw ko lang ay baka mahulog ako. Lalo na't sa ibaba nito ay may kakaibang mga lupain pa. Pahabang nakahilera ang mga ito. May mga biyak na lupang tila underground dahil sa nagbabagang apoy. Kasunod nito ay malawak ngunit pabilog na karagatan na parang may mata sa gitna. The center of it actually looks like a fall. What an awe! Grabe! Sunod no'n ay purong lupa naman na may malaking butas sa gitna at napaliligiran ng pinakaluntian na yatang mga halaman at puno. At sa dulo'y isang matayog na toreng napalilibutan ng ulap.

The Crimson Underground, the Crystal Falls, the Brown Hole, and the Wingsen Tower. That's the Elemental Line, the home of elemental beings.

How is it possible for me to know these things when it's just now that I encountered this place? Just like everything here is already familiar to me.

Winaglit ko muna ang mga haka-haka. Napukaw rin ang labis kong interes ng nasa aking harapan. I think, what's in front of me is a very huge and vast university. From the view up here, that's undeniably the largest university I can ever imagine. There's a lot of places to see just from there.

The Fortress High, the Prime Kingdom, the Constellation Circle, and the Golden Pavilion - all sums up to our dimension's university.

Is this real? Am I dreaming? Pero totoo ang lahat! Imposibleng kathang-isip ko lang ito! Tila kay sarap tumira sa isang ganitong mundo. May mga palasyo, may mahiwagang eskwelahan, may mga nakakaaliw na pasyalan. It looks like sadness and distress aren't existent here. I feel like everything here depicts pure joy and bliss.

Until it hit me... Nandito ako. Nandito na nga yata talaga ako.

For the love of Dreyxin Black Vlontir, I'm finally in Magique Fortress.

"Lovenhope?" Isang banyagang tinig ang nagmula sa aking likuran. Sa aking paglingon ay naaninag ko ang isang babae ngunit biglang nagbago na naman ang kapaligiran at narito na ako isang malawak na battle grounds. The Charmer's Stadium.

"Anak?" Natigilan ako at natauhan sa muli niyang pagtawag sa akin. Sa tabi niya'y isang lalaki. With their fine cloaks and sovereign get-up, both of them look like royalties. I can finally see their faces clearly. I can already see them real.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now