Chapter 9 - Man of Steal

7.4K 394 237
                                    

~• Nine •~
Man of Steal

Ngayon ay nakumpirma ko na ang gumugulo sa isip ko kanina.

Dreyxin is not human. He's a wizard from a dimension called Magique Fortress, the home of wizards, guardians, and elemental beings.

Naalala kong nalaman ko ang Magique Fortress sa unang pagkakataon doon sa boteng naihulog ni Dreyxin na napulot ko noong first encounter namin.

Akala ko brand lang ng pabango, 'yun pala pangalan na ng isang dimensyon!

Pero ang lubha kong ipinagtataka, nabanggit din ito sa akin nung tigreng maliit na kumausap sa akin sa panaginip ko. Doon daw siya galing. Ano na nga bang pangalan no'n? Ah tama! Si Roar.

Hindi kaya tropa pala ni Dreyxin si Roar? May pakpak si Dreyxin kaya baka ibon siya sa Magique Fortress, nagkatawang tao lang dito.

Lakas tama na talaga ako.

Niyakap ako ni Harper pagkarating ko ng town house. "Welcome to the family, Lupe!"

Family, is that really what they are here?

"Tell me everything I have to know." Nanaig ang nakakabinging katahimikan bago sila tumango.

"Dreyxin is obviously not like us. He's extraordinary that's why we treat him here like our king. You can't go against our Dictaduria, or else, you die."

"Eh bakit hindi kayo umalis dito kung natatakot pala kayo sa kanya? May kasiguraduhan ba kayong hindi niya kayo papatayin kahit pa sunud-sunuran kayo sa kanya?"

"Because we're a family here. Si Dreyxin lang ang nagparamdam sa amin na may pamilya kami. Lahat kami dito ay may masasamang nakaraan, at tanging dito lamang sa Hollow Midlands nabigyan ng dahilan ang buhay namin. Dito namin natagpuan ang sarili namin. Without him, we're nothing. He saved our souls, Lupe." Magulong sabi ni Koraline.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Paanong masamang nakaraan? At paano naman niya nabigyang dahilan ang buhay niyo para magpatuloy eh tinuturuan niya nga kayong pumatay dito? Is that safety and protection?"

"Karamihan dito ay mga ulila na. Iniwan ng magulang, inabanduna, minolestya, adik ang mga magulang, pinaampon, o 'di kaya'y ang tingin sa kanila ng magulang nila ay wala silang kwenta kaya naisipan nilang lumayas na lang. Ang iba naman mga palaboy sa lansangan, pulubi, iba pang tila patapon na."

"Ako, sinasaktan ako ng mga magulang ko. Hindi pwedeng hindi ako bugbog sarado araw-araw noon. Hindi ako nawawalan ng mga pasa at sugat. Para lang akong laruan sa paningin nila." Mapait na panimula ni Koraline.

"Ako naman, ibinubugaw at ibinebenta ako ng nanay ko bilang hanapbuhay. Minsan na rin akong pinagsamantalahan ng tatay ko." Walang emosyon na sabi ni Odette. Nakatulala lang sa mesa.

"My parents are drug lords. Pushers, smugglers, addicts, lahat. Umalis na kami ni Kuya sa walang kwentang lugar na 'yon. They're treating us like garbage anyway." Tipid na sabi ni Harper at nagkibit-balikat.

"I'm an orphan. Iniwan sa tapat ng isang tindahan kasama ang isang kuting. I don't know where I came from. Inisip ko nga noon na baka anak din ako ng pusa at kapatid ko ang kuting na kasama ko. At ang mga kumupkop sa akin, kinupkop nga ako pero ginawa naman akong tiga-abot ng envelope sa mga jeep sa kalsada pandagdag kita daw sa sari-sari store nila. Araw-araw pa nila akong sinisisi kung bakit daw sila naghihirap. In the first place, bakit pa nila ako pinulot? Sana pinabayaan na lang nila akong mamatay at bumalik sa langit noon. Nakaiwas pa sana ako sa pagiging makasalanan sa mundo. Baka napasalamatan ko pa sila. Kaysa iyong laging ipamumukha sa akin na imbis na hulog ako ng langit, hugot daw ako mula impyerno." Puno ng hinanakit na kwento ni Cloud.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon