CHAPTER 40

885 40 24
                                    

Inayusan siya muli ng kanyang Tita. May special number pa na ginaganap sa labas kaya silang napiling lima ay narito muna sa likod para magpahinga bago ang question and answer portion. Mabuti at huli na iyon dahil nakakapagod talaga ito.

"Congratulations, Shirley! Maganda ang performance mo kanina!" bati ni Sir Bautista sa kanya.

Ngumiti siya ng tipid bago kinuha ang phone sa bag ng kanyang tita. Walang text ni isa. She's contemplating on texting Drake. Gusto niya lang itanong kung nasaan na ito o kung umuwi na pero pinigil niya ang kanyang sarili. Wala siyang karapatang gawin iyon.

"O, bakit? Smile, Shirley. Kinakabahan ka ba?" ani Tita Mary Jane niya nang mapansin ang biglang pagbaba ng kanyang mood.

Ngumiti lang din siya dito, "Hindi naman tita."

"Focus ka lang sa tanong. Mag-isip ka sandali bago ka sumagot, okay? Puwedeng maikli lang ang sabihin mo pero basta naroon ang sagot at malinaw," paalala nito.

Tumango lang siya.

Pinabalik silang lima sa stage pagkatapos para sa question and answer portion. May glass bowl doon na nakita niya kung saan ang mga tanong na ginawa ng mga judges para sa kanila. Ang pagkakasunod-sunod ay base sa kung paano sila tinawag kanina kaya siya na naman ang huli.

"Candidate number 11, step forward please," sabi ng lalaking MC ng program.

Naglakad si Barbie patungo sa harapan at kumaway sa mga nagsisigawan niyang supporters. Bumunot ito ng tanong pagkatapos. Binigay ni Barbie iyon sa emcee upang ito ang magbasa.

"This question is from the MATH Department Head, Sir Celso Natividad. Miss Imperial, the question is, how would you convince the audience and the board of judges that you deserve the title of Miss Intramurals for this year?"

Binati ni Barbie ang crowd at ang judges bago sumagot. Tumahimik ang lahat habang sinasagot ni Barbie iyon ng punong-puno ng confidence. Ni hindi ito nag-alangan o nag-buckle. Dire-diretso talaga.

Tama si Sir Bautista. Si Barbie ang pinaka-magaling dito. Kitang-kita kasi ang pagiging sanay nito sa pageants.

The crowd cheered for her when she finished. Bumalik ito sa linya nila habang tinatawag ng emcee ang ikalawang kandidata.

"Now, last but definitely not the least..." hindi pa man natatapos sa pagsasalita ang emcee ay nag-ingay na muli ang mga estudyante sa buong gym. She gave them a smile. Ang tindi ng suporta sa kanya. "Candidate number 12, Miss Shirley Faye Lacsamana!"

Nakita niyang tumayo pa iyong mga kaklase niya na may hawak ng kanyang banner. Patuloy ang chant ng mga ito sa kanyang pangalan. Mas lalo siyang kinabahan. Baka mataas ang expectation ng mga ito sa kanya at mapahiya niya.

"You seem like the crowd's favorite, Miss Shirley," komento ng emcee sa kanya.

Ngumiti lang siya. Putek, magtanong ka na! Naiihi na ako!

"Okay, pick your question..." tinuro nito ang bowl.

Ipinasok niya ang kanyang kamay doon at kumuha ng isa saka iyon inabot sa emcee.

"This question is from one of St. Thomas High's Board Members, Mr. Lorenzo Salas..."

Tatay pa ni Paul! "Miss Lacsamana, the question is...for you, what is the essence of Intramurals?"

Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang kanyang sarili. Tumahimik ang kanina'y napaka-ingay na crowd. Sumilip siya sa kanyang gilid at nakita ang tita Mary Jane niya na naroon at tahimik na tsini-cheer siya.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon