Dylan

86.1K 2.8K 1.2K
                                    

Dylan



"Sorry talaga, Dylan," hinging paumanhin ni Janin sa akin.


"Wala 'to. Hwag mo nang alalahanin," sagot ko.


Pumasok kaming dalawa sa bahay at kaagad kaming nakita ng kapatid ko. Mukhang kanina pa siya nakaabang sa darating na tao. Nakaupo siya sa sofa at nanunuod ng TV mag-isa.


"Kuya! Ano yang nasa mukha mo?! Pasa ba yan?" sigaw ni Ikay nang makita ang mukha ko na hula ko ay medyo namumula na.


Tinamaan ako ng kamao ng lalaking sumuntok sa akin sa ibaba ng kaliwang mata ko. Ramdam ko ang pananakit sa bahaging 'yon ng mukha ko. Mabuti nalang sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi ako pwedeng humarap sa clients ko nang ganito ang hitsura.


"Sino ang gumawa niyan sa'yo? Ituro mo sa'kin, hahampasin ko ng pala!" sabi ni Ikay.


Ahh. Ang cute talaga ng kapatid ko. Mahal na mahal talaga ako.


"Hindi ko kilala," umupo ako sa sofa.


"Kuya naman kasi, mag-workout ka! Pumunta ka sa gym, magpalagay ka ng abs. Para di ka binu-bully!"


"Wow Ikay, magpalagay ng abs? Parang tattoo lang ang pagpapalagay non ah."


Inalis ni Ikay ang kamay ko na nakatakip sa pisngi ko. Tinignan niya ang pamumula nito. Siguro mamaya lang ay mangingitim na at makikita ang pasa.


Bumalik si Janin sa sala. May dala siyang ice pack. Ibinigay niya iyon kay Ikay na siyang nagdikit nito sa mukha mo.


"Hindi mo ba talaga kilala kung sino ang gumawa niyan sa'yo?" tanong ni Ikay. "Makakalimutin ka pa naman, kuya."


"Ikay naman, kailan ako nakalimot?"


"Ewan ko sa'yo, kuya."


Sino nga kaya ang lalaking 'yon? Mukhang maangas e. Stalker ni Janin? Ah! Hindi na nag-iisa si Kean, may karibal na siya.


"Ex ko siya," sabi ni Janin sa mababang boses.


"HUH?!" sabay na wika namin ni Ikay.


"Sorry talaga. Kung kinausap ko lang sana siya, hindi siguro ito mangyayari sa'yo," sabi ni Janin na halata sa mukha ang pag-sisisi.


Mabilis naman akong na-guilty.


"Wala 'to, hindi naman ako babae para alalahanin 'tong mukha ko. Ayos lang, Janin. Di naman masakit eh." Bigla namang diniin ni Ikay ang ice pack sa pisngi ko. "Aray!"


"Hindi pala masakit, ha?"


"Ikay naman," reklamo ko sa kanya.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon