CHAPTER 25

799 33 1
                                    

Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Ang sinag ng araw ay lumulusot sa kurtina ng kanyang kuwarto. Naririnig niya din ang ingay ng mga tao sa labas, ang tunog ng mga sasakyan at huni ng mga ibon. Umaga na pala.

She's lying on her chest. Masakit at mahapdi ang buong katawan niya. Para siyang binalatan ng buhay at pinagulong sa asin pagkatapos sa sobrang sakit. Wala siyang maalala na kahit ano'ng nangyari.

Nakarinig siya ng mga paghikbi mula sa kung saan.

"Kasalanan ko talaga kung bakit ito nangyari, Spencer. Nabanggit ko pa kasi kay Shirley ang tungkol sa pag-uwi niya sa bahay ng kapatid mo! Kung hindi ko siya tinanong tungkol doon hindi naman siya uuwi! Hindi sana ito nangyari."

Boses iyon ng kanyang Tita Mary Jane. Inilibot niya muli ang tingin sa paligid. Nandito siya sa kuwarto niya sa bahay ng kanyang Tito Spencer at Tita Mary Jane. Ang alam niya ay nasa bahay siya ng kanyang ama. Umuwi siya doon.

Ngunit agad na bumuhos ang mga ala-ala ng tunay na nangyari. Her father hit her with his belt until she crumpled on the floor and loses her consciousness. Kaya naman pala ganito kasakit ang buong katawan niya. Ginawa na naman pala siyang hampasan ng sinturon ng ama.

"This is not your fault Mary Jane," boses iyon ng kanyang tito. "Paul is the one who is responsible for this! Dahil sa pagiging baliw niya kay Rachel kaya muntik na naman niyang mapatay ito'ng si Shirley! But now I won't let him get away with this. Sa ngayon ay nasa pamamahay na ni Paul ang mga pulis para damputin siya."

Doon tuluyang nawala ang kanyang antok. Gumalaw siya. She tried to prop herself up despite of the searing pain that comes from all over her body.

"Shirley! Huwag ka na munang bumangon!" humahangos na sigaw ng kanyang Tita Mary Jane. "Please...huwag mo munang pilitin."

"A-Ayos..." bawat kilos ay parang patalim na sumasaksak sa katawan niya. Nakaka-miss 'to ha! Matagal-tagal din noong hindi siya napapalo ng ganito katindi ng ama.

At talagang nagawa niya pang mag-reminisce.

"Ayos...lang ako Tita." Pinilit niya pa ring bumangon hanggang sa mapa-upo sa kama. "Ouch, ouch, ouch..." paulit-ulit niyang sabi dahil pati pala puwit niya ay hindi nakaligtas sa sinturon ng kanyang papa.

"Shirley, sinabi ko na sa'yong mahiga ka na lang muna! Mahihirapan ka lang," umiiyak pa rin ang kanyang Tita Mary Jane. "Ano ba 'tong ginawa ni Paul sa'yo! Siya ito'ng biniyayaan ng anak pero ito lang ang gagawin niya?!"

"Tita Mary Jane, kalma na nga...ayos lang naman ako. Malayo sa bituka ito," pilit niyang pagbibiro. Ayaw niya na nakikita ito'ng umiiyak nang dahil sa kanya. This is how her life is. Kailangan nitong tanggapin ang turing sa kanya ng ama.

Umiling ang kanyang Tita Mary Jane at tinakpan ng dalawang palad ang mukha. Lumipat naman ang kanyang Tiyo sa tabi nito upang aluin ito. Her tito Spencer can't even look at her straight in the eyes. Namumula din ang gilid ng mga mata nito.

"Tito...a-ano ba 'yong narinig ko sa'yo? P-Pinakulong mo ba talaga si Papa?"

Hindi niya sukat akalain na hahantong ang lahat sa ganito nang dahil lang sa story board na pagmamay-ari ng kanyang ina. Ngayon mas napatunayan niya lang ang tindi ng pagmamahal at poot ng kanyang ama para sa kanyang ina.

"He needs to pay for what he did to you, Shirley. Your father almost killed you! Kung hindi lang kami tinawagan ni Martha at sinabihan ng tungkol sa nangyari sa'yo ay baka tinuluyan ka na nga ng demonyong ama mo na 'yon!" galit na galit nitong sabi.

Ngayon niya lang yata ito nakitang nagalit ng ganito. Oo, napapagalitan siya ng tiyo niya sa dami ng kalokohan niya pero hindi ganito katindi.

"Pero...lasing si Papa no'n. Sana hindi niyo na lang siya pinakulong," sabi niya habang yumuyuko. Nakita niya ang mahahabang marka ng latay na naiwan sa balat niya. Punong-puno ang mga braso't binti niya. Mukha siyang zebra.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon