CHAPTER 15

1K 40 1
                                    

Nang sumapit ang Lunes ay tuloy ang pagtu-tutor ni Drake sa kanya. Nagkataon din kasi na magka-pares pala sila sa Research Paper sa English na ipapasa nila sa pinaka-huling grading.

Everyone thought she's lucky to have him as her partner. Pero hindi siya. Kung si Drake ang ka-partner niya ibig sabihin hindi siya puwedeng pumetiks. Walang kaibi-kaibigan sa hinayupak na 'to.

Kaibigan. Ganoon na ba talaga sila? Pwe, siyempre hindi! Naaawa lang ito sa kanya. Kung hindi siya nito pinagti-trip-an, maaaring iyon ang tunay na dahilan. Mabait si Drake at marahil ay iniisip nitong nahihirapan siya sa Pilot Section dahil wala naman siyang kaibigan doon, pero mali ito. She doesn't need anyone. Kaya niyang mag-isa doon.

"Shirley, hintayin mo na lang ako sa caf," paalam nito sa kanya.

Sa likod nito ay nakikita niya si Allie na naghihintay dito. Ibinalik niya ang tingin kay Drake. "Sige."

Ngumiti ito sa kanya at tumango. Naglakad ito palapit kay Allie. Hinawakan ito ni Allie sa kamay bago sila tuluyang naglakad palayo. Nakita niya pa ang marahang pagpisil ni Drake sa kamay nito bago tuluyang nawala sa paningin niya.

Inayos niya ang sombrero sa kanyang ulo pero nakakatatlong hakbang palang siya nang may biglang tumama sa ulo niya dahilan para lumipad ang kanyang sombrero sa lupa.

"Aray!" Nag-angat siya ng tingin at nakita niya sina Joaquin na nasa unahan niya na ngayon at sumisipol pa.

"Joaquin!" sigaw niya dito bago padarag na dinampot ang cap sa lupa. Hindi ito lumingon. "Joaquin!" sigaw niya ulit.

Huminto ang mga talipandas sa paglalakad. Si Joaquin ay umakto pang ipinapaling ang tenga para hanapin kung sino ang tumatawag dito. "May naririnig ba kayo, guys?"

"Ano?" sabay-sabay na tanong no'ng mga alipores nito.

"Parang...ah, baka daga lang." tumingin ito sa kanya at ngumisi ng pang-asar. "Dami talagang daga sa school na 'to, e."

Nagtawanan iyong mga kasamahan nito kahit na wala naman siyang madinig na nakakatawa sa sinabi ni Joaquin. That guy. Kung may club lang silang mga bully ay ikakahiya nila ito at papatalsikin.

"Papalagpasin ko 'to Joaquin," aniya habang sinusuot ang cap.

Nag-make face ito sa kanya na para ba'ng ikakagalit niya iyon. Para talagang bata.

"Ayaw ko kasing pumatol sa mga lalaking takot sa palaka. Ano na lang sasabihin sa'kin ng iba? Na pumapatol ako sa babae?"

Nagbungisngisan ang mga kasama ni Joaquin sa sinabi niya. Si Joaquin ay namutla habang seryosong pinagmamasdan ang mga kaibigan na kani-kanina lang ay kakampi nito.

Lumapit siya dito. Kita niya ang pagpipigil ni Joaquin na mapa-atras.

"Careful, Joaquin. Balita ko...may behind the scenes pa iyong nangyari sa'yo. Iyong pinaligo sa'yo ang mga—"

"Shut up!" sigaw nito sabay duro sa kanya. "You, shut up!"

Bigla na lang itong nag-walk out. Pinagmasdan ito ng mga kasama na nagtatawanan pa din. Nailing siya. For a loser like him, he's pretty determined. Ano ba ang gusto nitong makuha? Ang makita siyang nanginginig sa takot dito? Please. That dream is vain. It will never happen. She's not afraid of anything. She's not afraid of anyone.

Umalis na din siya doon at nilagpasan ang mga ito. Sa halip na sa cafeteria magpunta ay doon siya sa tambayan nila nina Marj dati sa likuran ng school siya nagpunta. Umakyat siya sa sanga ng puno na paborito niyang tulugan dala ang sketchpad at lapis niya. Maganda ang araw ngayon kaya masarap mag-drawing.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon