CHAPTER 55

955 37 6
                                    

Pagkababang-pagkababa niya sa likuran ng motorsiklo ni Sebastian ay si Drake kaagad ang nakita niya. Mabilis na inalis niya ang helmet. Nagtama ang mga mata nila ngunit napalingon din si Drake kay Sebastian na pinapatay ang makina ng motorsiklo.

"D-Drake, ano'ng ginagawa mo dito?" sinipa ang dibdib niya ng kaba. Para siyang batang nahuling gumagawa ng kalokohan! Hindi niya alam kung bakit nakakadama siya ng guilt kahit hindi iyon dapat.

Bumaling si Drake sa kanya. She can see pain in his eyes. At nang ngumiti ito ay nasiguro niyang pilit nitong itinatago ang sakit na iyon. Silly might it sound but she thinks that he's jealous!

Really?

"Shirley, nag-text ako sa'yo. Hindi ka sumasagot kaya...kaya nag-alala ako," namula ang pisngi nito na tila nahihiya.

Stupid? Kailan ba kita ni-reply-an matapos mo ako'ng halikan? Gusto niyang magsisi-sigaw dito pero hindi niya magawa. Ilang oras na ito'ng naghihintay dito kung ganoon? "Naiwan ko ang cellphone ko sa loob."

Tumango si Drake at nahuli niya ang pasimple nitong pagsulyap kay Sebastian na hindi pa din umaalis sa tabi niya. Para ito'ng may gustong sabihin pero hindi magawa dahil may 'audience' sila.

"Sige, Shirley. Uwi na ako. Pasensiya na...mukhang naka-istorbo pa ako," tumalikod ito at naglakad na palayo.

Humakbang siya para sana ay sundan si Drake. Parang pinipiga ang puso niya sa tono ng pananalita nito kanina at sa paraan ng pagtingin sa kanya. He's hurt, he's sure. Ang bagay na ayaw niyang mangyari para dito ay nangyayari na.

And it's because of her. It's because she doesn't want his feelings.

Bumagsak ang mga balikat niya. Nalilito na siya sa motibo ng kanyang mga desisyon. Kaya niya lang naman ginagawa ang lahat ng ito ay para sa kapakanan nito pero pakiramdam niya ay mas lalo lang niyang pinapahirapan si Drake.

"I can see that you love him. Noon pa lang maabutan kitang nakatingin sa larawan niya sa tarpaulin, alam ko na. And by the looks of it, the poor guy loves you too. Bakit hindi mo habulin?" ani Sebastian sa kanya.

"It's more complicated than you think," sagot niya rito.

"Complicated? How?"

"Gaya ng sinabi mo," sabi niya habang nakatingin sa papalayong si Drake. "May mga bagay ako'ng kinatatakutan."

Hindi na nagsalita pa si Sebastian pagkasabi niya no'n. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya si Drake ay ibinalik niya kay Sebastian ang helmet nito.

"S-Salamat sa pagpapasama mo sa'kin sa race track." Ngumiti siya. "Sana balang-araw matutunan ko din iyon. Mukhang masaya, e."

"I'll teach you when you're ready," sabi nito.

Tumango siya at pumasok na sa loob ng bahay.

"Saan ka galing Shirley?" tanong kaagad ng tito niya na nasa harapan ng TV. Ang tita niya ay nasa kusina at nakalingon sa kanya na para bang nag-aabang ng sagot.

"Sa...tabi-tabi lang."

"Nandito iyong kaibigan mo kanina at hinahanap ka. Si Drake," sabi ng kanyang tita. Alam niya na iyon pero hindi niya ito pinigilang magsalita. "Sa salon iyon unang nagpunta kanina. Sinabi ko na hindi ko alam kung nasaan ka dahil hindi ka naman nagpaalam. Naisip ko na lang na baka nandoon ka sa papa mo."

Nagulat siya doon. "S-Sinabi niyo kay Drake na nandoon ako?"

Tumango ito bilang sagot, "E, wala ako'ng alam kung nasaan ka kaya doon ko itinuro. Bumalik din kaagad dito at sinabing wala ka doon. Sabi ko nga na dito na sa loob maghintay pero sabi niya sa labas na lang daw para makita ka kaagad."

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now