Chapter 12 - The Anger Games

6.9K 303 111
                                    

~• Twelve •~
The Anger Games

Pagmulat ko ng mga mata'y hingal na hingal ako. Luminga ako sa paligid nang mapagtantong nakaupo ako sa aking kama. Narito na ako sa kwarto, mag-isa. Was it just a dream?

Niyakap ko ang aking sarili dahil ramdam kong tila totoo naman ang lahat ng iyon. Sariwang sariwa pa rin ang pakiramdam ng kanyang mga mainit na halik at haplos. Hanggang sa mapansin kong magulo at nakababa ang aking shirt na pantulog sa balikat. The upper buttons were even removed at kapag may dumungaw dito ay tiyak na makikita ang kaluluwa ko.

I rushed out of my room and into the bathroom I saw myself in front of the mirror. Agad kong hinaplos ang namumulang bahagi sa aking leeg. Parang may namamaga. Ano 'to?

Then like a lightning, dumapo sa akin ang ala-ala ng paglapat ng kanyang labi dito na parang sumisipsip ng dugo.

Kinagat niya pala. Wizard na, bampira pa. Grabe siya.

Pero maya-maya lang ay unti-unti iyong naglahong parang bula. Lumapit ako sa salamin at hindi pa rin naaalis ang init at pamumula ng aking mga pisngi. I am still blushing.

Kung bakit ba naman kasi sobrang kahalay-halay 'yung lalaking 'yun? TL na yata talaga ako sa kanya. Tulo laway.

I traced my lips that were still so red, it almost looks like it's swollen. There's also a cut from my lower lip that I remembered him harshly biting it repeatedly when we were kissing.

OMG. Totoo! Totoong nagtikiman na naman kami!

Nilapat ko ang aking kamay sa aking pusong mabilis pa rin ang pagtibok. Bumalik ako sa aking kama at natulala. Hindi na dahil sa kanyang halik kundi sa mga nalaman ko namang katotohanan.

The revelation that I'm a half wizard and a half guardian. And the truth that my real family is evil.

Pero kung totoong katulad niya ako, may kapangyarihan, bakit parang wala naman? Mula pagkabata ko ay wala akong napapansing kakaiba sa sarili ko. Wala akong matandaang mahiwagang bagay sa katauhan ko. Ni iyong pinasusubok sa akin ni Dreyxin na paghawak sa mga elemento, hindi ko rin kaya. Kung wizard at guardian nga ako, bakit hindi ko maramdaman?

Masubukan nga. Tumayo ako sa aking kama at pumikit. Hingang malalim! "Abra kadabra!"

Kinumpas-kumpas ko pa ang mga kamay ko pero wala namang nangyayari. Patagal yata nang patagal ay nagiging shunga ako sa bayang ito. Pambihira talaga!

Susubukan ko ulit. Baka kailangan lang na may idudugtong pa doon sa magic words.

Napagdiskitahan ko 'yung aparador. Itratransform ko ito sa isang giant pizza. "Abra kadabra, aparador maging pizza!"

I swished my hands and pushed some air in front of the cabinet na tila nagpapalabas ng mahika. Wala namang nangyari! Failed ulit! Bakit ganun? Magkarhyme naman ah?

Sumalampak ako sa aking kama at nag-isip. Siguro kaya hindi gumana kasi ang layo masyado at hindi naman magkakonek ang aparador at pizza.

Aha! Tumayo ulit ako sa kama ko at pumwesto. Isa pa. Hindi ako susuko, kaya ko 'to! Papalabasin ko sa aparador ang isang halimaw. Mas applicable 'yon kaya baka gumana na ang magic ko this time.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon