CHAPTER 60

1.1K 42 8
                                    


Inis na inis siya hanggang sa maka-uwi ng bahay. Hindi tuloy niya maayos na nakain ang kanyang tanghalian. Ang bigat ng dibdib niya at parang gusto niyang manapak ng kung ano.

She's contemplating on calling Marj to say what she found out ngunit mahirap pa para sa kanyang balikan ang lahat ng nangyayari ng hindi sinusugod sina Erika at Allie.

Sa huli ay nagtungo na lang siya sa salon para tumambay at tumulong-tulong na din. Kaysa naman mabaliw siya sa bahay kakaisip sa mga napag-usapan nila ni Benj. Kailangan pa naman niyang kalmahin ang sarili dahil ilang sandali na lang ay darating na si Drake doon.

Kakausapin niya ba ito tungkol doon sa nalaman niya? She wanted to. She wants to clear everything once and for all. Gusto niya ding malaman kung ano ang nararamdaman nito sa mga nalaman.

Paano naman nito mababago ang desisyon niya? Ngayon na alam niya na ang katotohanan. Na hindi tunay na minahal ni Drake at Allie ang isa't-isa at malaki ang posibilidad na totoong mahal nga talaga siya ni Drake. Ano na ang mangyayari?

Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Iniisip niya tuloy ngayon na totoo ang sinabi ni Marj sa kanya kanina na ito lang ang kailangan niya. Ang malamang hindi na mahal ni Drake si Allie para pumayag siyang magpaligaw dito.

Mali iyon, Shirley! Maling-mali!

"Good afternoon po."

Nabagsak niya ang walis tambo sa sahig nang marinig ang baritonong boses ni Drake. Tumingin siya sa glass door ng salon kung saan kakapasok lamang nito. He's wearing a plain white t-shirt, dark short pants and black men's sandals. Kaya hindi magkamayaw ang mga baklang hairstylists ng tita niya sa pagsulyap dito.

"Drake! Tuloy ka! Tuloy!" nauna pa ang tita niya na bumati.

Napatayo siya ng tuwid. Pasimple niyang inayos ang kanyang buhok at tinuwid ang suot-suot na t-shirt. Pakiramdam niya hindi sapat ito'ng suot niya ngayon. Parang gusto niyang umuwi at maghanap ng dress.

"Kaninong papa 'yan, Madamme? Sa junak-junakan mo ba?" tanong ng isang bakla. "Plakado ha!"

Dinagdagan pa iyon ng maraming papuri kaya alanganin na ang ngiti ni Drake at pulang-pula pa ang pisngi. Mukhang malapit na ngang himatayin. Hindi na talaga ito nasanay na sentro ng atraksiyon. Ang ironic lang dahil kapag nasa isang lugar lang ito ay hindi naman ito puwedeng hindi mapansin.

Lumapit na siya bago pa ito pagkaguluhan ng mga binabae doon. Tumingin kaagad si Drake sa kanya. Muntik pa siyang matapilok dahil biglang nanginig ang tuhod niya sa paraan nito ng pagtingin.

Ngumiti ito kaagad at nawala ang pagka-ilang sa mukha. "Shirley," he called her name with so much...love.

Bakit nga ba hindi niya napansin noon? Drake's always like this. Tuwing titingin sa kanya, tuwing kakausapin siya, tuwing nag-aalala sa kanya. Yes, he's in love with her. Hindi siya maalam pagdating sa pag-ibig pero nakikita niya ang ibig sabihin ng pagmamahal tuwing nariyan si Drake.

Tinuro niya ang pinto, "Alis tayo."

Tumango si Drake at bumaling sa tita niya. "Tita, alis po kami ni Shirley."

Narinig niya ang pag-angal ng mga bading. "Ano ba 'yang pamangkin mo, madamme! KJ!"

Napa-iling na lang siya. Ganoon din ang kanyang Tita. Sanay na siya sa bibig ng mga ito kaya hindi niya na pinatulan. "Sige. Ingat kayong dalawa."

"Hindi po kami magpapagabi," dagdag ni Drake. "Iuuwi ko po kaagad si Shirley."

Nag-init ang pisngi niya sa mga pinagsasasabi ni Drake. Her aunt seems cool with it, though. "Salamat, Drake, kung ganoon." Natatawa nitong sabi.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin