CHAPTER 10

1.1K 43 21
                                    

"'You have that beauty that's hard to ignore and difficult to forget' your face!"

Boys and their ways with words! Pero kung inaakala ng Drake na 'yon ay babait siya dahil lang sa sinabi nito, nagkakamali ito. Ngumisi siya habang habol ang hininga.

"Tignan natin kung masasabihan mo pa ako'ng maganda!" kausap niya sa locker nito na punong-puno ng basura. Maaga na naman siyang pumasok ngayon para dito. Sabi nga niya, ito lang ang iginigising niya sa umaga.

Natawa si Marj na nasa tabi niya. "Ayaw mo no'n? Maganda ka nga, e."

Tinignan niya ito ng masama. "Walang pang nagsasabi na maganda ako maliban sa sarili ko. 'Tsaka charot lang niya 'yon. Nambo-bola lang iyon kasi...baka...sa tingin niya dahil doon ay titigilan ko na siya."

"Hindi ka ba kinilig?"

"Of course not!" depensa niya kaagad. "Umalis na nga tayo bago pa tayo maabutan dito! Magsa-shower pa ako." Inamoy niya ang t-shirt niya dahil baka amoy basura na din iyon. "Mas mabaho pa 'to sa patay na daga, e."

Mabilis na silang umalis doon para makaligo na siya. She needs to remove the stink na kumapit sa kanya. Nang matapos ay lumabas na silang dalawa. Hindi puwedeng hindi nila makikita ang reaksiyon ni Drake sa oras na buksan nito ang locker nito.

"Sure ka ba'ng ginagamit ni Drake iyong locker?" bulong ni Marj sa kanya habang pasimple silang nagmamasid.

Itinuon niya ang mga mata sa librong hindi naman niya maintindihan ang laman. "Oo!" Well, hindi niya talaga alam. Ipinagtanong niya lang sa iba iyong locker number nito.

"E, bakit ang tagal niyang dumaan dito? Baka hindi niya naman ginagamit?"

Tinignan niya ang orasang pambisig niya. Halos sampung minuto na lang bago ang simula ng kanilang first class. Hindi ba nag-iiwan si Drake ng mga libro sa locker nito? Huwag nitong sabihin sa kanya na bitbit nito ang lahat ng libro sa buong klase?

"Oh. My. God. Shirley!"

Kinurot siya sa braso ni Marj. "Ano?"

"Look!"

Nilingon niya ang linya ng tingin nito. Nakita niya na bubuksan na iyong locker pero hindi ni Drake. She knew that guy from Section E! Si Emman!

Pinigilan niya ang sariling sumigaw para balaan ito sa pagbubukas ng locker na 'yon. Bukod sa huli na ay hindi siya makakapayag na mahuli na siya ang may pakana no'n.

Ngumiwi siya nang buksan ni Emman ang locker ay bumuhos ang napakaraming balot ng sitsirya, bote ng kung ano-ano'ng inumin, scratch paper at balot ng kung ano-ano'ng prutas na mabibili sa kanilang canteen.

"WHAT THE HELL?!" sigaw ni Emman sa bumagsak na tumpok ng basura sa paanan nito.

Napuno ang hallway na iyon ng masaganang tawanan ng mga naka-kita. Sinapo niya ang noo. Si Marj naman ay nailing lang.

"SINO ANG MAY GAWA NITO?!" he shouted in no particular. "SINO?!"

"Mr. Nimedez!"

Huminto ang lahat sa pagtawa nang mamataan ang kanilang prefect. Nakataas ang isang kilay nito kay Emman habang nakahalukipkip. Halos magsiksikan na sila ni Marj sa may gilid parang hindi makita.

"What is this mess, Mr. Nimedez?" turo nito sa mga basura.

"M-Ma'am...h-hindi ko p-po alam 'yan!"

"Hindi mo alam?" masungit na sabi ng kanilang prefect. "Ano'ng ibig mo'ng sabihin? Bigla na lang lumitaw ang mga basurang iyan diyan ng hindi mo nalalaman?"

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon