Chapter 25 - Huson is Hell

2.3K 263 95
                                    

~• Chapter 25 •~
Huson Is Hell

My hands are tied as I watch the drops of my blood falling to the ground every five excruciating seconds. I have been tormented, wounded, and tortured. And I have no idea why.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka pa naman namin papatayin." One of Huson's team said to me. Tila katawa-tawa pa ako kung kanyang pagmasdan. Ang katawan ko ay puro latay na ng latigo at pakiramdam ko'y sasabog sa sakit ang bawat sugat.

Magmula nang magising ako dito sa dulong parte ng Nothing Avenue ay itinali na nila ako at pinahirapan. Ang latigong hawak niya ay halos napaliguan na ng aking dugo.

"Huson..." buong lakas kong pagtawag sa kanya. "Nasaan siya..."

"Hinahanap mo ako apo?" May sukbit siyang mahabang baril na tila kagagaling lang ulit sa panggugulo sa aming bayan.

"Halimaw ka..." napaubo ako ng dugo pagkasabi sa kanya.

Humalakhak ito na may bakas ng pangungutya. "Ako nga ba ang halimaw dito? Kung ganon ay anong tawag mo kay Dreyxin, demonyo?"

"Dreyxin may be a demon but you are hell itself, Huson!" Hindi ko kayang ikaila at pagtakpan ang lahat ng masama niyang nagawa pero kung ako ang tatanungin, mas masahol pa siya kay Dreyxin.

"Bakit mo ba ako pinaglalaruan?" Gusto kong umiyak pero kahit anong pilit ko ay wala akong mailuha. Tumatagas ang dugo ko sa aking tagiliran na lalong nakakapagpahina sa akin.

Lumapit siya at iniangat ang aking baba. "Because I know your story. You are his great enemy, yet you are also his key to victory!"

Tila saglit na tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nakatitig lang ako sa nakakamuhi niyang mga mata.

"Magmula nang mapulot kita noong sanggol ka at nakita ko ang pangalan mo, alam ko nang ikaw ang sagot sa aming kalayaan laban sa demonyong iyon. It was destiny, Lupe! Ipinagkaloob ka sa akin para mapasakamay ko ang kanyang kapangyarihan!"

Pumalakpak pa ito at umikot-ikot sa akin. Bawat salita niya'y asidong kumikitil sa bawat litid ng aking puso. Ayokong tanggapin ang lahat ng kanyang sinasabi. Ayokong maniwala, ayokong pakinggan!

"Kaya naman minabuti kong itago ka sa kanya sa loob ng maraming taon dahil gagamitin pa kita laban sa kanya. And letting you enter the Midlands was the very perfect experiment. Ipinagkanulo kita sa kanya. I planned it perfectly. Mula sa pagkikita ninyong dalawa hanggang sa mabunyag at malaman niya ang tungkol sa totoo mong pagkatao. Lahat iyon ay kagagawan ko. Hindi ka ba natutuwa, Lupe? Nagkaroon ka ng love life nang dahil sa akin!" Nanlalaki ang kanyang mga mata sa galak.

Ginantihan ko siya ng tawa na kaniyang ipinagtaka. "Iyon ba ang dahilan kaya mo ako dinakip? Ipinagkanulo mo ako para mahalin niya? Para mapalapit sa kanya? Isa kang hangal. Wala kang mapapala sa akin! Hindi siya marunong magmahal kaya hinding hindi mo magagamit ang pag-ibig sa mga masidhi mong hangarin!"

Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang aking leeg na nanggagalaiti. "Boba! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo? Ginagamit niya kayo sa isang malakasang paghihiganti. He is planning a big war in Magique Fortress! Kaya ka nga niya ibinahay sa kanyang mansyon! Dahil hindi ka niya kayang pakawalan!"

"Sinungaling! Kung kailangan niya ako, bakit niya ako ipapapatay?! Itinakda niya ang kamatayan ko kaya ano iyang mga pinagsasasabi mong puro kasinungalingan!" Pagdepensa ko pa rin sa aking mga pinaniniwalaan. Hindi ko na alam ang totoo pero nagtatagumpay siya sa paggambala sa aking isipan.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now