Janin

204K 5.5K 862
                                    

Janin

Makakauwi na rin ako sa wakas. Binuksan ko ang locker ko para kunin ang mga pamalit na damit. Sobra akong napagod ngayong araw dahil naging busy kami sa pagru-room service. Summer. Ang daming naka-check in ngayon sa hotel.

“Narinig nyo ba? Dito raw sa hotel natin naka-check in si Kean!”

“Kyaaaa! Nakita ko sya kanina sa lobby! Sobrang gwapo nya!”

“At sobrang lakas ng sex appeal nya! Muntik na akong matumba! Nanghina ang mga tuhod ko nang ngumiti sya.”

“Kinikilig ako! Sana mapasok ko yung room nya!”

“Janin! Nakita mo rin ba si Kean kanina?”

“Hindi ko sya kilala. Sino sya?” takang tanong ko habang nagpapalit ng damit.

“EEEEEHHHH?!!! Hindi mo kilala si Kean?” tanong ni Rochel.

“H-Hindi eh. Importante ba sya?” usisa ko.

“Saang lupalop ka ba ng mundo nagtatago?” tanong ni Jammy.

“Sa ilalim ka ba ng bato nakatira?” dugtong na tanong ni Karen.

“Hindi ka ba nanunuod ng TV?” tanong ni Rochel.

“Wala akong TV sa apartment ko. Sikat ba sya?” Sya siguro yung VIP guest namin. Kaya pala ang daming excited kanina. Dahil pala sa kanya.

“Sya lang naman ang rising star ngayon sa showbiz!” proud na sagot sa akin ni Rochel.

“Rising star?” VIP guest nga sya.

“Anak sya ng supermodel na si Michelle Roza at ng business tycoon na si Joren Lee! Isa syang prinsipe dahil hindi lang sya gwapo kundi mayaman din! Perfect prince sya!” nagniningning ang mga mata na paliwanag ni Karen.

“At hindi lang ‘yon, magaling din syang singer at actor! Magaling rin syang mag-compose ng mga kanta!” dugtong ni Jammy.

“At ang pinaka-importante sa lahat, super humble nya at—” sabi ni Rochel.

“SINGLE SYA!!!” sabay nilang sabi.

“Ahh. Okay.” Nagpatuloy ako sa pagbubutones ng damit ko. Inilagay ko sa bag ko ang uniform ko para malabahan ko sa bahay. Ano kaya ang kakainin ko mamaya?

“Ang taas ng energy mo Janin,” puna ni Rochel.

“Sa sobrang taas akala ko may tumubong Mt Fuji sa harap ko,” sabi naman ni Karen.

“Sorry. Hindi kasi talaga ako masyadong nanunuod ng TV.” Kinuha ko na ang bag ko. “Pano? Una na ako.”

“Ilang hours pa ba ang kailangan mo para matapos ang OJT mo?” tanong ni Jammy.

Inalala ko kung ilan nalang ang natitira. “Forty hours nalang matatapos na ako.”

“Mga limang araw pa pala,” wika ni Karen.

 “Swerte mo naman five days ka nalang pala. Two hundred fifty yung kailangan namin na ma-complete kaya maiiwan kami.”

“Kaunti nalang ‘yon. Kailangan ko nang umuwi. Dadaan pa ako sa grocery store,” paalam ko.

“Sige, ingat ka Janin!”

“Kayo rin.”

Lumabas na ako ng hotel at naglakad patungo sa footbridge para makatawid sa kabilang kalsada. Ano kayang pagkain ang bibilhin ko? Magluluto pa ba ako o hindi na? Sumakay ako ng bus na dadaan sa paradahan ng jeep pauwi sa amin. Fifteen minutes ang byahe. Gusto ko talagang umupo pero puno na ang bus. Standing palagi tuwing ganitong oras.

May dalawang bagong sakay. Nakatayo sila sa harapan ko.

“Busy ka na naman ba sa thesis mo?”

“Sorry talaga babe.”

“Bumawi ka pagkatapos nito ha?”

“Oo naman.”

Traffic. Gusto ko nang bumaba at maglakad nalang.

“Pero pumunta ka sa birthday ni Nanay ha?”

“Oo pupunta ako.”

“Promise?”

“Promise.”

“Yay!  I love you babe!”

“I love you too.”

Ahh. Love. Promises. Mga salita na madaling sabihin pero mahirap panindigan. Kailan kaya sila magbe-break?

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon