Janin

77.5K 2.1K 639
                                    


Janin


"Thank you," sabi ko sa babaeng customer pagka-abot ko ng resibo at ng mga binili niya.


Nang tumunog ang munting bell sa pinto matapos niyang umalis, nabalot na naman ng katahimikan ang store. Sa tabi ko, abala si Leon sa pag-aayos ng lumang cassette player. Hindi ko alam kung marunong ba talaga siya mag-kumpuni pero mukhang desidido siyang ayusin iyon.


Napatitig ako sa mukha niya at naalala ang laman ng sulat. Napapikit ako nang mariin.


Umalis ako sa harap ng kaha at kinuha ang mop mula sa janitor's closet. Sinimulan kong linisin ang sahig. Pinilit kong hwag nang alalahanin pa ang nalaman ko tungkol kay Leon at sa kapatid niyang si Alfonse.


Nang gawin ko iyon, ibang imahe naman ang lumabas sa isip ko.


'S-syempre gusto kita.'


'Then, would you like to go out with me?'


Naramdaman kong namula ang mukha ko. Napahigpit ang hawak ko sa stick ng mop. Napahinga ako nang malalim. Paano ko ba iyon nasabi sa kanya? Saan ko kinuha ang lakas ng loob ko na itanong ang mga bagay na iyon kay Dylan?


At sa dami ng makakarinig sa amin, si Leon pa.


Sinilip ko mula sa pinagtataguan kong shelf si Leon na abala parin sa ginagawa niya. Wala siyang sinasabi sa akin pero alam kong narinig niya iyon. Narinig niya lahat. Imposibleng hindi.


Pero bakit wala siyang komento?


Umiling ako. Gusto kong malaman ang iniisip niya tungkol sa nangyari kagabi. Pero ayokong marinig ang sasabihin niya.


At kanina naman... si Kean...


Hindi ko alam kung paano napunta sa kanya ang journal ko. Bakit niya iyon itinago nang ganoon katagal?


Pero sa totoo lang, nakalimutan ko na iyon. Naalala ko nalang nang muli ko iyong makita. Ayokong basahin ang laman ng journal ko. Ayokong balikan ang dating Janin. Ayoko nang maalala pa ulit ang pakiramdam na naging miserable ako noon.


Lahat ng iyon para sa isang taong... hindi naman pala naging akin.


Ang laki kong tanga.


***


"Hanggang kailan mo ba balak na kalikutin iyan?" tanong ko sa katabi ko nang hindi ko na makaya ang katahimikan.


Tinignan niya ako saglit. Halatang nagulat siya dahil bigla ko siyang kinausap. Bakit ko nga ba siya kinakausap? Pero bakit naman hindi?


"Hanggang sa maayos na ulit," sagot niya saka itinuon ang atensyon sa cassette.


"Hindi mo na 'yan maaayos pa."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon