Dylan

110K 3K 622
                                    

Dylan


May mali talaga sa senaryong kinalalagyan ko ngayon. Kasama ko ang dalawang sikat na sikat na artista ngayon sa bansa. Kung ibang tao ang nandito ngayon at hindi ako, ano kaya ang gagawin nila? Iisipin ba nilang opportunity na ito para makapag-selfie kasama sila? Ginagawa ba ng mga lalaki 'yon? Wala naman kasi akong idol na artista. Pero sinusuportahan ko si Kean sa career nya kahit na wala akong interes sa mga nakakasama nya.


Pagkarating ng kaibigan ni Kean kanina, nag-akyat ako ng box sa ikalawang palapag para mag-ayos ng gamit. Ang totoo nyan, umiiwas talaga ako. Sa lahat ba naman kasi ng tao na hihingian ng tulong nitong si Kean, bakit pa 'tong si blue eyes?


Close ba talaga sila? Noong nakaraan din ay magkasama sila. Palagi silang magkasama sa trabaho, pati ba naman sa free time nila? Ano ba ang nangyayari?


At bakit ko kailangan na magtago? Wala naman akong ginagawang masama pero parang pakiramdam ko pinaparusahan ako ng langit. Bumuntong hininga ako sa naisip ko. Tinataasan talaga ako ng balahibo kay blue eyes. Pakiramdam ko may sawang lumilingkis sa katawan ko. Nakakakaba. Nasa delikadong lugar ang puri ko. Bigla akong nanlamig.


Dapat talaga hindi ako umalis ng bahay ngayon!


Knock Knock!


May kumatok sa bukas na pinto at nakita ko si Francis na nakatayo roon, pawisan at nakahubad. Dumidikit sa noo nya ang itim na itim nyang buhok. Napaatras ako kaagad at bumunggo sa likod ng binti ko ang mga walang laman na kahon. Naramdaman ko ang shelf sa likod ko. Kaagad kong inabot ang dinosaur display na inilagay ko roon. Mahigpit ko iyong hinawakan at inisip kung paano ko iyon magagamit bilang panghampas sa taong ito kung sakaling magkamali ito ng galaw.


Nakita kong kuminang ang mga mata nya at tumaas ang isang gilid ng kanyang labi. Pinagtatawanan ako ng ungas na ito?! Hindi ba nya alam ang trauma na ibinigay nya sa akin?


"A-Anong kailangan mo?" tanong ko.


Dahan dahan syang naglakad. Pakshet. Mukhang nasa runway pa kung maglakad ang kupal na 'to. Hindi nya inaalis ang tingin sa akin. Nag-yelo ako sa kinatatayuan ko. O Diyos kong mahabagin, hwag po! Pangarap po nina Mama at Papa na makapag-asawa ako at bumuo ng sarili kong pamilya! Hindi ito! Hindi ganito! Inumpisahan ko nang magdasal sa isip ko.


Dumidiin na sa likod ko ang shelf na nanggaling pa sa IKEA, wala na akong maatrasan. Napalunok ako. Nasa harap ko na sya. Shiiit! Endorser ba ng Axe ito o sadyang ganito ang amoy ng pawis ng mga blue eyes? Shit! Damn! Hindi talaga patas ang mundo!


"Before anything else, let's get one thing straight," sabi nya habang nakatingin sa akin. Sandaling bumaba ang mga mata nya sa hawak kong laruan. Bigla syang ngumiti na parang alam nya kung para saan ang hawak ko. Lokong foreigner na 'to ah. "I'm not gay. I'm sorry, it was a bad joke. Forgive me."


Sandali kong hinintay na i-process ng utak ko ang sinabi nya. Napa-tanga ako sa sinabi nya. Ha? Bakit tuwing kausap ko ang foreigner na ito, napapa-tanga ako? Anong uri ng mahika ang sinasabog nya sa harap ko tuwing kakausapin nya ako?

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon