CHAPTER 17

1K 48 9
                                    

Maganda ang mga nakuha niyang score sa quizzes nila. Hindi siya pasang-awa. As in pasado talaga siya. Kaya nga pinagsamang gulat at disappointment ang makikita sa mga mukha ng kaklase niya dahil sa ganda ng resulta ng kanyang mga quiz. Siguro ay nilo-look forward ng mga ito ang Fridays para lang makita siyang mapahiya dahil sa pagiging kulelat sa klase.

Ha! Akala niyo ha! Drake is so proud of her. Ito lang yata ang naka-ngiti at nagta-thumbs up sa kanya dahil sa magandang performance niya. Mukhang tanga.

"Whoa, Shirley Faye Lacsamana. Naka-seventeen over twenty sa exam? Nangopya ka ano?" naningkit ang mga matang sabi ni Marj nang ipakita niya ang mga quiz dito.

Naiinis na binawi niya iyon sa mga kamay nito. Wala si Gia at Bianca dahil may kasamang ibang kaklase. Si Marj man ay kasama ang grupo nina Paul. May dalawa pang babae ang nadagdag sa mga ito na sa hula niya'y transferee. Bago kasi ang mukha.

"Hindi ako nangopya. Nag-review ako," binalik niya iyon sa kanyang bag.

"Narinig niyo 'yon guys?" anunsiyo ni Marj sa mga ito.

Tumawa si Paul. "Aba, Shirley, mukhang hiyang na hiyang ka na sa Pilot Section, a. Tignan mo 'yang mukha mo, o. Kamukha mo na si Einstein."

Bumunghalit ng tawa sina Marco. Maging iyong dalawang babae ay natawa din ng malakas. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay pero hindi siguro napansin kaya patuloy sa pagtawa.

"'Di seryoso nga. Parang nagiging katulad ka na nila, Shirley. Wala na ba tayong pagti-trip-an doon sa section ninyo? Matagal-tagal na din bago mo kami 'pinakain'," dugtong ni Paul.

Umiling siya dito at pinagpatuloy ang pagkain sa kanyang baked macaroni. Hindi niya din maintindihan ang sarili niya kung bakit hindi niya magantihan iyon si Joaquin. Darating ka din pala talaga sa point na magsasawa ka.

Sino ba namang hindi magsasawa sa isang iyon? Ginawa mo na't lahat ang tigas pa rin talaga ng mukha.

"Si Drake Lagdameo."

Napataas ang tingin niya kay Igi na nagsalita. Nakatingin na ang mga kasama niya sa labas ng cafeteria. Dahil glass ang dingding no'n ay kita ito na naglalakad patungo sa kung saan kasama si Benj at Archie.

Tumingin si Paul sa kanya. "Pwede na 'yon."

Ibinalik niya ang tingin dito. Alam na alam niya ang ngising naglalaro sa mga labi ni Paul. "P-Pwede na ang alin?"

"Si Drake. Ang tagal ko nang naaangasan do'n, e. Pati do'n sa dalawang kasama niya. Iyon ang masarap pag-trip-an."

Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba. Ang bagal pa ng pag-proseso ng sinabi ni Paul sa kanya sa isip niya. "A-Ano'ng gagawin niyo kay Drake?" pinigilan niya ang panginginig ng boses dahil sa matinding galit.

"Ahm...hindi pa namin alam. Tatakutin lang siguro. Ang angas, e."

"Ano ba'ng ginawa niya?! Pagti-trip-an mo lang dahil naangasan ka?! Ano'ng klaseng dahilan 'yan?!" hindi niya na napigilan ang pagtaas ng boses. Sa hindi malamang dahilan ay nabuhay sa kanya ang kagustuhang protektahan ito.

Napatahimik ang mga kasama niya sa lamesa. Si Marj naman ay nakatingin ng naguguluhan sa kanya, "Shirley. Kalma. I think Paul is just kidding." Hinaplos nito ang kanyang balikat. Inayos niya ang kanyang mukha pero hindi siya nagbawi ng tingin kay Paul.

Natawa si Paul. Iyon ang pumutol sa tensiyon na nabuo dahil sa naging reaksiyon niya. "Oo nga, Shirley! Calm down! Okay, fine. We won't touch him. Hindi mo kailangang sumigaw. Bigyan niyo nga 'yan ng softdrinks para lumamig." Naiiling nitong sabi sabay tawa.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon