CHAPTER 47

923 42 4
                                    

Sinikap niyang iwasan pa rin si Drake sa mga sumunod na araw. Hindi naman iyon naging mahirap dahil naging abala na ito sa inter-school basketball game na sinalihan ng grupo nito. Halos dalawang araw lamang sa isang linggo kung magpakita ito sa klase.

He's unusually quiet again. Parang noong nakaraan lang. Kadalasan ay seryosong-seryoso ito at tila ba hindi maaaring kausapin. Batid niyang lahat ng mga kaklase nila ay napansin na iyon ngayon. Madalas niya kasing makitang tinitignan ng mga ito si Drake saka magbubulungan.

"Totoo ba na hiwalay na daw si Drake at Allie? Kaya mukhang gloomy palagi si Drake?" tanong ni Johanna sa kanya. Kakatapos lamang ng test nila at sa susunod na linggo ay ang simula na ng sem break.

Halos isang buwan din siyang tila nakikipag-patintero kay Drake. Palagi siyang umiiwas tuwing makakasalubong ito o 'di kaya'y nakakasabay. Hindi niya alam kung pansin nito o hindi na dahil sa dami ng pinagkaka-abalahan.

"Ewan ko," kibit-balikat niya saka patuloy sa paglalakad patungo sa terminal ng jeep pauwi.

Madalas na makita sila Allie at Benj ngayon. Wala namang nagsu-suspect na kahit ano tungkol sa dalawa sa kahit na sino sa mga kaklase nila. Siguro iniisip na kaya lamang magkasama ang dalawa ay dahil nasa iisang grupo ng magka-kaibigan lang naman. And also, everybody thinks that Drake and Allie are too in love with each other.

"Kung ako kay Allie, hindi ko na papakawalan si Drake. Hindi lang guwapo at matalino iyong tao, napakabait pa. Tanga lang kaya ang babaeng hahayaan iyong makawala!" reklamo ni Johanna.

Pumikit siya ng mariin at hinayaan ito sa mga litanya nito. Nanatili siyang tahimik. Hindi niya alam kung ano'ng dapat gawin para ibalik si Allie kay Drake. Siya naman ang problema dito. Siya ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan na nangyari sa mga ito. Dapat siya din ang mag-ayos no'n.

Hindi puwedeng mapunta si Allie kay Benj. That would surely hurt Drake. Kung bakit naman kasi hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang Benj na iyon. Kung bakit kailangan pa nitong ipilit ang sarili kay Allie.

Masaya ba ito ng ganoon? Masaya ba ito'ng nanglilimos ng pagmamahal? Buong buhay niya iyon ang ginagawa niya sa kanyang ama kaya alam niyang masakit. Alam niyang mahirap.

Kaya nga ipinangako niya sa sariling hinding-hindi niya iyon gagawin sa iba. Sapat nang manglimos siya ng pagmamahal sa kanyang ama. Kung maging sa lalaking gusto niya ay gagawin niya iyon, mas masasaktan lang siya.

"Uy, Shirley..." tawag ni Johanna sa kanya.

Doon lamang siya bumalik sa kasalukuyan. "H-Ha? Ano 'yon?"

"Tinatanong kita kung kayo ba ni Benj ay natuloy!" natatawa nitong sabi.

"N-Natuloy? Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

"Kung niligawan ka ba niya? Hindi ba hinalikan ka niya noong mag-pageant ka! Yiee..." tukso pa nito.

Umiling siya kaagad. Ni hindi niya magawang isipin iyon. Ang tindi ng galit niya kay Benj ngayon, "Hindi, Johanna."

"Naku, sayang naman! Bagay na bagay pa naman kayo! May chemistry ba!"

Bagay na bagay? Isang talunan at isang basura? Pwede. Pwe.

Naghiwalay na sila ng daan ni Johanna pagkatapos. Tumuloy siya sa terminal ng jeep at doon pumila. Nami-miss niya pa din si Drake. Naaalala niya pa din kung paano sila sabay na pumila at sumakay dito noon.

Isang buwan na ang ginawang pag-iwas niya dito pero kahit kaunti pakiramdam niya hindi nabawasan ang nararamdaman niya para dito. Parang mas lalo pa nga iyong tumindi. Walang araw na hindi ito sasagi sa isip niya kahit na ayaw niya.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now