Chapter 30 - Moon Embracing the Star

387 16 111
                                    

~• Thirty •~
Moon Embracing the Star

Despite Dreyxin's cold hands holding mine, I can feel his burning wrath as he pulled me inside his headquarters. Kahit itago niya pa, alam ko ang pakiramdam na nananalaytay sa kanya ngayon . . . ang kinimkim na galit na bitbit na niya sa mahabang panahon. Lalo na't ngayon ay nabalitaan niyang ang isa sa kanyang mga kaaway ay narito sa kanyang teritoryo at nagsusubok muling siya ay pabagsakin.

Kierre Soverthell is here. One of my grandfathers is outside Hollow Midlands—the mortal kingdom of Dreyxin that his enemies are possibly already plotting to destroy.

Habang tinitignan ko siya ay kitang kita ko ang napipintong panganib sa kanyang mga mata. The more he thinks about his enemies and the more he anticipates getting revenge to them, the more the fire fuels in his eyes. I waited for him to burst out his anger, but he stayed quiet—like a silent storm waiting for the perfect timing to devastate everything.

"Teka kumalma ka, Drey-Drey. 'Wag mo muna ako puputukan . . ." pagbuwag ko sa katahimikan at nilingon niya naman akong kunot ang noo.

He's lost in his own thoughts with those scary eyes brimming with rage.

Dreyxin suddenly pulled out some books and started browsing, as if searching for a solution already for a problem that's only beginning to arise. Seeing how he's panicking from within made me think that this situation is indeed serious.

"Kung nandito na ang kaaway, hindi ba mabuting magplano na tayo mag-evacuate?" suhestyon kong lalong ikinaningas ng kanyang inis.

Initsa niya ang libro sa sofa na nagpagulat sa akin. Even Erida hissed when she was awakened by the loud slam of the book made by her master.

"This is our f*cking territory! They are the trespassers, Lupe! Kung meron mang dapat umalis, sila 'yon! This is our home!" aniya na hindi makapaniwala sa bulalas ko.

Sa huli niyang sinabi ay parang kinurot ang puso ko. Yes, this is my home too. This is where I finally found myself so protecting it from harm is also my top priority.

"I was just trying to be rational. As of now, they are stronger than us in terms of power and battalions. We must be careful! Ikaw na rin ang nagsabi, wala muna tayong dapat gawin until I figure out controlling my own power."

"Nakalimutan mo na bang nandito tayong dalawa? So you are still a fool in spite of your magical show that night? You managed to wipe out all the enemies and you're telling me they are stronger than us?"

Dreyxin has a point. Hindi ko nga lang alam kung paano ito gamitin.

He became more determined to activate my other self. Kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Inutusan niya akong galawin ang kung anu-anong kagamitang pangsalamangka roon at nagpagawa sa akin ng kung anu-anong kabaliwang bagay.

Yakapin ko raw 'yung libro habang nakapikit, baka magliwanag at magising muli si Lovenhope na powerful. Umilaw naman ito gaya ng gusto niya pero hindi pa rin ako nasasapian ng other self ko.

"Drey-Drey, ano ba talagang ginagawa mo sa akin ha?"

"Hindi pa ba obvious? I want to turn you on, Lupe!" aniya gamit ang frustrated na tono pero nanlaki ang mga mata ko at sumilay ang pilyang ngiti sa aking labi.

"Asus! Hindi naman 'yun ang nakakapagpaturn-on sa 'kin eh," sabi ko sabay kagat labing natatawa.

Mukhang na-realize na niya na mali siya ng ginamit na term kaya't napasinghal siya. "Activate then!"

Nagseryoso na ako at nag-isip dahil kawawa naman ang bebe kong stressed na. Pilit kong inalala ang mga pinagtagpi-tagpi kong kaganapan sa isipan ko. An idea lightened up in my head.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now