Chapter 27 - You are the Reason

5.4K 218 312
                                    

PB's Note: Play the song I attached to this chapter. It will help you feel the emotions more. Haha! Keep the comments alive too for faster updates. Mwah!
***

~• Twenty Seven •~
You are the Reason

Nagising ako sa kadiliman ngunit bumangon akong magaan ang pakiramdam. May aparatong nakakabit sa aking kamay, isang swerong may purple liquid na dumadaloy mula rito.

Erida, his beautiful venomous pink snake, is also here who looked like guarding me. Mukhang binabantayan niya ako. Hindi ko nga lang alam kung hanggang sa gumaling ba ako o naghihintay lang siya ng chance na kainin ako.

Ayoko nang isipin. Pero sa ganda ng ahas na ito, imbis na matakot ka ay mapapatitig ka pa sa kanya. Para siyang si Dreyxin. Looking so dangerous on the outside but can be surprisingly kind-hearted inside.

But I should not compare Dreyxin to this snake. Baka tulad ng amo niya ay mapusok rin pala ang isang 'to. Baka lamunin rin ako nang walang pasabi.
Mapanlinlang na nilalang.

"Don't be so assuming, human. I don't eat unpleasant creatures like you. Pihikan ako." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon.

Ay wow! Kinausap ako nung ahas! And she knows what I'm thinking? Aba! Mas nababasa niya pa ang nasa isip ko kaysa kay Dreyxin ah!

Tinignan ko si Erida na gumapang sa kama kaya napabangon ako agad. Mukhang tinaboy na talaga niya ako. Tinulugan pa ako!

"Ayos ka rin teh! Mas maganda naman ako sa'yo noh!" Ngumuso ako sa kanya. And would you look at that. I can understand snake language now? This is a very evident change.

Pagmulat ko pa lang ng mata kanina ay alam ko nang may nag-iba sa akin. I feel stronger than usual. May kung anong lakas na nananalaytay sa aking katawan. Isa akong dakilang lampa kaya alam ko agad na wala na akong anumang panghihinang nararamdaman.

Tinignan ko ang ibang parte ng aking katawan. Wala na ang mga bakas ng galos na aking natamo mula sa pangmamalupit ni Huson. Ngunit ang sugat sa aking emosyon ay tila sariwang-sariwa pa rin at hindi ko alam kung magagawa ko pa bang alisin ang naiwang lamat. Kapag naaalala ko iyon ay nanginginig ako sa takot. Ayoko nang balikan pa ang kalupitang sinapit ko sa kamay ng mga taong walang habag at puso.

Inalis ko ang aking swero at nagmadaling tumayo na ngunit nang makita ko ang isang sulat sa tabi ng mesa ay napatigil ako.

L̶o̶v̶e̶,
H̶o̶p̶e̶, or Lupe,
Just Lupe,
fuck whatever,

Do not leave again while I'm gone.

May I also remind you that you are not Sleeping Beauty who can sleep for a hundred years.

I can't wait that long.

So wake up now, or else I'll kill you!

-D.

Napakasweet naman talaga ano? Pero in fairness, pina-KILL-ig niya ako. Natuwa pa ako nang puro bura ang pangalan ko dahil hindi siya makapagdecide kung ano bang itatawag niya sa'kin.

Drey-Drey, minsan ang cute mo. Madalas naman ang pogi mo. Saan ka ba talaga lulugar?

Matagal kaya siyang mawawala? Sana ay bumalik na siya. This letter was dated three days ago. Isang linggo pala akong tulog at walang malay.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon