Janin

111K 3.5K 719
                                    

Janin


Nakatingin ako sa mga stars na nakadikit sa kisame ng kwarto ni Kayleen. Nakapatay na ang ilaw kaya naman kitang kita ko ang mga glow in the dark stickers. Mahimbing na natutulog si Kayleen sa tabi ko.


Hindi ako makatulog. Kanina, namangha ako nang makita ang loob ng kwarto nya. Ang daming kulay. Katulad ng personality nya ang kwarto nya. Marami rin syang stuffed toys. Karamihan ay mga mukhang palaka na plushies. Ang sabi nya, regalo daw yon sa kanya ng boyfriend nya. May mga pangalan pa nga ang mga yon. Ang inosente ng pagmamahal nila sa isa't-isa.


Ano na kaya ang gagawin ko bukas? Nakausap ko na ang mga magulang nya kanina. Ang sabi nila pwede raw akong dito muna tumira. Ang init ng pagtanggap nila sa akin kahit na di nila ako kilala. Pero ayoko naman na manatili rito nang matagal. Kailangan ko ulit bumangon at kumilos para makakuha na ako ng trabaho.


Naalala ko nang banggitin ni Kayleen ang sweldo nya sa OJT. May makukuha pa nga pala ako sa hotel na bayad nila sa akin. Nakalimutan ko na dahil sa dami ng mga nangyari. Bukas dadaan ako sa hotel para kunin yon. Doon ako mag-uumpisa.


May bigla akong narinig na ingay sa labas ng bahay. Kumakahol ang mga aso. Dahan dahan akong bumangon at siniguradong hindi magigising si Kayleen. Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko tumigil na ang mga aso sa pagtahol.


Pumunta nalang ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nakapatay ang ilaw sa kusina at di ko na pinagkaabalahang buksan pa. Kaya naman nang buksan ko ang refrigerator ay sandali akong nasilaw sa liwanag. Kinuha ko ang pitsel na may tubig at sinalinan ko ang baso ko. Nang ibabalik ko na ang pitsel sa loob ay may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko sa sobrang gulat.


"Ikay! Hic! Sabihin mo love mo si kuya!" tumatawang sabi ng lalaki sa likod ko.


Muntik na akong mapasigaw mabuti nalang at napigilan ko. Kapatid ni Kayleen? Amoy alak sya.


"Hindi ako si Kayleen," sabi ko. Pilit kong inaalis ang yakap nya sa bewan ko.


"Hic! Ikay! Ikay! Sabihin mo muna love mo si kuya! Hic!" sabi nya sa pagitan ng mga sinok nya.


Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Bumibigat na sya. Halos kalahati ng bigat nya ay sa akin nya ibinibigay. Kaunti nalang at matutumba na kami.


"Hindi ako si Kayleen!"


"Ano? Hic! H-Hindi mo love si kuya? Hic!" makulit na sabi nya. "Sabihin mo love mo ko! Sabihin moooo! Hic!"


Bumuntong hininga ako. Inalis ko ang yakap nya sa bewang ko. Baka bigla nalang syang makatulog at matumba sa akin. Isinampay ko sa balikat ko ang isa nyang braso at inalalayan sya sa paglalakad. May isang pinto sa tapat ng kwarto ni Kayleen.


"Mas love mo ko sa...hic! Ashton mo diba?" sabi nya. Pahina nang pahina ang boses nya at pabigat sya nang pabigat. Kaunti nalang talaga makakatulog na ito. "Ikay naman ee!"

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon