CHAPTER 32

958 40 11
                                    

Hindi nawala ang mga mata ni Drake sa pala-pulsuhan niya matapos niyang magsalita. Tahimik ito habang masuyong hinahaplos ang kanyang peklat. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip nito ngayon.

Nagkamali ba siya? Dapat ba hindi niya na lang sinabi ang tungkol doon? Mukhang hindi naman masyadong naka-apekto dito ang tungkol sa istorya ng kanyang buhay. Dapat ba'ng hinayaan niya na lang na hanggang doon ang ibinunyag niya dito?

"Drake," tawag niya sa pangalan nito nang hindi pa din ito magsalita.

"Sorry..." anito sa nanginginig na boses.

Mataman niyang tinignan ang mukha nito at ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita ang nangingilid na luha sa mga mata nito. Hindi siya naka-kilos kaagad. Hindi niya inaasahan ang reaksiyong ito mula kay Drake.

"H-Huy! Ano 'yan? Bakit ka naiiyak?" hindi niya alam kung matatawa o ano dito! Talaga ba'ng iiyakan siya nito? "Hindi naman ako namatay!"

Marahas na tumingin ito sa mga mata niya. Lukot na lukot ang mukha sa pagka-simangot kaya alam niya na kaagad na hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.

"B-Bakit ka kasi naluluha diyan? 'Tsaka bakit ka nagso-sorry na naman?"

Pinunasan nito ang luha gamit ang isang kamay nang hindi pa din binibitawan ang braso niya. Tinulungan niya ito sa pagpupunas ng luha gaya ng ginawa ni Drake para sa kanya kanina.

"Because I was never there for you..." anito nang mahimasmasan.

Isang ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi. He's sad because he was never there for her? Hindi niya maintindihan ang galak sa puso niya. Minsan nakaka-inis ito'ng pagiging sobrang bait ni Drake ngunit madalas ay nagsisilbi iyong liwanag sa kanya.

Ang dali para dito na pasayahin siya. Ang dali para dito na pagaanin ang loob niya.

"Tigilan mo na nga 'yan. Hindi na mahalaga 'yun. Nakaraan na iyon, e," pagpapalubag niya sa loob nito. At siya pa talaga ang nagpapalubag ng loob nito!

"Shirley...don't do it again please..." itinaas nito ang kamay niya at dinala sa dibdib nito. Punong-puno ng determinasyon ang mga mata.

Ang init na nagmumula sa katawan nito at ang panatag na pagtibok ng puso ni Drake ang siyang tuluyang nagpakalma sa kanya.

And she knew, right then, that she'll never ever do that again. Because of this stupid guy in front of her. Dahil sa maigsing panahon ay nagawa nitong gawing makabuluhan ang buhay na ipinagsasawalang-bahala niya lang noon.

"Oo na," sagot niya.

Ibinaba ni Drake ang kamay niya at tumango. Binalot na naman sila ng sandaling katahimikan. Hinayaan lang nila iyon. Siguro'y tulad niya ay iniisip din ni Drake na kailangan nila ng sandaling katahimikan upang mapag-isipan ang lahat.

"Sorry..." anito muli.

"Para saan na naman?"

"Iyong mga sinabi ko sa'yo last Friday no'ng nakita kitang kasama iyong mga kaibigan mo. Sorry para do'n. I've been such a jerk that day. Mas inuna ko ang galit ko kaysa ang isipin na baka may mabigat na rason ka."

"Hindi din naman kita masisisi, e. Hindi mo naman alam ang katotohanan."

Tumabi si Drake sa dingding na kinasasandalan niya. Ang mga braso nila ay nagtatama dahil halos wala nang espasyo ang pumapagitan sa kanila. "I wish you told me sooner."

"Natatakot ako, e. At nahihiya na din sa'yo..."

"Ano? Bakit mo naman mararamdaman iyon?"

"I know it's silly to think that you'll judge me just because my mother left me. Pero simula pagkabata kasi ay iyon na ang pinaka-itinutukso sa'kin. Kaya tuloy nadala ko hanggang sa pagtanda."

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now