Entry #7

199K 5.1K 176
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Nagkita kami ngayon ni Millary. Sya yung naging dahilan kung bakit tayo paulit-ulit na nag-break noon. Kung dati hindi kami nagpapansinan, ngayon nag-usap na kami sa unang pagkakataon. Naging normal ang usapan namin. Napansin ko na kung ano ang mga nagustuhan mo sa kanya, masarap syang kausap. Napunta tungkol sa’yo ang usapan namin. Hiwalay na rin pala kayo. Akala ko noon kapag nag-break na tayo nang tuluyan babalik ka na ulit sa kanya. May bago nang dine-date si Millary ngayon at mukhang seryoso na sya sa boyfriend nya.

Pero alam mo ba, kahit na hindi pala kayo, hindi parin kita magawang balikan. Hindi kasi si Millary yung nanakit sa akin. Ikaw. Ikaw kasi ang nagdesisyon na gawin ‘yon. Hindi sya.

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon