Chapter 4 - Lord of the Wring

7.3K 327 174
                                    

Tidbits:
• Dreyxin is pronounced as Dreyk-shin.
• Lupe is pronounced as Lu-pe.
• Hollow Midlands is a fictional setting; hindi ito 'yung nasa Tagaytay na Highlands at Midlands, okie? Haha!

Vommentsha! (vote, comment, share) Nadagdagan na haha!
~ Love, pixieblaire
==========

~• Four •~
Lord of the Wring

Si Koraline ay kukuha pa raw ng paghimagas kaya naisipan ko ring mag-dessert. Wala yata talaga akong kabusugan.

Nang tumayo ako para sundan siya ay nakaagaw ako ng atensyon. May future siguro ako sa pag-aartista, ano?

Kumuha ako ng carrot cake sa counter. Nauna na rin si Koraline patungo sa table namin. Akmang malapit na ako doon nang salubungin ako ng isang babae at tinabig bigla ang dala kong pinggan ng cake!

Tinignan ko ang kawawang cake na na-fall sa sahig at saktong pag-angat ko ulit ng tingin sa kanya ay sinampal niya ako nang napakalakas na halos ikabingi ko na yata!

Nanahimik ang lahat ng nasa cafeteria. Maging sina Harper ay mga nakatingin lang. Ay grabe! Hindi man lang ako tutulungan?

Nakaawang pa rin ang bibig kong nakatingin sa babae. "May pinagdadaanan ka ba? Do I know you?"

Pero sinampal ulit niya ako sa kabilang pisngi naman. Aray ko! Akala niya ba hindi masakit? Umalingawngaw yata ang lagutok ng sampal niya!

Gusto ko nang manliit dahil sa kahihiyan. Pinagtitinginan pa kami ng lahat at nagbubulung-bulungan ang karamihan.

Sina Dreyxin ay para namang nanonood lang ng isang entertainment film. Wala man lang bang disciplinarian sa school na ito? Where are the professors when you need them? Kahit ang mga crew dito sa cafeteria ay nanonood lang rin sa amin.

Lumingon ako kina Cloud at mukhang nag-aalala ang itsura nila. Nag-aalangan na nga sanang tumayo si Cloud pero pinigilan siya ni Koraline. I don't even know why they aren't helping me.

"Fight, Lupe!" Dinig kong bulong ni Harper sa likod.

Doon ko lang naalala ang mga rules na nabasa ko kanina. Bawal maging lampa. Pero hindi ko kayang manakit nang pisikalan!

Tinitigan ko ulit ang babae at sinampal nanaman niya ako. Sobrang sakit na ng pisngi ko! "Ano bang problema mo?"

Imbis na sagutin ako ay nakatanggap nanaman ako ng sampal. Pang-apat na! Nakakuyom na ako at gusto ko na talagang suntukin siya sa mukha.

But I have to calm myself. Baka sadyang ganito siya mag-welcome ng new students.

Kinuha ko 'yung nahulog na cake at binalik sa pinggan. Pagkatayo ko ay bigla nanaman niya akong sinampal. Pakiramdam ko'y namumula na ang mga pisngi ko. Rosy cheeks!

"Ganon na ba kaganda ang mukha ko kaya ganon na lang rin ang kagustuhan mong sirain ito?" Kalmado kong sabi pero alam kong dinig iyon ng lahat dito.

Ngumisi ang babae. "Ang kapal ngang talaga ng mukha mo. Nagawa mo pang magbiro eh paiyak ka na nga oh. Well anyway, I just slapped you because I can and I'm bored."

Aba! Kung lahat ng taong bored dito ay mananakit, edi multo na lahat sila?

Nagchin-up ako at confident pa rin na ngumiti. "Is that the best you can do? Sampal na ba iyon o haplos?"

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon