Janin

99.2K 3K 383
                                    


Janin


Okay na kaya siya? Iyon ang unang bagay na naisip ko pagkagising ko sa umaga. Gabi na ako naka-uwi kahapon, hindi ko sya iniwan hangga't hindi niya nakakain at naiinom ang gamot niya nang muli siyang magising.


Tumingin ako sa bintana ng kwarto ni Kayleen, madilim ang langit. Sabado ngayon at hindi ko kailangan pumunta sa bahay ni Kean. Hindi ko maiwasan na mag-alala sa kanya. Nakakain na kaya sya?


Para pa namang hindi sya mapag-kakatiwalaan sa sarili niyang kalusugan. Ni wala syang first aid kit sa bahay nya. Isa talaga syang senyorito. Hindi na nakapagtataka dahil lumaki sya sa isang mayamang pamilya. Siguradong alagang alaga sya sa bahay nila.


Kumain na kaya sya?


May natira pang pagkain kahapon. Inilagay ko iyon sa ref. Irereheat nalang nya iyon. Marunong kaya syang gumamit ng oven?


Bumuntong hining ako. Yung mga katulad nyang helpless, hindi ko magawang balewalain.


"Janin, may problema ba?" tanong niya habang nanunuod ng korean drama sa laptop niya.


"Kayleen, pwede bang mahiram ang recipe book mo?"


"Oo naman." Tumayo siya at kinuha ang mukhang scrapbook na libro para ibigay sa akin. "Magbe-bake ka ba? Gusto mo ng tulong?"


"Hindi na, marunong naman ako."


Bumalik na sya sa panunuod niya at ako naman ay umupo sa kama at binasa ang mga recipes niya. Karamihan dito ay mga gawa niya mismo, may mga notes pa kung sino ang may paborito non. Nilagyan pa niya ng stars para sa ratings. Ang iba naman dito ay mga recipes na nakuha niya sa internet.


Binuklat ko nang binuklat hanggang sa makita ko ang hinahanap ko.


Oatmeal Cupcake Recipe.


***


Nagmamadali akong bumaba ng bus at sumilong sa waiting shed. Nakalimutan kong mag-dala ng payong. Hindi ko akalain na uulan nang ganito kalakas. Niyakap ko ang paperbag na dala ko. May tupperware sa loob nito na may lamang cupcakes.


Tinignan ko ang langit, makapal ang maiitim na ulap. Mukhang hindi pa titila ang ulan. Anong gagawin ko?


"Janin!"


Nagulat ako sa humihingal na lalaking sumilong sa shed. Napaatras ako nang kaunti. Nakabukas pa ang malaki niyang itim na payong. Nakayuko sya at nakahawak sa isang tuhod niya. Hinahabol niya ang hininga niya.


Nang tumuwid sya ng tayo, nakita ko ang masayang mukha ni Kean. Tila may mga nakapaligid sa kanyang bituin habang nakangiti. Masyado syang maliwanag.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon