Chapter 24 - Beauty and the Tease

2.4K 207 96
                                    

Isang himala! An update after a week! Hahaha! Akalain mo 'yon? Vommentsha!
***

~• Chapter 24 •~
Beauty and the Tease

Lumabas kami mula sa isang portal at madatnan ko na lang ay narito kami sa Gravenshaft District. Tahimik na ang paligid at tanging ang mga ilaw na lamang ng mga poste ang tila buhay na buhay pa rin sa gabing itong napakadilim. Kinikilabutan pa naman ako lalo na't natatanaw ko mula rito ang Nothing Avenue kung nasaan ang kuta nina Huson.

It's already midnight and the town people are probably in their deep sleeps right now. Ginabi kasi kami sa date ni Dreyxin. Pero kahit ganon, hindi ako nakaramdam ng anumang pagod dahil bawat sandali kasama siya ay talaga namang sulit na sulit.

Yet, coming back to Hollow Midlands means coming back into reality. Pagsikat ng araw mamaya, iyon na ang huling araw na makakasama ko siya.

Nakapamulsa siyang naglalakad kaya kahit gusto kong hawakan ang kamay niya ay hindi ko magawa. A lot has happened just in one day and I don't know what's running into his head right now. Ano kayang iniisip niya?

"Drey-drey," I finally spoken while I tug his shirt.

"Yes Love?" Biglaan niyang sabi pero tumikhim siya at agad niya ring dinugtungan, "Lovenhope?"

Unti-unti nang nagsisink-in sa akin ang nalalabi kong mga oras at hindi na ako mapakali ngayon pa lang.

"Will you still kill me?" Nangungusap ang mga mata kong nagsusumamo na sana ay huwag na niyang ituloy. I was dearly hoping he had a change of heart for me.

Mataman niya lang akong tinignan na para bang hinahanap rin ang sagot sa aking mga mata. Pero maya-maya lang ay umiwas na siya ng tingin at nauna na ulit maglakad. "Inaantok na ako, halika ka na."

Nagbuntong-hininga akong sumunod na lang sa kanya. Matagal kaming hindi nagsasalita at pasimple lang akong naglakad ng mabilis para makaabot sa tabi niya.

We are now both walking to a path of uncertainty. I don't know what to expect at the end of this road but what matters to me is we are walking this journey together. I just hope we'll remain together at the end.

Pero aasa pa ba ako? Aasa pa ba ako sa mapaglarong kapalarang ito?

Nakauwi na kami sa kanyang mansyon sa Devlin Village. Dire-diretso siyang nagtungo sa hagdanan kaya dumiretso na lang rin ako sa may garden, sa pool, kung nasaan 'yung mini cage at higaan ko. Balik na naman yata siya sa pagiging cold eh. Ang moody!

Hindi pa man ako nakakaabot sa may pool ay may humila na sa aking palapulsuhan. "Drey-drey?"

"Saan ka pupunta? Sabi ko sundan mo ako 'di ba?" Naniningkit na ang kanyang mapungay na mga mata. Marahil ay antok na antok na talaga siya.

Umakyat kami sa taas at buong akala ko'y bibigyan na niya ako ng matinong kwarto sa wakas ngunit nagkakamali pa rin pala ako.

Pumasok kami sa kwarto niya.

Fak. Pigilan niyo 'ko kahit chance ko na 'to!

Umupo siya sa kanyang kama habang ako'y nanigas na sa may dambana ng pintuan. Naghubad siya ng pang-itaas at naglakad patungo naman sa CR.

Sinundan ko siya hanggang sa hinarap niya ako. "What now? Sasama ka na rin sa'kin sa banyo?"

"Sabi mo kaya sumunod ako sa'yo!" Pilyo akong ngumiti hanggang sa pinitik niya lang ako sa ilong.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now