CHAPTER 29

869 36 12
                                    

"A-Ano'ng sinabi mo?! Seryoso ka ba diyan?!"

Kulang ang salitang pagkabigla para ilarawan ang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Benj! Alam niyang may gusto ito kay Allie pero ang hingin ang tulong niya para paghiwalayin ang dalawa ay hindi niya inakala.

Humalukipkip si Benj habang direkta ang mga mata sa kanya. He's serious. Na para bang kay tagal na itong napag-isipan at pl-in-ano.

"Pero kaibigan mo si Drake!" aniya dito. He can't believe he's capable of betraying someone! Especially a friend!

"We're not friends, Shirley," iling nito habang naka-ngiti. There's no humor in that smile but she could sense bitterness and hatred. "Ever since we met we both know that we couldn't be. Alam mo iyong pakiramdam na kahit unang beses mo pa lang na nakikilala ang isang tao pero may animosity ka na kaagad na nararamdaman para sa kanya? Noon pa man mabigat na ang loob namin sa isa't-isa. We're aware of it."

Mas lalo lang siyang nalito doon.

"He's nice, Shirley. Too good. Kaya nga ayaw niya sa grupo namin. Drake thinks that we're too proud and arrogant for his taste when, in fact, he's the one who is arrogant. Hindi ba masyado siyang nagmamalinis?"

Drake? Arrogant? Parang hindi niya maisip na magsasama ang dalawang salitang iyon sa isang sentence. Sa tingin niya ay masyado lang bitter ito'ng si Benj kay Drake kaya iyon nasasabi.

"Pero nasa grupo niyo si Drake—"

"He's just there because of Allie. Pero noon halos hindi mo mapapasama iyan sa'min. Ayaw niyang nakikita siyang kasama kami. Ayaw niyang lumalapit sa'min. Kung hindi lang dahil sa kaibigan ko si Erika, matagal ko nang binugbog si Drake dahil sa pagiging masyadong mayabang."

Dama niya ang galit ni Benj sa mga salitang binitiwan nito. "Hindi sapat na dahilan 'yan, Benj, para agawin mo si Allie sa kanya."

Ngumisi muli si Benj sa kanya. Kinikilabutan na talaga siya sa ngiting iyon. Alam niya kasi na hindi iyon resulta ng pagiging masaya.

"I'm not asking you to help me break them apart because of that, Shirley. Gusto ko lang ipaliwanag sa'yo na hindi kami mag-kaibigan ni Drake at wala ako'ng pinagtataksilang kaibigan. Kaya ako nakiki-usap sa'yo ay dahil mahal ko si Alexandra at sa tingin ko mas deserving ako kaysa kay Drake para sa kanya."

Mabilis ang paghinga niya dahil sa matinding emosyon na nararamdaman. Kahit na hindi sila magkasundo ni Drake ngayon pakiramdam niya kailangan niya ito'ng protektahan. "Paano mo naman nasabi iyan? Mukha namang masaya si Allie kay Drake!"

"He's a jerk, Shirley! Can't you see? O baka nabubulagan ka na din sa kanya? Sino'ng lalaki iyong may girlfriend na pero kung maka-dikit sa ibang babae ay parang single pa din? Oo hindi pa sila! Alam ko ang pesteng pangako ni Drake kay Allie na pagdating ng eighteenth birthday nito saka sila magiging opisyal! Pero sapat na dahilan na iyon para hindi na siya makipaglapit sa ibang babae!" mas bakas na ngayon dito ang galit.

Siya ang babaeng tinutukoy nito. Nitong nakaraan ay mas naging malapit sila ni Drake sa isa't-isa. Madalas sila nitong mag-usap at sabay pa araw-araw kung umuwi. Siyempre, ano pa nga ba'ng iisipin ni Benj doon?

"Mali ka ng iniisip, Benj!"

"Mali?" marahas nitong tanong sa kanya. "Bakit hindi mo na lang kasi aminin, Shirley? Masyado na kayong malapit ni Drake 'di ba? Alam mo bang palagi ka niyang ipinagtatanggol tuwing may nagsasalita ng masama sa'yo sa barkada namin? Kahit si Erika ay inaway niya! I can see it, Shirley. Kung bulag ka, kung nagbubulag-bulagan si Allie, pwes, ako, nakikita ko! He's in love with you!"

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu