CHAPTER 58

1K 37 13
                                    

Bumalik si Drake na dala na ang gamit niya. Ngunit nang tangkain niyang kunin iyon ay mabilis nitong iniwas sa kanya.

"Ako na ang magdadala nito," sabi nito saka kinuha ang sariling bag at sinukbit sa likod bago inayos ang bag niya sa isa nitong balikat.

"Ako na Drake! Nago-overreact ka na naman. Hindi naman ako na-baldado."

Matulis na tingin ang ibinigay nito sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Sa huli ay bumuntong-hininga na lang at hindi na siya pinansin. Ginagap na lamang nito ang kamay niya saka siya hinila paalis doon.

"D-Drake...baka may maka-kita sa'tin!" pilit na hinila niya ang kamay dito ngunit hindi siya nito pinakawalan. Naglalakad na sila ngayon palabas sa gate ng school at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanilang kakilala at magpakalat ng tsismis.

"Pumayag ang teachers natin na bigyan tayo ng special quiz," sa halip ay sabi nito.

"Drake, masakit ang pasa ko," daing niya kahit hindi naman iyon ang buong katotohanan. Dahilan niya lang iyon para bitawan siya ni Drake at pabayaang maglakad mag-isa. Na natupad naman nang huminto si Drake at bitawan siya.

Pinagmasdan siya nito. Hindi ito nagsalita. Bumuntong-hininga siya at inihawak ang kanang kamay niya sa kanyang kaliwang braso.

"T-Tara na..." aniya nang ilang sandali pa ito'ng nakatitig sa kanya.

Sa huli ay naglakad din si Drake palabas ng school. Nararamdaman niya ang tensiyon dito kahit na iniaabot na lamang nito ang pass sa guard hanggang sa tuluyan silang makalabas na dalawa.

Mabilis ang lakad ni Drake kaya bahagyang naiiwanan siya. Hindi naman niya sinabing lumayo ito ng ganoon! Masyado ito'ng sensitive! Ngunit pinabayaan niya na. Mas mabuti nga naman kung ganoon sila kalayo sa isa't-isa kahit pa nasa labas na sila ng campus.

Maaga pa kaya walang pila sa terminal ng jeep. Nakapasok sila kaagad ni Drake ngunit dahil a-apat lang sila sa loob ay kinailangan pang maghintay ng iba pang pasahero. Drake remained silent and it's killing her! Hindi niya na maintindihan kung ano ang gusto niya. Iyong maingay ito at nangungulit o ganitong tahimik.

Umusog siya rito. Napalingon si Drake sa kanya, sa wakas, kaya naman napabaling siya sa ibang bagay. Naramdaman na lang niya ang pagkuha nito sa kanyang braso at pagpatong ng kanyang siko sa hita nito.

Nang lingunin niya muli si Drake ay nakatingin na naman ito sa labas. But his hand is keeping her arm still on his leg. Hindi niya alam kung bakit ngunit napa-ngiti siya.

Mayamaya ay nadagdagan na din sila ng mga pasahero kaya tumulak na ang jeep. Naunahan siya ni Drake sa pagbabayad. Tinignan niya ito ng masama ngunit hindi niya na rin iyon pinatagal.

"Sabi mo ako ang manglilibre sa'yo ngayon," reklamo niya. Naaalala niya pa ang sinabi ni Drake sa kanya kahapon. Tuloy pa ba sila sa lugawan ngayon? At talagang naisip niya pa iyon matapos ng nakita niya kanina at ito'ng nangyari sa kanya.

"I don't let sick girls pay for my fare," naka-ngiti nitong sabi. Ang tensiyon kanina kay Drake ay nawala na. Napabuntong-hininga siya sa loob-loob niya.

"Wala ako'ng sakit."

"May pasa ka."

"Pasa lang. Wala ako'ng sakit," ulit niya rito.

Inilapit ni Drake ang bibig nito sa kanyang tenga para bumulong, "Gusto mo'ng mahalikan sa jeep?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Nang makita ang pag-ngiti nito sa kanya ay napa-irap na lamang siya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya nakipag-usap dito sa buong biyahe. Mukhang alam na alam na nito ang paraan kung paano siya patatahimikin!

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora